COMFORT: VI

1.4K 39 14
                                    

MALOI's POV

Ilang araw na kong lutang, feeling ko one week na kong unproductive. Oo aminado akong tinatamad ako pero sabi nila jho at gwen parang nasobrahan naman daw ako. Ni hindi ko nga maumpisan yung mga draft ng bago kong story, hindi ko din maisip kung pano ko siya sisimulang sulatin.

Actually ramdam na ramdam ko na din naman yung katamadan ko, kasi si jho na kasama ko sa apartment palaging wala sa bahay. Sobrang busy niya sa shop niya, samantalang ako higa, kain, tulog at nuod lang. Si gwen naman palagi naman busy yon, masyadong sikat yung coffee shop niya e kulang na nga lang kalabanin niya yung starbucks.

Nagpopromote naman ako nung book ko, kaso hindi naman ako ganoon ka famous para maging sobrang busy sa promotion. Although napansin ko na mas dumami yung readers ko, but still isa pa din akong average author na may mataas na pangarap. At isa pa discreet pa din naman kasi yung real identity ko sa madla, kaya ayun hindi ko siya mapopromote ng personal.

Hindi ko alam sa sarili ko pero simula nung napahiya ako sa pamangkin ni tita eva na si colet parang nawalan na ko ng confidence gumalaw at mas lalong nawalan ng tiwala na rin sa sarili. Napakaintimidating kasi ng aura niya sa akin, feeling ko isang tingin lang niya sa akin jinudge na niya lahat ng kapalpakan kong nakita niya.

Kaya siguro tinatamad ako e pero napag usapan na din namin to ng dalawa kong kaibigan at ang sabi lang nila is "bakit ka nabobother e baka nga walang pakialam yun sayo or baka nalimutan ka na nun!"

Napaisip naman ako ng 'oo nga naman' kaso lang kasi pag naaalala ko yung nangyari lalong lalo na yung pagiging clumsy ko sa harap niya e gusto ko nalang talaga lumubog sa kalupaan.

"Maloi! Huy maloi!" naramdaman kong may umaalog sa akin, wala naman ibang tao dito kasi maaga umalis si jho. Nung pagtingin ko si gwen pala, may susi kasi siya ng apartment namin.

"ha?!?!" sagot ko sa kanya

"hala normal ka pa ba? ilang araw ka nang madalas matulala"

hindi ko siya nasagot agad kasi hindi ko din alam isasagot ko, nakatingin lang din ako sa kanya. Hindi ko nga din alam kung bakit madalas ako mag space out ngayon, madami ata akong iniisip pero ano?

"Gwen bakit ang ganda mo?" bigla kong sabi habang nakatulala pa din sa kanya

"ha???" gulat niyang tugon

Nanatili akong nakatahimik, iniisip ko kung bakit hindi nalang ako naging kasing ganda ni gwen. Edi sana hindi ako hirap makipag kilala sa mga tao, edi sana confident ako lumabas at makipag converse sa mga tao.

"hay nako! iniisip mo nanaman ba yung itsura mo?" kinuha niya yung kamay ko at pinatayo ako

"san tayo pupunta?"

Hindi siya sumagot pero hinigit niya ako papunta sa harap ng salamin

"maloi! tignan mo nga sarili mo sa salamin.. ang ganda mo kaya" sabi niya habang inangat yung mukha ko para makita yung sarili ko

Kinuha niya yung phone niya at nag scroll.

"oh! tignan mo to, mas maganda ka pa nga dito"

Pinakita nya sa akin yung random photo ni jho na parang meme, kaya napatawa ako.

"ayan ngumiti ka din! mas bagay sayo ngumiti, wag mo pag aksayahan ng oras yung pag oover think mo.. pag nalulungkot ka pwede ka magsabi sa akin, kahit di ako kasing funny ni jho susubukan kitang patawanin"

"saka kung iniisip mo pa din yung colet na yun, wag mo na nga isipin yun! di naman siya worth ng time mo, saka wala yun pakialam sayo, saka sino ba siya? e stranger lang naman yun.. kahit pa pamangkin siya ni tita eva hindi pa din natin siya kilala, wag mo hayaan sirain ng ibang tao yung confidence na binubuo mo" dagdag pa niya

Hindi ako makapagsalita, bihirang bihira lang yung moment namin ni gwen na ganito. Sinasabi kasi niya na hindi siya marunong mang comfort ng tao, pero grabe ramdam na ramdam ko ngayon yung comfort niya sa akin. Maluha luha na yung mata ko ng bigla niya kong yakapin kaya ayun bumuhos talaga yung luha kong kanina ko pa pinipigil.

Hinahagod hagod niya yung likod ko, hinayaan niya lang akong iiyak yung bigat ng nararamdaman ko. Sa aming tatlo kasi ako yung pinaka iyakin, ako yung pinakamadamdamin, ako yung over thinker at palaging negative mag isip.

"wag ka na umiyak, magagalit si Lord" sabi ni gwen na ikinatawa ko naman

"ang random mo naman be" sagot ko habang nakayakap pa din sa kanya at pinupunasan na yung luha ko

"tara sama ka nalang sa shop ko, libre kitang kape.. para maiba naman ambiance mo at magising gising yang diwa mo, baka makita ka nalang namin ni jho parte na ng bahay yung katawan mo"

Kumalas naman siya sa yakap ko at pinunasan yung natitira kong luha sabi halik sa pisngi ko, sinenyasan niya ako na magbihis at magpalit na ng damit kaya pumasok naman ako agad sa kwarto para magbihis.

Hinintay niya ko at nung matapos na ko e nagsimula na kami maglakad. Malapit lang naman yung coffee shop niya, hinawakan niya yung kamay ko dahil siguro para maramdaman ko na nandyan siya.

"gwen" tawag ko sa kanya habang nakatingin

Nanlaki yung mata niya ng tinawag ko siya at napatingin siya sa akin kaya bigla niya ulit iniwas tingin niya.

"hmm?" sagot niya habang nakayuko

"thank you!" sabi ko ng malawak ang ngiti at sabay kapit sa braso niya, tumingin siya saglit sabay umiwas ulit siya ng tingin at tumango

"basta ikaw" bulong niya na hindi ko narinig

Book of Us (MaColet)Where stories live. Discover now