6.

332 19 13
                                    

Noong mga oras na 'yon matapos kong makipag-usap kay Charmaine sa pamamagitan ng text, hindi na naman ako nakatanggap ng reply. Natulog na lang ako, nagpahinga, dahil alam ng buong team na magiging madugo ang shoot na gagawin namin. Sumapit ang alas-dose ng tanghali, saka gumising ang buong team. Kumain, naligo, nagbihis ng pormal at saka nagtrabaho. Lahat kami ay naka-itim na longsleeves, iyon lang ang natatangi naming uniform kapag magsho-shoot kami ng formal. Inuna naming kuhanan ang bride habang inaayusan hanggang sa nahati ang grupo sa dalawa. Sina Greg at Marco naman ang nagshoot habang nag-aayos ang groom sa kabila pang kwarto. Ako ang bahala sa photo, si boss Ronald naman ang humawak ng video.

"Grabe ano? Ang hirap kumita," kantyaw ng bride. Halos humiga na kasi si boss Ronald sa carpet makakuha lang ng magandang anggulo.

"Kailangan ma'am, eh," sagot naman ni boss.

"Anong oras nga ba kayo nakarating pala?" tanong muli ng bride habang nakapikit dahil sa paglalagay ng make-up nito sa mukha.

"Mga a-alas-sais na siguro ma'am."

"Nakabawi naman kayo ng tulog?" tanong muli ng bride.

"Oo naman ma'am. Lamig ng aircon, eh," sagot ni boss. Napangiti na lamang ang bride.

"Pasensiya na, ah? Hometown ko kasi 'to, eh. Napalayo tuloy kayo."

"Ay wala po 'yon. Minsan nga nakakarating pa kami ng Norte...," sagot muli ni boss.

Lumipat ako sa gilid ng salamin para makakuha ng magandang anggulo. Hinintay kong matapos ang kilay ng bride bago ko senyasan ang make-up artist na kukunan ko siya ng larawan. Tinutok ko ang camera ko, sakto namang nagpeace sign ang bride at nag-wacky face pa.

"Haha, ayos 'yon, ma'am," sambit ko.

"Ay sure ako dyan!" sagot niya naman. Nagtawanan na lamang kami.

"Sino na ba ang may-asawa sa inyo?" tanong naman niya bigla.

"Ako po, ma'am," sagot ni boss.

"O, buti naiintindihan niya trabaho mo, ano?"

"Nako, kung hindi niya naintindihan, ma'am, wala kaming kakainin," pabiro ngunit totoong sagot ni boss. Natawa na lang ulit ang bride.

"Buti nga nagstay pa kayo ng matagal, ano? Ako nga pangalawang kasal ko na 'to," sambit ng bride.

Nagulat kami sa sinabi niya. Nagkatinginan pa kami ni boss Ronald matapos niya iyong banggitin. Muli na lang kaming nagpulasan upang hindi makahalata ang bride na kami ay nagulat.

"Runaway bride ang peg ko noong unang kasal," dagdag pa niya. Muli namang pinapikit ng make-up artist si ma'am para malagyan ng kulay ang ilalim ng kanyang mga mata.

"Seryoso, ma'am?" tanong ni boss.

"Oo, pero luckily...yung una kong tinakbuhan na pakakasalan eh yung pakakasalan ko rin ngayon. O, di 'ba?" Napuno muli ng tawanan ang buong kwarto.

"Nako gastos 'yon, ma'am," natatawa kong sambit.

"Anong nangyari?" tanong naman ni boss.

"Noong ikakasal kami...unang beses, nagdadalawang isip talaga ako. Pa'no, may opportunity ako sa Korea, siya naman nagpatuloy sa law tapos kinukulit pa yata ng ex niya na nakilala niya sa Amerika. Parang hindi pa siya sure sa ganda kong 'to kaya noong araw ng kasal, nagwalk-out ako. Nganga siya," kwento niya.

"Buti nagkabalikan pa, ano ho?" sambit ko.

"Oo, lakas makadestiny, eh. Pag-uwi ko ng Pinas, yung susundo na corporate team sa akin sa airport eh kasama siya. Nagkagulatan, aba...may forever," sagot ni ma'am.

The Runaway GroomTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon