"Nagmahal lang ako...big word. Madalas sinasabi ng mga taong nagkakamali. Ayaw magsisi, masabi lang na naging tapat siya," wika ko sabay tawa na parang napapraning.
"Totoo naman ang excuse na 'yon. Sa kahit na anong anggulo, alam mo sa sarili mo na totoo 'yon."
"Sabihin mo, Jen, nagkamali ba ako na kilalanin siya?" tanong ko. Ngumiti lang siya at umiling.
_____________________________
Kahit ano namang dahilan ang ibigay ko, naroon pa rin siya. Anong saysay ng paglayo kung sa bawat hakbang ko ay nakasunod siya? Ako ba ang mali? Mali nga ba ako nang minahal ko siya? Nagmahal lang ako. Bullshit na dahilan!
Dumaan ang mga araw, masasayang mga araw kasama siya. Yung paligid na puno lang ng kung ano-anong mga anino ay unti-unting nagkakulay. Ibinigay niya ang saya na iyon na hindi ko naman talaga hinihingi. Ang gusto ko lang naman ay mahalin siya, yun lang, walang ibang dahilan.
Halos gabi-gabi kami kung lumabas, trabaho sa umaga, pasyal sa gabi. Walang espasyo ang kalungkutan sa aming dalawa. Ni hindi ko rin ginustong malaman kung ano ang mayroon sa pamilya niya o ng mga kaibigan niya. Hindi nga rin naman ako nagtatanong. Pero isang beses ay naitanong ko iyon sa kanya.
"Ano ba'ng trabaho mo?" tanong ko habang humihigop ng malamig na frappe sa tabi ng dagat na nilalakaran namin.
Kasalukuyan kaming namamasyal noon sa MOA. Kaunti ang tao dahil Martes naman. Karamihan sa mga namamasyal ay mga magkasintahan. Hindi pa nga kami pero madalas na kaming magkasama, madalas din na ganito ang set-up. Uminom muna siya bago sagutin ang aking tanong.
"Do you really want to know?" tanong niya. Ngumisi lang ako at tumingin sa malawak na kawalan.
"Para namang gago 'to..." bulong ko habang nakangiti. Agad niya namang tinulak ang braso ko habang seryosong nagwika.
"Hoy! Grabe ka, ah!"
"Sorry naman. Pero pwera biro...ano nga?"
Hindi siya sumagot. Umikot lang siya at itinaas ang kanyang kaliwang kamay habang hinihigop ang kanyang frappe gamit ang straw. Tila ba nagsayaw siya sa hangin, ang kanyang galaw ay maihahalintulad sa isang halaman na inuugoy ng hangin. Bumabaluktot nang malumanay, umikot nang marahan, at gamit ang baso ng frappe ay parang nagawan niya na ng kuwento ang lahat dahil sa kanyang sayaw. Binigyan niya iyon ng isang yuko habang nakataas ang kanyang kanang kamay at muling tumingin sa akin. Napatulala na lamang ako sa aking nakita. Naiwan lang na nakapasok ang straw sa aking bibig at abala sa paghigop sa malamig na kape.
"Hoy!" bulyaw niya.
"Uhm!" gulat kong sambit.
"You should see your face!" natatawa niyang sambit.
Hindi muna ako nakapagsalita. Tinitigan ko lang siya habang naglalakad na kasabay niya. Nakangiti lang din siya habang tumitingin sa paligid, sa mga taong nakapanood ng kanyang ginawa.
"Dancer? No! Uhm...hindi lang basta dancer. Teatro?" tanong ko. Tumango lang siya habang nakangiti.
"You are an artist indeed, Ian. Yung mga ordinaryo at mayamang tao na nanonood sa amin, kapag nagtatanghal na kami, wala lang. Makikita mo sila sa kalagitnaan ng presentation. Humihikab, pero ang mga katulad mo. Iba! Iba talaga," wika niya na parang nang-iinis. Umiiling siya habang nakangiti at nakakunot ang baba. Natawa na lamang ako.
"Puwede mong ulitin?" tanong ko.
"Ano?! Gago!" wika nya habang natatawa.
______________________________
"It was an honest mistake not to tell you," sambit ni Jen.
"Ang alin?" tanong ko naman. Bahagya kong hinilot ang nangangalay ko nang mga paa at iniba ang posisyon ng aking pag-upo. Pahalang na ang aking paa habang nakasayad sa maliliit na batuhan ang aking itim na maong.
BINABASA MO ANG
The Runaway Groom
RomanceLumuhod siya sa kanyang harapan, inilabas ang isang maliit at pulang kahon. Naroon ako, ngiting aso. Napaiwas na lang ako ng tingin sa kanilang dalawa. Maraming tao ang nanood, mga taong naghihintay at tila sabik na sabik sa susunod na mangyayari. K...