AUTHOR: II

2.3K 52 3
                                    

MALOI's POV

Hi syempre ako nanaman to si maloi, panibagong araw panibagong buhay panibagong story "Thank you Lord!" pero bago magsimula ang lahat magpapakilala muna ako..

Ako nga pala si Mary Loi Yves Ricalde ang pinakamagandang nilalang sa balat ng earth, universe and milky way galaxy.. you can call me Maloi for short or pwede ding ganda chariz

Parehas magaling na doctor yung parents ko, oh ang taray di ba sa ospital sila nagkadevelopan.. pero wag kayo! kahit seryoso yung mga profession nila hinding hindi nila ako pinressure, hindi sila strict tulad ng ibang parents na kung ano gusto nila ayun yung ididikta sa anak.. kaya ayun pinush ko talaga na maging isa akong writer kasi ayun ang pangarap ko at sobra sobrang support yung natatanggap ko sa parents ko at mga relatives ko.

Isa akong self proclaimed magaling na author, feeling ko totoo naman "yabang e no, ako lang to".. marami na kasi akong finished na novels, hindi ko nga alam kung san din ako humuhugot ng inspirasyon sa mga yun.. ayun nga lang hindi talaga ako madisco discover, ewan ko ba sa mga publishing company na yan! sinasayang yung talent ko tsk.. eme lang pero ayun nga feeling ko din kasi di ko pa din naman keri na maging pang international.. pero teka! meron na nga pala akong napublish na book sa market, oh di niyo keri.. bili kayo ha!

Anyways, marami talaga akong pangarap.. marami pa akong gusto isulat, gusto ko naman din talaga maging isang kilalang author at isa talaga sa mga gusto ko matupad is ang mameet ko lahat ng readers ko at makakwentuhan sila.. Malay niyo dun ko na makilala yung magiging future ko eme, pero pano ko magagawa yun e ngayon palang takot na ko magpakita sa mga tao..

Magaling lang ako pagdating sa pagsusulat e pero sa personal gusto ko na lumubog sa lupa pag may kaharap akong tao, akala nga ng iba ang ingay ingay ko kasi naman parang ang dami kong kwento lalo na pag nag iiwan ako ng author's note. Namomroblema pa nga ako kung pano ko ipopromote yung libro ko, kasi grabe di ko kaya yung exposure.

Saka di ko alam kung ano magiging reaksyon nila pag nagpakita ako ng itsura, baka mamaya di gusto ng readers ko mukha ko tapos iunfollow nila ako diba? baka mamaya mas lalo ak---

"Maloi"

"Maloi"

"Hoy bakla"

"MALOIIIII GISING!!!!"

Bumalik ako sa wisyo ng maramdaman kong yumuyugyog ako at narinig ko sa tenga ko yung matinis na boses ni jho

"Ahhhhh! may lindol baaaaa" gulat na sigaw ko

Napatingin ako kay jho at nakita kong humahagalpak na siya sa tawa dahil sa itsura ko

"Ano ba yun jho! bibingihin mo ba ako tapos muntikan pa atang atakihin ako sa puso" sigaw ko sa kanya na nakasimangot habang hawak yung dibdib ko at hinahaplos yung tenga ko

"E pano nababaliw ka nanaman diyan, kinakausap mo nanaman sarili mo" sabi ni gwen na katabi pala ni jho

"andito ka?"

"hindi wala be, multong anino lang ako na sumusunod kay jho"

"para naman tanga sumagot e" kahit talaga kailan napakapilosopo netong mga kaibigan ko, e kung itakwil ko kaya sila

"namura pa nga" sabi nya sabay kamot pa sa batok

"oh anong balak mo? magmukmok ka nanaman dyan?" tanong ni jho

"be labas labas din minsan, mas maraming mapupulot na idea sa labas" pahabol pa ni jho

"saka be ayoko magkaroon ng baliw na kaibigan no" sabat naman ni gwen

"hala ang OA niyong dalawa" sabay bato ko sa kanila ng unan

"ako OA? baka si jho lang" maktol ni gwen

"tara na kasi bakla, libre mo kami.. di mo man lang ba icecelebrate yung pag launch ng libro mo?" sabi ni jho

"ako inaaya mo tapos ako manlilibre? wow ha! o sige pero sa isang kondisyon" lumapit ako sa kanila at kita sa mukha ni jho na naguguluhan siya habang si gwen naman mukhang kinabahan

"hoy maloi, labas ako dyan! si jho nalang ilibre mo kung ganon" reklamo ni gwen

"wala pa nga e!" sagot ko

"ano munang kapalit? lahat nalang may kapalit sayo e" sabi ni jho

"grabe naman tong mga to! kala ko ba supportive kayo sakin, wag na nga" talikod ko sa kanila sabay dapa ko sa kama ko

"e ano nga kasi yun?" tanong nila ulit

"sabay pa talaga e, simple lang naman yung ipapatulong ko sa inyo.. tulungan niyo lang ako magpromote ng libro ko" tumayo ako at nginisian ko sila

"go jho, kaya mo na yan" sabay talikod ni gwen

"hep hep! sige na gwen, parang di kaibigan e" lambing ko sa kanya habang naka pout pa, rinig na rinig ko yung pagbuntong hininga nya tapos humarap sa akin

"oo na! ang kulit!" yung mukha niya parang natalo pa

"YES!! thank you gwen" sabay yakap ko sa kanya na umamba para ikiss siya kaso tinakpan niya ng kamay bibig ko

"eww maloi lumayo ka nga sakin" sabi ni gwen habang sinusubukang tanggalin yakap ko sa kanya

"tara na!" aya ko sa kanila habang hila sila sa tig isang kamay nila

Book of Us (MaColet)Where stories live. Discover now