26.

12 0 0
                                    

Hindi ako makapagsalita nang marinig ko ang kanyang kwento. Ni walang nagbanggit sa akin ng mga pangyayaring iyon. Hindi ko rin narinig ang detalyadong bagay tungkol doon. Ang naalala ko lang na sinabi sa akin ni boss noon ay nagkaroon nga raw ng kaunting komosyon noong umalis ako, pero natuloy din ang kasal.

"I don't think you've heard it all. Walang nagsabi sa'yo, walang nagbanggit sa'yo o nag-chat sa'yo noong mga panahon na 'yon," wika ni Charmaine. Umiling na lamang ako, dismayado ang ekspresyon habang nakayuko at paulit-ulit na iniintindi ang mga pangyayari sa aking isipan.

"Because if you'd knew...you'll be there. But there I was , nabuhay na naman sa kasinungalingan," dagdag pa niya.

"S-sorry," ang tangi ko na lang nasambit.

"You don't have to be. Kasalanan ko 'to lahat. Kung lumaban lang ako, kung noon pa lang ikaw na ang pinili ko. Bago ka pa umalis..." sambit niya. Saglit na nagkaroon ng katahimikan. Wala akong naramdaman noon kundi ang hiya, inis at lungkot. Naiinis ako sa sarili ko dahil masyado akong nagpadala sa mga pangyayari. Wala akong kaalam-alam.

Unti-unti nang lumulubog ang araw sa likod ng lawa na aming pinapanood. Humuhuni muli ang malamig na hangin sa di kalayuan, nagkukulay kahel muli ang kalangitan. Ito rin ang mismong imahe na aking nakita noong dinamayan ako ni Jen sa mismong pwestong ito. Tiningnan ko si Charmaine sa aking kanan, tumigil na ang kanyang pagluha at nakatulala na lamang siya sa kawalan.

"Hindi na ako nagtanong tungkol sa mga nangyari. Ayokong maapektuhan ka sa pag-alis ko, pero gusto kong malaman mo, na itinuloy ko ang mga plano dahil ikaw lang ang iniisip ko. Hindi naman ako mayaman, Maine. Wala akong kayang ibigay sa'yo kundi mga masasayang alaala lang. Simpleng tao lang ako," wika ko habang nakatitig sa kanyang mga mata.

"Kapag na'ndyan si Jerick, nanliliit ako. Feeling ko alikabok lang ako na kumapit sa'yo. Sinusubukan kong ayusin yung sarili ko para sa'yo. Para hindi naman puro biro, banat at pagmamahal lang ang maibigay ko," dagdag ko. Yumuko lamang si Charmaine at ngumisi nang kaunti.

"But you've never heard the rest of it..." sagot ni Charmaine. Muling binabalikan ang kanyang kwento. Tumahimik ako saglit at naghintay ng kanyang sasabihin.

"The wedding continued...as it should be," sambit niya.

________________________________

"Nasaan na sila?"

"Okay na ba si Maine?"

"Tuloy na ba tayo, madam?"

Maraming tao ang nagtanong sa kanyang ina nang siya ay bumalik sa bulwagan. Ang lahat ay nakaabang. Ang iba ay patuloy na nakikipag-daldalan sa iba pang mga bisita habang tumutugtog ang mahinang tugtuging jazz.

"Balae, nasaan na sila?" tanong ng ina ni Jerick.

"He's talking to my daughter. Let's give them a moment," sagot ng ina ni Charmaine. Ang kanya namang asawa ay lumapit.

"Are they okay? Shall we continue?" tanong niya na tila aligaga na rin.

"She'll be oaky, dear. Let's not worry about them. Whatever happens...happens," sagot ng ina ni Charmaine na sinadya niyang iparinig sa lahat.

Ilang minuto rin ang lumipas, halos maubusan na ng tutugtugin ang banda. Naiinip na rin ang ilang mga bisita, ang iba ay tila nakakatulog pa. Abala naman sila boss at ang buong team sa pagkukulitan. Kukunan nila ng litrato at video ang ibang mga bisita, kukunan din nila ang entablado kung saan wala ang bride at groom. Maging ang pari na naiinip na. Maya-maya pa ay pumasok si Jerci sa loob ng bulwagan, inayos ang kanyang coat at pinagpag ang kanyang balikat. Seryoso na ang kanyang mukha ngunit tila dismayado pa rin. Agad nagtinginan ang mga bisita sa kanya. Maya-maya pa ay binulungan niya ang ilang mga kababaihan sa gilid. Maging ang nag-ayos ng make-up ni Charmaine bago ang kasal. Agad silang lumabas ng bulwagan pagkatapos silang kausapin ni Jerick.

The Runaway GroomTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon