Binaybay ko ang matraffic na daan, hindi ako makapaniwala na ang dala kong sasakyan ay may aircon na. Noon kasi yung kakarag-karag na van lang ng studio ang dala ko. Bukod sa sira na ang aircon, madalas pa akong masita dahil sa itim ng usok na binubuga noon. Ngayon, pachill-chill na lang habang nakikinig ng music. Hindi tagaktak ang pawis, naka-relax na lang. Tumunog ulit ang aking cellphone, alam kong iyon na ang hinihintay kong tawag.
"Ma'am! Goodmorning po," sabi ko.
"Yes, Ian, sorry ah kung medyo maaga. Eh nagka-emergency, eh," sagot ng ginang na aking kausap.
"Bakit ano pong nangyari ma'am? Hindi na po ba tuloy ang meeting?" tanong ko.
"Tuloy naman, mamo-move lang ng place. Eh, papunta kasi kami ng Tagaytay ngayon, eh, binyag pala ng pamangkin ko nakalimutan ko," sagot niya.
"T-Tagaytay?" mautal-utal na bulong ko na para bang mayroon akong phobia sa lugar na iyon.
"So from Makati, okay lang ba kung babyahe ka pa ng Tagaytay?" tanong niyang muli. Hindi ako nakasagot agad.
"Ay, my goodness. What am I thinking. Ako na nga 'tong humihingi ng pabor, eh, aabalahin pa kita. Anyway, pwede naman nating i-move bukas kung..."
"Okay lang po ma'am. Babyahe po ako," sagot ko agad.
"Really?! Nako, Ian! I'm so happy. Don't worry, hindi ka magsisisi sa deal natin. Ako ang bahala sa'yo," pagsisiguro niya. Napangiti naman ako.
"Sige ma'am, salamat din po."
"Biruin mo 'yun. Ikaw pa ang mage-effort. One of the greatest photographers that I've met," pambobola pa niya. Napangiwi naman ako.
"Nako ma'am. Hindi naman talaga ako magaling," sabi ko.
"Oo, hindi talaga. Kasi super galing. Haha! O, siya, see you sa Tagaytay okay? I-send ko yung pupuntahan mo. Malapit lang yun sa The Lake View," wika niya.
Malapit sa Lake View? Hindi ko makakalimutan ang lugar na iyon. Sa isang iglap ay bigla kong naalalang muli ang kasal ni Charmaine. Napatigil ako saglit at muling nakinig sa sinasabi niya.
"Okay? Are you still there?"
"Y-yes ma'am. Yes po," sagot ko.
"Sige bye, Ian! And thank you so much talaga," sambit niya. Pagkatapos noon ay pinatay niya na ang tawag.
Siya si Mrs. Erlinda Cruz, isang beses nang magbukas kami ng gallery ay nauna pa siya sa amin. Mga dalawang buwan na rin ang nakakaraan simula nang una kaming magkita at magkakilala. Kaya daw siya napadalaw ay nakikita niya sa TV at mga vlog ang gallery namin.
_________________________
"What can I do for you po ma'am?" tanong ko sa kanya. Isang babaeng naka-itim, posturang-postura. Kulang na lang ay may bitbit siyang mga malalaking aso at uutusan niya na lang na lapain ang kaharap niya kapag hindi niya gusto.
"Oh...I'm sorry. Are you the exhibit staff?" tanong niya. Nagtinginan naman kami ni papa. Iba naman ang nakikita ko sa mga ngiti niya.
"Ah...ako po ang owner ng gallery ma'am. Christian po, Christian Palado," pagpapakilala ko.
"Oh my gosh! Ikaw nga!"
Ang masungit na postura niya ay tila biglang nag-iba. Naging kalog at kumportable siyang bigla. Niyakap niya ako nang mahigpit. Tiningnan ko naman si papa, iba ang kanyang reaksyon.
"Ako nga po pala ang tatay niya. Renato Palado," sabat naman ni papa. Dali-daling kinuha ang kamay niya at kinamayan siya. Nabigla naman si Mrs. Cruz sa ginawa ni papa.

BINABASA MO ANG
The Runaway Groom
RomanceLumuhod siya sa kanyang harapan, inilabas ang isang maliit at pulang kahon. Naroon ako, ngiting aso. Napaiwas na lang ako ng tingin sa kanilang dalawa. Maraming tao ang nanood, mga taong naghihintay at tila sabik na sabik sa susunod na mangyayari. K...