SHEENA's POV
I didn't expect na darating yung araw na mag iistay over ako sa bahay ng crush ko. I explored her house, it's not big but it is enough para sa kanya.
The usual may mga picture frames of herself na nakalagay, but the one that got my attention was the cute little gwen in the middle of 2 adults 'parents niya siguro' and a picture of gwen with 2 girls.
Parang kilala ko yung nasa middle, I was trying to think kung sino yun when gwen speaked.
"That's jhoanna, maloi and me.. my two bestfriend"
"maloi?" tumango siya "yeah, you know her?"
"uhm, no?" I really didn't know her naman talaga pero siya yung crush ni miks e tapos kaibigan din pala siya ng crush ko, what a small world
"hmm, mag isa ka lang dito?" tanong ko
"yeah" she replied
Sobrang tipid niya magsalita hindi ko tuloy alam kung gusto niya ba talaga ako mag stay or napilitan lang siya sa akin. I know I'm invading her personal space kaya I grabbed my things and decided to leave nalang
"wait, san ka pupunta?" she reached for my arm and stopped me
"uuwi?" not sure of what I'm saying pero ayun yung biglang lumabas sa bibig ko
"kala ko ba ayaw mo umuwi?"
"baka dun nalang ako kila miks"
"why?"
"anong why? it's obvious naman na ayaw mong nandito ako, you just agree lang kasi siguro iniisip mong may kasalanan kang nagawa sa akin and mas better naman na dun nalang din ako kila miks para hindi na kita naiistorbo"
"sinong nag sabi sayo?"
I was puzzled at that moment "huh?"
"sinong nagsabi sayo na ayaw kita dito? na napipilitan lang ako mag stay ka dito?"
"ikaw?" tingin ko sa kanya pero tinaasan lang niya ako ng kilay
"ako?" sabay turo ko sa sarili ko
"exactly! ikaw lang naman nagsabi nyan.. now drop your things at umupo ka ulit dyan"
I followed her, ang angas naman nito napakamanipulative niya sa part na yun pero I like that.
She opened the TV and invited me to watch beside her, I was not ready for this kaya i'm hesitating if tatabi ba ko sa kanya o hindi 'shee manonood lang kayo kumalma ka'
"sheena, why are you there? c'mon dito ka" she said while patting the space beside her
Wala na kong nagawa kundi sumunod, aarte pa ba ko e gusto ko naman talaga makatabi siya
Ang drama naman ng pinili niyang panoodin, I saw her almost on the verge of crying na. I don't want to see someone crying in front of me kahit hindi ako yung may kasalanan kasi naiiyak din ako.
"ang tanga naman nun, pag kasi hindi ka mahal tigilan nalang kaya nasasaktan e diba gwen?" comment ko para pagaanin ko sana yung mood kaso parang mas lalo siya naiyak.
"huy, ayos ka lang ba?" tanong ko sa kanya habang pinapanood siyang tumahan
"ano ka ba movie lang naman yun oh" sinubukan ko ulit gawing positive yung sinasabi ko pero walang epekto
I let her cry nalang, baka may pinagdadaanan to.. hinintay ko siya tumahan hanggang sa maging okay na siya, hindi ko siya kinomfort kasi hindi ko din alam kung okay lang sa kanya. I'm still a stranger to her pa din naman kasi.
YOU ARE READING
Book of Us (MaColet)
Fanfiction"Pwede bang ako nalang yung maging dahilan ng pagsulat mo?"