ARTIST'S CONFESSION: XIX

1K 35 5
                                    

COLET's POV

"woy colet! nakangiti ka nanaman, ano naman binabasa mo ngayon?" sita sa akin ni ate cha

"si ate cha naman e, hindi ako nagbabasa no"

"aba himala, e pag nagbabasa ka lang naman ngumingiti dati ah.. uyyy anong bagong pinagkakaabalahan mo? tingin nga"

Pilit niyang sinisilip yung phone ko, pero nilalayo ko to sa kanya

"chismosa mo naman te"

"may tinatago ka na sakin ah, baka mamaya may jowa ka na"

"jowa ka dyan, wala nga e"

"sa dami ng nagkakagusto sayo, imposibleng walang nagchachat sayo"

"oo may nagchachat pero wala naman akong pake, saka pag may gusto ako baka ako pa unang magchat sa kanila"

"sungit neto e, pano ka nyan magkakajowa?"

"e ano naman.. kusang dadating yun ate, saka may crush naman ako no loyal padin sa pinakamamahal kong author.. ikaw kasi kung sino sino nagiging crush mo, yan tuloy puro red flag nakikita"

"hoy hindi ah anong red flag, labs na labs nga ko ng bbycakes ko ngayon e"

"tapos pag niloko iiyak iyak.. alam mo te ang cringe mo na"

"malamang! ano gusto mo tumawa ako pag niloko ako.. tita si colet oh nang aaway nanaman" sumbong niya kay auntie

"hala auntie, si ate cha naman ang nagsimula"

Sinipa ko sa paa sabay bulong 'sumbungera'

"ano ba kayong dalawa, tumigil nga kayo dyan para kayong mga bata" sita ni auntie

"yan kasi ate napaka cringe mo e.. labs na labs ako ng bbycakes ko e.. ewww"

"colet nako tigilan mo nga ang ate cha mo.. hihirit ka pa e"

"sabi ko nga po hindi na auntie eh"

"e nacucurious din ako bakit nga ba kasi palagi kang masaya ngayon anak, alam mo napapansin ko din yan e.. ilang araw ka na ngumingiti at masigla"

"eh kasi auntie, may kachat akong kaibigan.. nakakatawa kasi siya kausap"

"eh sino ba yan? kilala ko ba?"

"ay opo.. si maloi po hehe"

"ay tita si maloi? yung cute na batang naka glasses na mahiyain? di na yun kumakain dito pati si gwen at jho" sabat ni ate cha

"makabata naman e kasing edad ko lang naman yung mga yun"

"e ikaw nga isip bata"

"oh sige mag away nanaman kayo" awat samin ni auntie

"mabuti naman at nagkakamabutihan kayo ni maloi, sabihin mo nga dumalaw ulit sila dito.. namimiss ko na kamo sila" habol pa niya

"weh kilala mo si maloi ate?"

"aba syempre naman, tambay yung batang yun dito dati e.. pero oo nga nakakatuwa yun kasama at kausap"

"ang saya kaya nya kausap, ang dami dami nyang kwento.. tapos parehas pa kami ng vibes"

"ikaw kavibes si maloi? e palagi kang galit, siya naman masiyahin.. anong magkavibes dun?"

"pero sabagay simula nung kachat mo siya palagi ka na ngumingiti parang nabawasan na din init ng ulo mo.. ikaw ah iba na yan" dagdag pa niya

"bahala nga kayo dyan ni auntie" tayo ko sabay lipat ng pwesto na medyo malayo sa kanila

"yieee gusto masolo si maloi, focus sa chat nila" asar ni ate

"HALAAA ate manahimik ka na dyan"

"crush mo lang si maloi e"

"hindi no, magkaibigan nga lang kami saka iba crush ko"

"ehh bat ka nakangiti?"

"anong ngiti ka dyan!" pagtataray ko sa kanya

"oo nga anak, mabait si maloi tapos maganda pa.. matalino din, payag na payag ako kay maloi"

"yun oh! yieee payag naman pala si tita e"

"tsk!"

Nakikita ko yung mapang asar nilang mukha kahit medyo malayo sila, kaibigan ko lang naman kasi talaga si maloi

Pumasok nalang ako sa bahay ni auntie, ngayon ko lang narealize na oo nga ilang araw na din pala kami nag uusap ni maloi.. nasanay na din ako kausapin siya, madami kaming napapag usapan na common kami.. kaya din siguro nakakatagal ako makausap siya.

Binuksan ko yung website na pinagbabasahan ko ng stories, madami na palang bagong update yung author na inaabangan ko na si loiverever.. Naguguilty ako sa sarili ko na hindi ko na naabangan yung update niya dahil busy ako sa ibang bagay pero as usual as a loyal reader palagi ako magcocomment sa chapters niya.

Ang tagal tagal ko na siyang crush, simula nung unang kita ko palang sa mga gawa niya tinamaan na agad ako. Para siyang taga control ng emosyon ko na pag masaya yung scene na binabasa ko is nandun din yung pakiramdam ng saya, pag malungkot naman talagang nadudurog yung puso ko, pag inlove naman pakiramdam ko sobrang inlove ko din.

Basta alam ko gusto ko siya, gusto ko yung humor niya, yung care niya para sa readers niya, gusto ko siyang protektahan, gusto ko ako yung maging inspirasyon niya, gusto ko iparamdam yung saya na naipaparamdam niya sa aming readers niya.

Gusto ko siya in general, hindi ko man siya nakikita pa alam ko na noon pa na siya talaga.

Dahil may bagong feature na pwede na mag private message sa author dun sa website niya, naglakas loob na akong mag confess.

To: Loiverever

Hi author, hindi ko alam ang tunay mong pangalan and this may be random pero ayoko gumising isang araw at pagsisihan ko na hindi man lang ako nagtry sabihin sayo to. Gusto kong malaman mo na matagal na kitang gusto author, alam kong weird dahil hindi pa naman tayo nagkikita sa personal pero hindi mo alam na dahil sayo ilang beses na ako naligtas. Ikaw yung nagpapasaya sa akin, nagpapaiyak, nagpaparamdam ng feeling na inlove. Sa dami dami ng istoryang nabasa ko galing sa iba't ibang tagasulat, sayo ko lang naramdaman na yung feelings ko ay mahalaga. Ilang taon kita sinuportahan, simula nung una palang andito na ako. Naramdaman ko yung hirap mo at yung pag titiis mo hanggang sa makapublish ka ng libro that's why I'm very proud and I hope makita kita one day kasi gusto ko iparamdam sayo yung pinaparamdam mo sa amin. Alam ko selfish kung hihilingin ko na gusto ko ako yung magbigay sayo ng inspirasyon pero If magkakaroon ako ng chance ibibigay ko ang lahat ng makakaya ko dahil deserve mo maging masaya. Don't worry di mo naman kailangan sumagot sa confession ko, I'll always be here no matter what.

From your reader: Col

I always admire loiverever, narealize ko na if hindi ako magcoconfess kelan pa? If hindi man magkaroon ng kahit anong resulta yung confession ko I need to move on with my life. Nanginginig ako habang tinatype ko yun hoping na I'll get a reply kahit maiksi lang. No matter what reply it is I'll be happy and willing to support her in the future. Ang tagal kong minahal yung author na yun at kahit mareject man ako alam kong mamahalin ko pa din siya.

Book of Us (MaColet)Where stories live. Discover now