JHOANNA's POV
"Anak ng putanessca na asawa ng dinosaur naman talaga oh! bakit di ko kasi inalam na yung nakakachat ko pala e yun yung pinsan ni maloi.. shet di pa ko ready harapin siya sa mga pinagsasasabi ko sa chat.. ang bobo jho, kaya pala siya mutual ni ate aiah ayan kasi chat pa more tae naman yan oh ano na gagawin ko nyan" palakad lakad ako dahil di ako mapakali. Humarap ako sa salamin ng cr nang biglang pumasok si stacey.
"Anong ginagawa mo dito?" gulat kong tanong
"Para ka naman nakakita ng multo, mag ccr lang e" sagot niya
Aalis ulit sana ako ng hinila niya ko pabalik "teka lang robles"
"ba-bakit?" kinakabahan ako teka lang
"kalma, akala ko ba cool ka.. baby~" nakakaakit niyang bulong sakin
Bigla akong nanlamig at naestatwa, di ko alam yung sasabihin ko, di ko din alam kung mahihiya ba ako o kikiligin dahil tinawag niya ako ng baby. Nakakapanghina juskolord
"ahh ehh balik na sana ako dun, nag hihintay sila e" dahilan ko
"makakapag intay naman yung mga yun, yung pag uusapan natin hindi"
"a-ano b-bang pag uusapan?" nanginginig kong sabi
"hmm wag ka matakot sakin, hindi ako nangangagat" hinaplos ng mga daliri niya yung pisngi ko, grabe yung kaba ko sa ginagawa niya
"bakit hindi ka nagsasalita? diba matapang ka sa chat? ngayon mo ko tawaging love" lalo pa siyang lumapit sakin. Napapalunok na ko ng laway sa mga nangyayari, sobrang lapit niya di ba niya alam yung salitang space
"Jho, sabihin mo sakin.. maganda ba ako?" ngumiti siya ng nakakaloko, grabe naman mang akit ang isang stacey sevilleja. Di ako makatingin ng derecho sa mga mata niya, nakakatunaw, nakakabaliw, hindi man lang ako makapaglabas ng kahit isang salita sa bibig ko, kusa nalang tumango yung ulo ko para sagutin yung tanong niya
"hindi ko ineexpect na kaibigan mo pala yung mga pinsan ko, alam ba to ni maloi? mukha kasing hindi e"
"hi-indi.. hi-indi ko din alam na ikaw yung pinsan niya" sagot ko
Bawat nagsasalita siya, mas lalo siyang lumalapit kaya ngayon halos magdikit na yung mga katawan naming dalawa.
Iniyakap niya yung braso niya sa leeg ko kaya napa igtad ako, para akong kinuryente na di mapaliwanag "A-anong ginagawa mo st-stacey? baka may makakita satin"
"jho kalma, wala akong gagawin sayo" gamit ang isang kamay inangat niya yung ulo ko para magpantay yung tingin namin sa isa't isa pero nilalayo ko yung tingin ko
"di ko talaga kaya" sabi ko
"ang alin?" tanong niya
"uhmmmm, yung ano--- uhhh ano--"
"ano?"
"yung makipagtitigan sayo saka lumapit sayo ng ganito kalapit"
hindi ko masabi sa kanya na hindi ko kasi kinakaya yung binibigay na presensya na sakin, nakakaintimidate, nanlalambot ako, ramdam na ramdam ko yung paglapat ng katawan niya sakin kaya tanging paghinga ng malalim lang yung nagagawa ko 'jho kumalma ka, wag kang mag isip ng kung ano ano, wag kang manyak, inhale..exhale'
"titig pa lang yan hindi mo na kaya, pano kung eto na?" unti unti niyang nilalapit yung mukha niya sakin hanggang sa mapapikit nalang ako, wala na akong marinig kundi yung mabilis kong paghinga
Ilang saglit lang ay naramdaman ko nalang na nawala yung presensya niya at tumatawa na siya sa gilid ko. Minulat ko yung mata ko tapos nakita ko siyang nakatabi sakin.
YOU ARE READING
Book of Us (MaColet)
Fanfiction"Pwede bang ako nalang yung maging dahilan ng pagsulat mo?"