UNEXPECTED: XXI

1.1K 40 17
                                    

"Ang daming flowers" takbo ni maloi sa gitna ng mga bulaklak

Ngumiti si colet habang pinagmamasdan ang babaeng bumihag sa puso niyang matagal ng naghahanap ng karamay.

"Colet! bilisan mo" sigaw ni maloi habang tumatawa, bumalik ito upang sunduin ang kasama

"Tara na! ang ganda oh" umikot pa ang babae para ipakita kay colet kung gaano ito namamangha sa nakikita niyang tanawin

"Mas maganda ka naman dyan" sagot ni colet kaya namula ito sa sinabi niya

"tara na, pag naunahan mo kong makapunta sa ilog may premyo ka sakin" pagkasabi nun ni maloi tumakbo siya agad

"ehhhh ang daya naman e" reklamo ni colet habang sumusunod na sa pagtakbo sa dalaga

Alam naman ni colet na mas mabilis siya tumakbo, pumitas siya ng walong magkakaibang kulay ng bulaklak bago nagpatuloy na tumakbo para habulin si maloi.

Mabilis niya tong naabutan at inasar pa nung nalagpasan niya ito "bleeehhh una na ko"

"duga" sabi ni maloi at binilisan pa ang pagtakbo kaso mas mabilis tumakbo si colet

Nung mapansin ni colet na hinihingal na yung kasama niya tumigil na ito at hinintay nalang siya.

"oh bakit ka tumigil?"

"eh napapagod ka na e, ayokong napapagod yung prinsesa ko" nakaramdam ng hampas si colet dahil dun, normal na to kay maloi kapag nahihiya

"lakad nalang tayo" aya niya

Naglakad sila sa daan na punong puno ng bulaklak, hindi mapigilan ni colet na mapangiti habang pinagmamasdan si maloi. Kahit pawis na ito at hinihingal hingal pa e sobrang ganda pa din nito sa paningin niya.

"Ang ganda mo talaga uyab" hinawi niya yung mga hibla ng buhok na humaharang sa mukha nito

"mas maganda yung mga bulaklak no" tanggi nito

"ikaw yung mas maganda pero mas maganda kung hawak mo tong bulaklak" inilabas ni colet yung mga pinitas niya at binigay to kay maloi "para sayo"

Malugod niyang tinanggap to at nagpasalamat

"hmm, bakit walo?" nagtatakang tanong niya

"e kasi sabi dun sa nabasa ko, ang number 8 daw ay soulmate ang ibig sabihin. Para sakin kasi ikaw yung soulmate ko saka parang simbulo ng infinity yan diba, gusto ko makasama kita habang buhay. Parang tulad niyan, infinity"

Tumawa si maloi at kinurot sa pisngi si colet "ikaw talaga ang dami mong alam"

"sayo lang naman ako ganito" tawa niya ng mahina

Inamoy ni maloi yung bulaklak at kumapit sa braso ni colet "dapat lang"

Nagpatuloy sila baybayin yung daan, tinanggal ni colet yung pagkahawak sa braso niya at hinawakan yung kamay ni maloi.

"sana laging ganito, walang iniisip masaya lang" maloi said

"lagi naman masaya yung mundo ko basta ikaw yung kasama" sagot ni colet

Nung makadating na sila sa parte kung saan may ilog, binuksan ni colet yung dala niya at inilatag yung kumot sa damuhan.

Bumungad sa kanila ang isang napakagandang natatagong ilog na napapaligiran ng mga puno, yung araw ay nagrereflect sa tubig kaya kitang kita na malinis ito at kitang kita ang mga maliliit na isdang sumasabay sa agos. Walang maririnig na iba kundi lagaslas ng tubig at huni ng mga ibon lamang.

"Wooooooow colet ang ganda! pano mo nalaman tong lugar na to?"

"sa lahat ng lugar na nakita ko wala ng mas gaganda pa sayo uyab" malumanay na sabi ni colet

Book of Us (MaColet)Where stories live. Discover now