27.

15 1 1
                                        

Kinabig ko ang pinto ng kotse, tila napalakas pa ang pagkabig ko dahil sa pagiging tensyonado. Wala namang caffeine sa kape na ininom ko pero hindi ako mapakali, kinakabahan, nanginginig ang mga kamay at nahihilo. Napakapit na lamang ako sa aking ulo at hinilamos nang paulit-ulit ang aking mukha.

"Fuck!" ang tangi ko na lang nasambit nang hampasin ko ang manibela ng sasakyan. Nagagalit ako, nalilito...nalulungkot. Ano bang iniisip niya? Na ganoon na lang kadali ang lahat? Na pagkatapos ng isang taon gano'n gano'n na lang 'yon? Naiinis ako...naiinis ako sa kanya. Pero mas naiinis ako sa sarili ko. Dahil nasa sitwasyon ako ngayon na alam kong mas magiging magulo.

Napatingin na lamang ako sa gilid ng aking sasakyan. Kinapa ko ang lalagyan sa gilid ng pinto. Naroon ang iniabot sa akin kanina ni Marco na isang maliit na paper bag. Nakita ko sa likod ang nakalagay na resibo ng jewelry shop. Binuksan ko iyon at naroon ang isang maliit na pulang kahon. Kinuha ko ang kahon at binuksan. Nasa loob ang isang silver na engagement ring. Napahinga na lamang ako nang malalim, naluha nang kaunti at muling hinilamusan ang mukha. Isinara ko ang maliit na kahon. Inilapag iyon sa katabing upuan at pinaandar ang sasakyan.

"Tang ina..." bulong ko na lamang habang ako ay nagda-drive sa malawak na express way nang gabing iyon. Muling napapahilamos sa aking mukha at naghahabol ng hininga. Pamaya't-amayang lumilitaw sa aking isipan si Charmaine, ang kwento niya ay parang isang pelikulang paulit-ulit na nagpe-play sa aking isipan. Maya-maya pa ay nag-ring ang aking cellphone at doon ay nakita ko ang pangalan na nakalagay: Jen.

"Hey..." matipid kong sagot.

"Hey, babe, kumusta?" tanong niya.

"O-okay lang...heto nagda-drive. Sorry kung hindi ako nakatawag kanina. Ang daming ginawa, eh," wika ko. Sa tono ng aking pagsaslita ay alam kong mapapansin niyang may mali. Naghahabol ako ng hininga at nanginginig ang aking boses.

"May problema ba, babe?" tanong niyang muli. Nanahimik ako nang ilang segundo. Iniisip ko kung sasabihin ko nga ba sa kanya ang lahat ng nalaman ko. Parang hindi ko kaya. Alam kong iba ang iisipin niya. At sa inaasta ko ngayon ay sigurado akong iisipin niyang apektado pa ako.

"W-Wala naman, babe. Napagod lang sa meeting. Medyo late na rin natapos, eh," sagot ko.

"Nag-dinner ka na ba? Nasaan ka ba ngayon?" tanong niya. Napalunok ako nang kaunti dahil sa kanyang tanong.

"Uhmm. Nasa CALAX...pauwi na rin."

"Galing kang Cavite?" tanong niya.

"Uhmm. Yeah. Tagayay. Doon kasi yung location ng meeting namin kanina ni Mrs. Cruz. Nagbago bigla kasi may okasyon daw," sabi ko. Hindi naman agad nakapagsalita si Jen. Alam ko na agad ang kanyang iniisip.

"I just remembered how you hate that place," natatawa niyang sambit.

"Ahmm. Haha. Oo nga, eh. I'll get used to it," matipid kong sagot.

"Sige, basta take your dinner pag nakauwi ka na, ha? Don't forget to call me," wika niya.

"I will, babe. Thank you," sambit ko na may panginginig pa rin sa aking boses. Mas lalo akong naguluhan, hindi naman siguro lingid sa kaalaman ni Charmaine na kami na ng bestfriend niyang si Jen. Hindi ko lang alam kung bakit sa amin pa nangyari ito. Masyado na akong pinagti-tripan ng tadhana. Minsan ko na ring inisip noon na napakahirap maging ako. Puno ng kamalasan, puno ng problema. Buhol-buhol na sitwasyong hindi maaayos kahit na ni Doktor Kwak-Kwak pa. Nakakatawa, nakakatawang sitwasyon.

___________________________

Pag-uwi ko sa bahay ay binuksan ko kaagad ang isang malamig na bote ng beer, kinuha ang isang pakete ng yosi at nagsindi ng kasalanan habang hinihithit ang usok nito. Pumwesto sa bintana na sa pagkakataong iyon ay ayos na. Kung tutuusin ay may veranda na sa labas pero mas nakasanayan ko nang pumwesto at umupo sa bintanang iyon. Napadaan naman si papa sa labas ng kwarto habang nagpupunas ng twalya sa basa niyang buhok. Hindi ko siya napansin ngunit marahil ay nakita niya kung gaano na naman kabigat ang aking dinadala.

The Runaway GroomTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon