Nakaupo kami sa coffeeshop ng hotel na iyon, nagrelax, huminga at sinubukang gisingin ang sarili ko mula sa pagkahilo. Umiiling na lang at ngumingiti kapag nakikita siya sabay yuyuko at tatawa nang kaunti. Napapangiwi naman siya sa paulit-ulit na pagtingin ko sa kanya.
"Kanina ka pa hindi nagsasalita diyan, ah!" wika niya.
"Tangina...bakit ka na'ndito?!"
Ang mga ngiti niya ay biglang kumupas. Sumandal siya sa kanyang upuan at padabog na tinulak ang kape na kanyang iniinom.
"Weh, tangina pala ako, eh. Tangina ko, eh, 'no?" sambit niya na para bang nang-aasar habang tinuturo ang kanyang sarili.
"Haha. Adik. Hindi ka nagsasabi, eh, pano kung iba pala yung location namin? Mali napuntahan mo? Teka pa'no mo nga pala nalaman na na'ndito kami?"
"Magaling akong stalker, 'no! May pa-tag-tag pa yung kasama mo, nakatag kaya name mo sa FB. Hindi naman nakafilter ang mga notifs mo. Nakalagay pa yung location at yung hotel. 'Sitting pretty here in this hotel blah blah,' 'yun ang sabi ng kateam mo," wika niya habang nilalaro ang kanyang kamay at nilalaro ang mukha. Napangiti na lang ako ulit at natawa.
"Arte ng kateam mo, 'no? Makapost sa FB kala mo bading, eh," dagdag niya pa sabay higop ng kape gamit ang straw.
"Si Greg? Haha, yaan mo 'yon."
"Tapos kung makabully akala mo ang perfect...bading naman," pang-aasar niya ulit. Halos tumulo naman ang yelo mula sa frappe na iniinom ko dahil sa pagtawa.
"Ay pucha sorry," sabi ko sabay kuha ng tissue habang nakatakip ang ilong.
"My gosh hahaha. Ngayon lang kita nakitang tumawa ng ganyan, ah!"
"Eh ikaw din bully ka, eh!" sabi ko habang nagpupunas ng ilong.
Hindi naman siya nagsalita. Bagkus ay tiningnan niya lang ako sa aking mga mata. Ang mga ngiti niya ay tila lumalalim at ang mga mata niya ay nahahaluan ng kalungkutan at pagkaseryoso.
"Na-miss mo ako, 'no?"
"Ha?" tanong ko naman sa kanya.
"Siraulo ka pala, eh! Halos 1 week hindi ka kumontak tapos ang sasabihin mo lang sa akin ngayon eh, bakit ako na'ndito? At 'ha?' Nakakagago 'to." Salubong ang kanyang mga kilay pero ang ganda niya pa rin talaga.
"Sorry na, kala ko kasi..." hindi ko tinuloy ang sasabihin ko. At oo, gusto ko siyang gawing manghuhula. Uminom na lang ako ulit ng frappe at umubo nang kaunti.
"Kala mo galit ako?" malumanay niyang sambit. Tumingin ako sa kanya at tumango.
Naging tahimik ang lahat at tila naging seryoso ang mood sa loob ng café. Naglalabasan na ang ilang mga bisita. Ang ibang mga waiter naman ay tila nagliligpit na sa ibang mga mesa na hindi naman nagamit. Hinintay ko lang ang mga salitang bibitawan niya bago ako umimik.
"Pusong mamon! Bakla ka rin siguro, 'no?"
"Ano?!" gulat kong tanong.
"Ang sensitive mo kasi!"
"Hindi ako bakla, ah!" ngiti kong sagot.
"Anuhin pa kita diyan, eh..." sinundan ko naman ng bulong.
"Go!" sambit niya ng malakas sabay lapit ng kanyang katawan sa akin na nang-aasar pa rin.
Natawa lang ako sa kanyang ginawa. Nakikita ko naman ang ilang mga waiter na nakangiti habang kami ay pinagmamasdan.
"Pero seryoso...hindi talaga ako nagpakita. You're mad. I ruined your day."
"No!" putol niya sa aking sinasabi.
"He ruined my day...hindi nga lang day, week!" Napangiwi ako. Napataas na lang ang isa kong kilay habang nakatingin sa kanya.
BINABASA MO ANG
The Runaway Groom
RomanceLumuhod siya sa kanyang harapan, inilabas ang isang maliit at pulang kahon. Naroon ako, ngiting aso. Napaiwas na lang ako ng tingin sa kanilang dalawa. Maraming tao ang nanood, mga taong naghihintay at tila sabik na sabik sa susunod na mangyayari. K...