RECIPROCATED: XXXVII

1.2K 52 68
                                    

COLET's POV

"why are you being so dense? IKAW ANG GUSTO KO! stop pushing me kay mikha"

"ha?"

"nevermind colet" inilapag niya yung letter at keychain sa daan, tumalikod si maloi sakin na umiiyak at naglakad palayo. Oo narinig ko naman yung sinabi niya, gusto ko lang ipaulit sa kanya kasi baka nag iilusyon lang ako

Hanggang kelan ka ba magdedeny colet, andyan na sa harap mo oh ang kailangan mo nalang e sabihin pabalik na gusto mo din siya.

"ah" napalunok ako ng laway, hindi ko pwedeng hayaan umalis siya ng ganito. Masasaktan din siya pag di ko sinabi ngayon lahat. Tama na yung habulan.

Naglakad ako papalapit sa nakatalikod niyang pigura, mabagal ang bawat hakbang niya kaya madali akong nakahabol

Niyakap ko siya mula sa likod at pinatong ang baba ko sa balikat niya, isang mahigpit na yakap na gusto kong gawin matagal na.

"pwede bang ako lang gumawa sayo nito? nasaktan kasi ako nung niyakap mo si mikha"

Unti unting napalitan ng tibok ng mga puso namin ang kanina'y naririnig kong mga hikbi. Kasabay ng pagtigil ng aking mga luha ay ang paglabas ng ngiti sa aking mga labi.

Naramdaman ko nalang na ang nakayakap kong kamay sa kanya ay hinahaplos na niya at hinila pa para mas lalo kong mahigpitan ang aking pagkakayakap.

"Mahal kita maloi" bulong ko sa kanya ng malumanay kasabay nang pagkawala ng matinding emosyon na kanina ko pa pinipigilan

"wala nang pagdududa, wala nang paglilihim, wala ng takot, sigurado na kong mahal na mahal kita maloi"

Wala akong natanggap na reaksyon kaya akala ko pagtataguan nanaman niya ako ng nararamdaman niya, pero maya maya lang bigla siyang humarap sa akin at ako naman yung niyakap niya.

"alam mo ba kung gaano kasaya yung puso ko ngayon?" tanong niya sa akin

"at alam mo din ba kung gaano ko katagal hinintay tong araw na to?" tanong ko pabalik

"Mahal din kita colet" bulong niya

Di ko mapaliwanag yung nararamdaman ko, akala ko sa libro ko lang na gawa niya ako makakaramdam ng kilig. Akala ko dun nalang ako ngingiti sa bawat chapter niya, akala ko walang pag asa.

"thank you loi" mas lalong humigpit yung yakap niya sa akin

"baka naman mapisat na ko nyan" biro ko, binitawan niya ko kaya hinila ko ulit siya pabalik

"bahala ka dyan si mikha nalang yayakapin ko" pagdadabog niya at ayaw na magpayakap

"anong mikha? ako lang yayakapin mo ha!"

"at bakit?"

"eh kasi akin ka na! desisyon ako bakit? saka madamot ako! ayoko ng may kashare.. akin ka lang loi" nakita kong ngumiti siya, nang aasar nalang ata to e

"eyy selos yan kay mikha?"

"yakap yakap pa kasi dun sa mikha na yun"

"ang cute mo pag nagseselos HAHAHAHA" kinurot niya ang pisngi ko

"awwww, ang sakit.. parang need ng kiss para mawala yung sakit" arte ko na nasasaktan

"sus nagpaparinig pa e, ayaw nalang humingi ng kiss derecho"

"pero pag si mikha" bulong ko

"anong sinasabi mo dyan?"

"wala wala, sabi ko dun kana sa mikha mo"

Book of Us (MaColet)Where stories live. Discover now