Halos gawin nang pantakip ni Jen ang aking panyo para lamang ipunas sa kanyang luha. Naiwan naman akong tulala habang nakayuko, muling titingin sa mamula-mulang sinag ng araw, sa lawa ng Taal at muli ay sa kanya.
"Alam niya," sambit niya habang gumagaralgal pa ang kanyang boses.
"Alam niya, na pumunta ka. In the end, she wanted to see you. In the end, ikaw pa rin ang pinili niya," dagdag ni Jen. Napakunot na lamang ako ng noo at naghintay ng sunod niyang sasabihin.
"It was your birthday, it was the only thing that she can do for you, to move our schedule. Hindi...hindi nga dapat gano'n ang nangyari." Tila lalong naging malabo ang mga sinabi ni Jen.
"Hindi ginusto ni Charmaine na gumawa ng eksena si Jerick. Kahit may pagkamataray siya, hindi niya gawaing mamahiya ng tao. Ginawa niya 'yon para i-please ang mga nanonood sa kung ano ang gusto nilang makita," wika niya. Suminghot siya nang kaunti, nagpunas ng luha at saka sinubukang magsalita nang maayos.
"Nakita kitang umalis, sinabi ko 'yon sa kanya. Hinatak niya agad si Jerick, niyakap. Hindi na siya nagsalita pagkatapos noon, umiyak lang siya. The next thing we know, nakababa na siya ng stage, tumatakbo palabas habang hawak ang dulo ng costume niya. Nakita ka niya, sakay ng taxi, sinubukan niyang habulin pero pinigilan siya ni Jerick, tinanong siya kung okay lang ba siya...kung may problema ba, hindi siya nakasagot. Sumunod din ako noon sa kanila, nakita ko pa yung taxi na palayo. Ilang segundo rin siyang nakatitig sa kawalan, habang lumalayo ang sinasakyan mo," kwento niya.
Napayuko na lamang ako at napangisi, napahawak sa aking ulo at tila ba napapailing. Napapapikit at tila ba natatawa sa katotohanan. Huminga na lamang akong muli nang malalim nang imulat ko ang aking mga mata.
"Tinanong ulit siya kung ayos lang ba siya. Saka lang ulit siya humarap kay Jerick nang mawala na talaga sa paningin namin ang sinasakyan mo. Napuno na ng eye shadow yung pisngi niya kakaiyak. She tried to smile, laugh a bit, na para bang biro na lang ang lahat. Niyakap niya si Charmaine, telling her that everything's going to be okay. Hindi niya magawang yumakap pabalik, umiyak lang siya. Alam ko kung ano ang iniisip niya noon, na simula sa araw na 'yon, mabubuhay na siya sa kasinungalingan," pagpapatuloy ni Jen.
Napalunok akong muli, nanunuyo na marahil ang lalamunan. Tumahimik saglit, tila ba isang pelikula ang nakikita ko sa aking isipan habang iniisip ang mga nangyari noong mga panahong iyon. Nakakatawa, Nakakatanga.
Nagpatuloy sa pagluha si Jen. Muli siyang nagpahid ng luha gamit ang aking panyo, huminga nang malalim, sinubukan niyang muli na kalmahin ang sarili. Muli namang umihip ang malamig na hangin. Tila ba napakabagal ng pagbagsak ng mga dahon sa paligid.
"I...," sambit ko.
May garalgal sa aking lalamunan, sinubukan kong muling lumunok upang matanggal ang pait. Muling nanibugho ang damdamin, hindi napigilan ang sarili, yumuko, lumuha at nagpigil. Kailangan kong muling ngumiti para itago ang masakit na katotohanan.
"S-Singapore is really small," sambit kong muli. Tila nililihis ng landas ang aming usapan. Pumikit-pikit nang kaunti para lamang matuyo ang aking luha.
"Noong nakarating ako ng Singapore, isang sakay lang ng bus, nandoon na ako sa hotel na pagste-stay-an ko. Sa puntong 'yon hindi na ako nag-isip. I should move forward. Wala akong ibang ginawa kundi makinig sa mga mentors namin sa photography, magpractice, kumuha ng mga litrato, makipagkilala sa ibang tao, sa ibang lahi. Parang Pilipinas lang din, normal na araw...normal na araw na wala siya," sambit ko. Tumahimik lamang si Jen.
"Then I came back, 3 months ago. I came back with a fulfilled promise. Nakuha ko ang 1st prize, si papa napauwi ko ng Pilipinas, nag-celebrate nang kaunti, kaunting kainan, inuman. Yung mga kapatid ko pumunta rin, kasama yung mga pamangkin ko na noon ko lang din yata nakita. Sila boss Ronald, si Greg, Marco...ayon sabi nagbago na raw ako, big time na daw," kwento ko habang napapangiti. Yumuko ako saglit bago magpatuloy.
BINABASA MO ANG
The Runaway Groom
RomanceLumuhod siya sa kanyang harapan, inilabas ang isang maliit at pulang kahon. Naroon ako, ngiting aso. Napaiwas na lang ako ng tingin sa kanilang dalawa. Maraming tao ang nanood, mga taong naghihintay at tila sabik na sabik sa susunod na mangyayari. K...