07

864 13 0
                                    

-PAST-
BAZAAR SAINT NOIRE TRAINING FACILITY
(Clinic)


Euphrasia.

The disdainful look Kuya Storm gave me made me certain that he will scold me again later. Nandito silang lahat, pati na si Tito Lurk, Tumawag pa nga si Mommy kanina, at miss na miss ko na sila, pati na si Daddy.

I miss them terribly.

Hindi ako makalakad dahil sa lakas ng pagkahulog ko, at malamang hindi rin ako makakapasok bukas. Sayang, gusto ko pa naman ng perfect attendance, pero ngayon parang magiging home school na lang ako.

"Ling, anong pumasok sa isipan mo at umakyat ka doon?" Tito Lurk asked, prompting me to glance at Aurora, who seemed visibly worried.

"Um, I was just looking for something on the bookshelves, Tito" pasisinungaling ko at bumaling ulit kay Tito Lurk.

"Pero bakit ka umakyat sa itaas? May hagdan naman ah, at ano'ng hinahanap mo doon?" Lovereign asked, causing me to shut my eyes. Sometimes Aurora's sister can be quite a handful, Pahamak talaga!

"Sorry po, curious lang po ako at gusto ko subukan kung ano ang feeling, tapos bigla na lang may palaka na dumapo sa paa ko" pagsisinungaling ko ulit, hindi ko alam yan ang pumasok sa isipan ko eh, nag tama ang paningin namin ni Storm at sobrang sama ng tingin niya saakin, he probably knows..

He knows~

And I know he knows..

Korni.

Narinig ko ang tawanan ni Kiyoshi sa likuran ko, pero binigyan sila ng masamang tingin ni Lovereign.

"Ling, sa susunod hindi mo na uulitin 'yan, malinaw ba? Magkakalintikan ako sa mommy mo, kaya huwag mong gagawin na ikakapahamak mo. Naintindihan mo ba?" seryosong sabi ni Tito Lurk at ginulo ang buhok ko. "Opo, Tito. I'm sorry po."

"It's okay, we all make mistakes. What's important is that you've learned your lesson and won't do it again, right, Euphrasia?" I smiled and nodded.

"Good, take a rest," he said with a smile. "I'll leave first, I'll visit you again later," he said. "Bye, Tito!" Delythena smiled.

"Tito, Jollibee, ha?" pahabol naman na sabi ni Alexandrius. "Oo, mamaya. Mago-order ako ng pagkain sa Jollibee para sa lahat. Bantayan niyo si Ling, baka umakyat ulit 'yan" biro niya, kaya napangiwi ako. Nagtawanan naman sina Delythena at ang iba.

Uncle said goodbye and left. He's busy with work, and he doesn't have a spouse, so sometimes he's the one who drops us off at school.

"Aurora, let's talk," Storm said coldly, making all of us look at them. Kuya Storm's mood hasn't been good since earlier. I know he's always cold, but I can't understand why his aura feels different today.

Nakakakaba.

Tumango si Aurora, at umalis silang dalawa, leaving me extremely curious kung ano ang pinag-uusapan nila.

"Ano kaya 'yun?" tanong ni Kiyoshi. "Baka magtatanan" nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Alexandrius, wala pang dalawang segundo ay nakatikim na siya ng sapak ni Love.

"Kahit kailan talaga ang bastos ng bunganga mo, anong magtatanan Alex? Ang bata pa natin yan talaga ang nasaisip mo?!" panenermon nito kaya napakamot nalang si Alex sa buhok niya, "Bastos pala yun?" mahinang bulong niya.

"Ano?!" sigaw ni Delythena, nag peace sign naman si Alex, "Wala, hehe sabi ko ang ganda mo diba Ling?" aniya at bumaling saakin, he looked at me a ugly look na parang magpapatulong, "Huh? Oo" sagot ko.

Echoes Of Vanth AcademyWhere stories live. Discover now