16.

240 14 0
                                    

"I'm sorry..." bulong ni Jen.

Tumingin ako sa kanya at napangisi nang kaunti. Ang lahat ay tila ba pinepeke na lang namin. Ang mga ngiti, ang pait na itinatago sa aming mga lalamunan, mga pisngi na paulit-ulit na pinapahiran ng luha. Dinadama na lang ang natitirang kasiyahan sa kasalukuyan, pinagmamasdan na lamang ang ganda ng tanawin at nilalasap ang simoy ng hangin.

"Paano kaya kung hindi kita sinundan dito?" tanong ni Jen. Yumuko siya at ngumiti nang matipid bago tumingin sa akin.

"I don't know, Jen. I don't know," sagot ko. Sandaling katahimikan ang bumalot sa paligid bago ako muling magsalita.

"Paano kaya kung hindi ako tumakbo?" balik kong tanong sa kanya.

Tumingin lang siya sa aking mga mata at tumingala. Pinagmasdan ang mga dahon sa ilalim ng puno kung saan kami nakaupo. Tumingala din ako at pinagmasdan ang anino ng mga dahon.

"How does it feel? To be alone and happy at the same time?" tanong niya. Muli akong napangisi at napailing nang kaunti.

"Minsan natututo na lang tayong tanggapin kung ano ang sitwasyon na ibinigay sa atin. Ginagawa nating katawa-tawa, kahit ang iba awang-awa na para sa atin," sagot ko.

"You had the chance, Ian, to be with someone you love, and yet...na'ndito ka. Sa isang iglap, mag-isa ka na naman. You chose to leave than to fight for who you love."

Dumurog sa akin ang mga salitang iyon. Muling nangibabaw ang mga luha, muli akong napatingala at ngumiti ngunit ang aking pisngi ay nagpupumilit damdamin ang sakit. Napahawak na lamang ako sa aking bibig at pinisil iyon upang pagtakpan ang katotohanan.

"Some people are meant to fall in love with each other...but never meant to be together. Natuto na lang akong tanggapin 'yon, paunti-unti, nang nakangiti. Ngingiti ako na para bang tanggap ko ang lahat," sagot ko sa kanya. Hindi siya nagsalita. Tila naghintay lamang siya sa mga susunod kong sasabihin.

"Dumating 'yung mga araw. Handang-handa na ako para sa pag-alis. Hinahanda ko na ang mga maleta, bag, mga damit, mga gamit na dadalhin ko sa Singapore. Full support ang buong tropa, kahit si boss. Si papa hindi makapaghintay noong mga panahong 'yon. Kung anong hila niya sa mga araw para makarating agad ay siya namang tulak ko papalayo. Tinanong ko rin ang sarili ko, paano siya? Paano si Charmaine? Nawala na lang siya nang hindi nalalaman ang totoo. At dumating yung araw na 'yon. Tumawag siya habang nag-eempake ako. Hindi ko na nga sana sasagutin ang tawag na 'yon. Para bang gusto ko na lang na biglang mawala sa paningin niya. Yun bang parang hindi niya ako nakilala...kahit kailan."

"Alam niya ang lahat..." malumanay na sambit ni Jen. Dahan-dahan akong napatingin sa kanya.

__________________________

"Ahmm!"

Inayos ko muna ang aking boses nang sagutin ko ang tawag. Katatahimikan ang bumungad sa akin, tila hangin ang aking naririnig, ang kanyang paghinga at ilang mga busina ng sasakyan.

"Hello?" matamlay kong sambit.

"H-Hello?"

Basag ang boses, tila nalulunod sa kakaiyak. Isang singhot, isang buntong hininga at muli siyang nagsalita.

"I-Ian? Please? Can we talk?"

"Ilang araw na din, ah. Hindi ka pa ba sanay?"

Sinubukan kong ayusin ang tono ng boses ko. May lambing, malumanay. Hindi sa paraan kung paano kami mag-usap bago kami maghiwalay noon.

"Ian please?"

"Maine...I'm okay. Okay na ako. Naiintindihan ko naman, eh," sagot ko.

Sinara ko muna ang isang maleta bago umupo sa aking kama, kinuha ang yosi mula sa ash tray at humithit ng kaunting usok. Hinilot saglit ang aking sintido at pumikit.

"Ian. Kahit ngayon lang? Please?" pagmamakaawa niya. Muli kong inayos ang aking boses, hinithit muli ang munting kasalanan sa aking mga daliri at bumuga ng usok.

