A year later:
Mahina ang tugtugin sa loob ng exhibit hall. Si papa na nag-aasikaso ng ilang mga frame sa gilid ay napatigil nang makita niya akong pinupunasan ang mga mesa sa gilid malapit sa receiving area.
"Oh, tama na 'yan. Akala ko ba may hinahabol ka?" tanong niya. Ngumiti lang ako at itinigil ang aking ginagawa.
"Konti lang naman 'to, pa."
"Sigurado ka d'yan, ah?" tanong niyang muli. Tumango na lang ako at ipinagpatuloy ang ginagawa ko. Saka naman pumasok ng hall si Greg at boss Ronald. Si Marco naman ay dala ang isang kahon.
"Boss," sabi ko. Pabiro namang itinaas ni boss Ronald ang kanyang salamin at nag-posing. Saka nag-posing din ang dalawa pa niyang kasama.
"Tumigil nga kayo, puro kayo kalokohan," saway niya agad kina Marco At Greg sabay batok sa dalawa. Napakamot na lamang sila. Natawa naman si papa habang umiiling.
"Ano 'yang dala niyo?" tanong ko. Tila inuusisa ang laman ng box.
"Mga lumang gamit sa studio, eh kako baka may kailangan ka pa d'yan. Memories ba," sabi ni boss.
"May mga nakita pa kaming photo d'yan, sa'yo yata 'yan, eh. Baka pwede natin ilagay pa sa exhibit."
"Sus, malapit na nga natin i-turn over 'to, eh, halos iba na nga mga nakapaskil. 50% na lang ng litrato na na'ndito eh akin," sagot ko. Humulas naman ang kanilang mga mukha. Napatigil sa pagwawalis si papa, napatingin na lamang sa akin si boss. Ibinaba ni Marco nang dahan-dahan ang kahon.
"Putik naman, wala namang ganyanan. Nagsisimula pa lang tayo, eh, matatapos na agad."
"Boss, bayad na naman ako sa'yo. Isa pa madalang na ring tauhin 'tong exhibit. Mga art enthusiast na lang naman ang pumupunta dito, sila sila lang. Walang bagong mukha," paliwanag ko. Inusog ko ang mesa sa gilid, nakita ko namang nakatagilid ang frame ng litrato sa gilid nito. Hindi ko na litrato ang isang iyon.
"Hindi, 'wag mo sabihin 'yan. Makakabawi din tayo anak. Ituloy mo lang 'to."
"Oo nga, may mga raket tayong paparating! Malaki 'yon! Maniwala ka sa'kin," sabi ni boss. Kapag sinasabi niya ang mga katagang 'maniwala ka sa'kin' ay lalo akong nagdududa. Ngumiti na lang ako.
"Trust your father, bruh!" sambit ni Greg, nakangisi siya nang tapikin ako sa aking balikat at lagpasan ako.
"Sana nga, sana nga magsuccess pa. Laki na rin ng nilulugi natin sa espasyong 'to, eh," sagot ko.
"Kung may pera lang tayo pampagawa ng sariling studio exhibit, eh, siguradong tanggal lungkot ka boy," sambit naman ni Marco. Binuhat niya ang karton at ibinagsak sa aking bisig.
"Ang bigat, ano ba 'to?" tanong ko.
"Tingnan mo na lang. Kinuha na namin ang mga kailangan namin d'yan. 'Yan na lang ang natira sa dating studio. Wala tayong magagawa, kailangan mag-adjust," paliwanag ni boss Ronald. Pati ang photo studio nawala na rin.
Lalong bumigat ang aura sa loob ng exhibit hall. Ang dating masayang gallery na napupuno ng mga tao, media, mga taong nais ng aliw at mapupuntahan. Ngayon ay lumalamlam na ang kanyang kinang at liwanag. Napagkakakitaan lang kami ng mga tao, ng mga vlogger kuno na mahihilig sa ex-deal at kung ano-anong pakulo para makahatak sila ng views. Hindi naman kami ganoon. Tanging ito lang ang mayroon kami ngayon, talento, tyaga at pagpupursigi. Pati ang photo studio ni boss Ronald, wala na. Mahal na rin ang pwesto kaya't binitawan na ni boss. Hindi na sila nagkasundo ng may-ari. Kalaunan, ganoon na rin ang mangyayari sa amin ng management nito.
Napailing na lang ako habang binubuhat ang kahon malapit sa entrance ng exhibit. Nagsisimula namang magkatao sa loob ng plaza. Titingnan nila ang loob ng gallery, sisilip nang kaunti, sisilay...ngunit patuloy pa ring maglalakad. Napabuntong hininga na lang ako.
BINABASA MO ANG
The Runaway Groom
RomanceLumuhod siya sa kanyang harapan, inilabas ang isang maliit at pulang kahon. Naroon ako, ngiting aso. Napaiwas na lang ako ng tingin sa kanilang dalawa. Maraming tao ang nanood, mga taong naghihintay at tila sabik na sabik sa susunod na mangyayari. K...