Gaya ng ipinangako niya, sinama niya ako sa practice nila. Nagtataka lang ako noong papunta na kami sa PETA o Philippine Educational Theater Association. Halos wala siyang kibo habang minamaneho ang kanyang sasakyan. Ako naman ang kasalukuyang nakasakay sa passenger's seat. Ngingitian niya ako kapag titingnan ko siya ngunit nakikita ko sa kanyang mga mata ang katotohanan, may malalim siyang iniisip.
Kinuha ko na lamang ang aking camera sa loob ng bag at inayos ang lente nito. Tinutok iyon sa kanya, akmang kukuhanan siya ng litrato ngunit lumingon siya pakaliwa. Hindi ko alam kung sinadya niyang umiwas o may nakita lang siyang kung ano. Pinitik ko na lang ang shutter ng camera at kinuhanan siya. Saktong tumama ang sinag ng araw sa lente na lalo pang nakapagpadagdag sa ganda ng kulay nito.
"So kumusta yung shoot niyo nung isang araw?" matamlay niyang tanong.
"Ayos lang...nakakatawa nga, eh, ayun sila Greg at Marco. Lasing na lasing kinabukasan. Grabe ba naman kasi ang energy nung mga kliyente namin." Ngumiti siya ng matipid. Tumingin sa kaliwa at sa kanan. Tinitingnan kung may espasyo pa para sa kanyang sasakyan.
"Eh, how about you?"
"Ako? Ayon ayos lang...dahil nga lasing yung dalawa kinaumagahan, kami na lang ni boss yung tumira ng mga photo at video. Ang tindi nga, eh, biruin mo lasing na lasing din sila pero ang aga nila magising para dun sa palaro. Ang premyo ba naman eh flat screen TV," kwento ko.
"Wow, that's good!" matipid niyang sambit.
Pinatay niya agad ang makina ng sasakyan at lumingon sa akin. Sa pagkakataong iyon ay tila naging tahimik ang lahat. Nakatitig lang siya sa akin, ako naman ay nakaharap lamang sa kawalan. Maya-maya pa ay binuksan na niya ang pinto at akmang lalabas na ng sasakyan.
"May problema ba tayo?"
Ang tanong na iyon ang nakapagpatigil sa kanya. Yumuko lamang siya at dahan-dahang sinara nang kaunti ang pinto. Maaaninag na sa kanyang mukha ang kalungkutan ngunit pinilit niya pa ring ngumiti kahit papaano.
"N-No, nothing. Tara na! Baka ma-late ako sa practice," paanyaya niya. Binuksan niya na nang tuluyan ang pinto at saka lumabas. Halos tatlong segundo rin akong napatulala bago ko buksan ang pinto.
Naglakad kami papasok sa PETA Theater habang hawak ang aking camera. Napatingin sa bawat sulok ng gusali dahil sa ilang mga paintings ang litrato na nakapaskil sa bawat pader nito.
"Hey! Charmaine!" sigaw ng ilang kababaihan malapit sa pinto ng main theater.
"Huuuy! Kumusta?! Ano, okay na?!" sambit naman ni Charmaine. Agad siyang lumapit sa kanila, nkiyakap ang bawat isa at hinalikan sa pisngi.
"Late daw si direk. Mga 5 minutes pa," sambit naman ng isa pa. Agad silang napatingin sa akin pagkatapos. Nginitian ko lamang sila habang papalapit.
"Oh my gosh! Siya ba?" tanong naman ng isa kay Charmaine. Tumango lamang siya at saka ako hinatak palapit sa kanila.
"Girls! This is Ian! Yung nameet ko sa Tagaytay..." pagpapakilala niya. Isang matipid na ngiti, matipid na kaway at muli akong tumingin kay Charmaine.
"Boyfriend ko," dagdag niya. Agad naman silang naghiyawan at nanudyo.
"Hoy 'wag nga kayong ganyan, ano ba?" maarteng sambit ni Charmaine habang hinahawi ang kanyang buhok sa likod ng kanyang tenga. Napailing na lamang ako.
"Ian, this is Rica, si Mary...tawag namin sa kanya Mama Mary," pagpapakilala niya. Natawa naman sila dahil sa bansag nila sa isa nilang kasamahan.
"Grabe ka, ah, sumbong kita kay Lord," wika naman ng may katabaang babae na si Mary.
BINABASA MO ANG
The Runaway Groom
RomanceLumuhod siya sa kanyang harapan, inilabas ang isang maliit at pulang kahon. Naroon ako, ngiting aso. Napaiwas na lang ako ng tingin sa kanilang dalawa. Maraming tao ang nanood, mga taong naghihintay at tila sabik na sabik sa susunod na mangyayari. K...