27

890 23 20
                                    

Warning: Medjo, makalat to.

Euphrasia.

Napahawak ako sa labi ko ng maalala ang nangyari sa pool party, umiling-iling naman ako at pilit na winaksi ang pangyayaring iyon.

It's already three days ago, pero nakakainis! Bakit nasa isipan ko pa rin ang bagay na 'yun? Fuck you, Storm! How dare him? He stole my first kiss, ang kapal talaga ng mukha niya!

Kinuha ko ang phone ko sa mesa at binuksan ang VanthHub pero malakas akong napamura dahil sa bumungad sa newsfeed ko.

"The blessed Rose, Euphrasia Corinne Ivelisse Narhiara, caught kissing with the Supreme President."

"Bwesit!"

Inis kung tinapon kung saan 'yung phone ko, pati ba naman diyan? Hindi talaga ako lulubayan e no, kabwesit!

That was just a game!

Nothing more...

Walang malisya.

Sinabi niya, walang malisya.

"Bwesit ka, bwesit!" inis na sigaw ko.

Mahina akong natawa. "Ang kapal naman ng mukha niya sabihin sa akin na wala lang 'yun? Ang kapal ng mukha niyang gamitin ako, bwesit siya!"

Padabog akong humiga sa kama ko at binaon sa malambot na unan ang mukha ko.

Kainis, nangigigil ako e.

I took a deep breath at kinalma ang sarili ko, that's right Ling, 'wag mo na 'yung isipin, it's just nothing, wala lang 'yun.

Kalimutan mo na, it's just a game, nanalo naman kami at walang punishment kaya okay na 'yun, stop thinking nonsense.

Naramdaman kung nanuyo ang lalamunan ko kaya tumayo ako at lumabas ng kwarto. Napakunot ang noo ko nang makitang nakabukas ang pinto ng opisina ni Storm, eh ayaw nun na naka bukas ang pinto niya.

Hmm?

Tignan ko kaya? Hindi naman siguro masama? I smirked.

Kiyoshi

"Bro, wala kang gagawin? The issues is spreading, baka umabot pa 'to sa labas," natatawang sabi ni Alex kaya napailing-iling ako.

Lol, kunware pa nagse-selos lang naman talaga siya.

"Is it about the kiss?" tanong ni Zon.

Kaya napangisi kami habang tinignan si Storm na kaharap ang laptop niya at mukhang walang pakialam.

"Rav and Lore are mad about it Kuya, wala kang gagawin? People are starting to create rumors about you and Ling," kalmadong sabi ni Light.

"Teka nga..." napatingin kaming lahat kay Alex.

"Bakit mo ba kasi siya hinawakan at hinalikan? I mean, pwede namang sa pisngi, bakit sa lips pa?" inis na reklamo nito.

"It's nothing," walang ganang sagot ni Storm, kaya napasinghap kami.

"Nothing? Sure ka, baka crush mo si Ling ha," pabirong sabi ko.

"It's just a game, walang malisya," malamig na sabi niya.

Tumahimik naman kaming lahat, napabuga nalang ako ng hangin, "Galit si Lore bro, you know he's been head over heels for Ling for a long time, kasama mo pa si Rav at..." tinignan ko si Alex pero sinamaan niya ako ng tingin.

"Let them be."

Napangiwi naman ako sa sagot ni Storm, sabagay wala naman siyang pakialam.

"Ewan ko sa'yo, Storm. Gulo mo," inis na sabi ni Alex.

Echoes Of Vanth AcademyWhere stories live. Discover now