"Hoy?! Umalis ka diyan! Magpapakamatay ka ba?!"

Narinig ko ang sigaw na iyon. Hindi iyon galing sa kanya. Boses iyon ng isang lalaki na tila ba naiinis. Sinabayan pa iyon ng busina ng kanyang sasakyan.

"Nasaan ka ba?" tanong ko sa kanya.

"N-Na'ndito sa Crossing. Sorry, pupunta kasi sana ako sa inyo kaso...baka ayaw mo. Kaya tinawagan muna kita."

Napatayo na lamang ako sa aking kama at kinuha ang t-shirt na nakapatong sa sandalan ng upuan. Muling humithit ng yosi at dinikdik iyon sa ash tray upang mamatay ang baga.

"Charmaine. You don't have to do this," kalmado kong sambit.

"Eeeh...please. Ian. Please?" tila lalong lumala ang kanyang pag-iyak dahil sa sinabi ko.

Ilang segundo rin akong nagnilay-nilay, naglakad sa loob ng maliit na kwarto. Sumilip sa labas at tinanaw ang papalubog nang araw mula sa bintana, napahagod sa aking ulo at huminga nang malalim bago magsalita.

"Hintayin mo 'ko," ang tangi kong nasambit. Ibinaba ko ang telepono, tumingin sa kawalan at napaisip.

Hindi ko alam kung bakit kailangan kong gawin 'to ngayon. Ilang araw pa lang naman ang nakakalipas. Baka puwede pa. Puwede pa nga ba? Nagbalikan na sila. Wala siyang sinabi kung nagbalikan nga ba sila. Pero wala din naman siyang sinabi na hindi niya binalikan si Jerick. Wala siyang ibang sinabi simula noong maghiwalay kami kundi ang makapag-usap kami ng personal.

Natanga, sumunod, sumakay, naglakad patungo sa kanya. Tanga na kung tanga, pero mahal ko siya, eh. Alam ko naman na may hangganan ang lahat ng saya. Hindi ko lang talaga matanggap na ganoon kabilis dumating ang hangganan para sa amin. Sana nga napatigil ko pa ang oras. Noong mga panahong masaya pa kami, noong mga panahong kami lang...walang iba. Pero ngayon iba na, mayro'ng siya at ako...pero walang kami.

__________________________

Sa Greenfield District ako napadpad sa Crossing. Lumingon sa paligid at naglakad nang kaunti para mahanap siya. Sa isang gilid sa tabi ng fountain nakita ko siyang nakayuko, nakaupo, mugto ang mga mata. Hawak ang kanyang cellphone na para bang inaabangan ang text o tawag ko. Napatigil ako saglit, pinagmasdan muna siya nang ilang segundo. Para bang kinukurot ang aking dibdib habang nakatitig sa kanya. Ganito ang itsura niya noong una ko siyang makita, sugatan, wasak, basag, hindi maintindihan. Inisip ko sa pagkakataong iyon na umatras pero hindi puwede, hindi tama. Na'ndito ulit ako ngayon para sa kanya.

"Ian?" basag pa rin ang kanyang tinig nang tawagin niya ang pangalan ko.

Ngumiti ako nang kaunti habang papalapit. Bigla naman siyang tumayo at patakbong lumapit sa akin. Niyakap niya ako nang mahigpit na para bang hindi niya ako nais pakawalan. Umiyak siya sa aking dibdib...hindi, hagulgol iyon. Muling nangibabaw ang pait sa aking lalamunan, muli ko rin iyong nilunok. Sinubukan ko siyang akapin nang marahan na para bang ayoko na siyang mabasag pang lalo.

"I miss you...I miss you," sambit niya habang umiiyak. Hinaplos ko ang kanyang buhok, pumikit at niyakap din siya nang mahigpit.

Wala kaming nasabi sa isa't-isa nang kumalas kami sa pagkakayakap. Kapit niya lamang ang aking bisig habang nakatingin sa aking mga mata. Ang kanyang mga mata naman ay napupuno ng luha. Pinahid ko ang mga luhang iyon habang siya ay nakapikit.

"Okay lang 'yan. Magiging maayos din ang lahat," bulong ko bago halikan ang kanyang noo.

"Please, let me stay. Kahit ngayon lang ulit. Please?" sambit niya. Niyakap ko na lamang siyang muli at marahil sa awa ay napatango na lamang ako.

The Runaway GroomTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon