Umiwas ng tingin si Charmaine matapos makita ang kanyang ina sa kanyang tabi. Pinahid niya ang kaunting luha sa kanyang pisngi at muling humithit ng kasalanan na nakaipit sa kanyang mga daliri.
"Help yourself," matipid niyang sambit. Nakaiwas pa rin siya ng tingin sa kanyang ina.
"You know I'm well too dressed for this situation. I'll just stand up then," may pagkasarkastikong sagot ng kanyang ina. Inabot naman ni Charmaine ang kaha ng yosi at ang lighter.
"Ako nga naka-wedding gown pa, eh," natatawang sambit ni Charmaine. Muli siyang bumuga ng usok at tumulala. Pinagmasdan niya ang paglaro ng mga ulap sa kalangitan.
"You know, anak. Certain kinds of sadness will make you feel...addicted. You cling to it, until you drown on it," wika ng kanyang ina. Humithit rin siya ng yosi at ibinuga iyon sa hangin.
"What do you mean, ma?" Napatingin si Charmaine sa kanya at tila nakataas pa ang isang kilay. Alanganin siyang nakangiti at naiinis.
"Like this one...this situation. Kung alam ko lang noon kung gaano ka-exciting tumakbo sa isang kasal, sana noon ko pa ginawa," sagot muli ng kanyang ina. Napangisi naman si Charmaine. Umihip ang malamig na hangin sa itaas ng rooftop ng hotel. Napasandal naman sa kongkretong harang ang kanyang ina, hinawi nang kaunti ang kanyang buhok at muling humithit ng yosi.
"If I know. Yun naman talaga ang wish mong gawin noon kay papa...sa tunay ko talagang ama," sarkastikong sambit ni Charmaine. Imbis naman na mainis ay napangisi na lamang ang kanyang ina.
"It doesn't mean na hindi ko minahal ang tatay mo. Take note, I loved him. Loved him and cared for him as he provided me every single drop of love that I need. But the truth is, I'm not as strong as you are," wika ng kanyang ina sa mataray na tono. Humithit siya ng yosi at muling bumuga ng usok.
"Hmp! Sadyang nagmana lang ako sa'yo. Yung pagiging matigas ang ulo mo, napunta sa akin. Heto ako ngayon. Mini me version mo," sambit naman ni Charmaine.
"That is why I'm always proud of you. Hindi mo lang naa-appreciate. Paano, para tayong mga hayop kung mag-usap lagi. We don't respect each other. Pero alam mo kung bakit hindi ko itinitigil yung ganitong attitude? Is because I can tell...nakahanap na rin ako ng katapat sa wakas. But you don't know how proud I am...as your mother," wika ng kanyang ina. Humarap siya sa kanyang anak. Hindi naman makatingin nang diretso si Charmaine sa kanya.
Tila nakaramdam naman ng kirot sa kanyang dibdib si Charmaine. Napalunok siya nang kaunti at muling nabasa ang kanyang mga mata. Humithit muli siya ng yosi at bumuga ng usok bago muling punasan ang mga luha.
"Mas matapang ka sa'kin. I can always tell. The fact na kaya mong tumakbo sa kasal niyo ni Jerick, without any hesitation. Yung hindi mo papakinggan ang mga tao sa paligid mo, sinusunod mo lang ang kung ano ang nararamdaman mo...that is brave enough for me. Bagay na hindi ko nagawa noon," dagdag ng kanyang ina. Tumayo naman si Charmain at nagtungo sa dulong bahagi ng rooftop palayo sa kanyang ina. Nagpatuloy siya sa pag-iyak habang humihithit ng yosi.
Mula naman sa malayo ay nakatingin lamang ang kanyang ina. Muling nalukot ang kanyang mukha. Nababanaag ang pag-aalala at pagkadismaya ngunit unti-unti ay tila naiintindihan niya na rin ang nararamdaman ng kanyang anak. Maya maya pa ay lumapit siya at tinabihan ang kanyang anak. Nakatingin sila sa malawak na tanawin ng lawa na mayroong maliit na bulkan sa gitna.
"I talked to him," marahang sabi ng kanyang ina. Napatingin naman si Charmaine at hinintay ang kanyang susunod na sasabihin.
"Ian..." dagdag ng kanyang ina. Muli siyang humithit ng yosi, ibinuga ang usok nito at idinikdik sa kongkretong haring ang upos.
"I know he is really devastated right now. The moment that I saw him on the elevator, sinusubukan niya na lang maging masaya...maging okay. But I can tell, he can't even straighten his shoulders. Or smile like he used to before. Naalala ko pa noong sinurprise nyo ako sa birthday ko, ibang-iba ang ngiti niya noong mga panahong 'yon. And I can tell...he is really happy to be with you. But it's just a wishful thinking I guess," kuwento ng kanyang ina. Huminga muna ng malalim si Charmaine. Sandaling pumikit at muling iminulat ang namumugto na niyang mga mata.

BINABASA MO ANG
The Runaway Groom
RomanceLumuhod siya sa kanyang harapan, inilabas ang isang maliit at pulang kahon. Naroon ako, ngiting aso. Napaiwas na lang ako ng tingin sa kanilang dalawa. Maraming tao ang nanood, mga taong naghihintay at tila sabik na sabik sa susunod na mangyayari. K...