Euphrasia.
"Beh, si Chararat may post nanaman," natatawang sabi ni Delythena, at pinatingin pa talaga sa akin ang cellphone niya.
Napairap naman ako ng makita si Anita, "Anong chararat?"
Hindi niya ako sinagot at inirapan lang kaya napakunot ang noo ko.
"Basta!"
"Ganda ng profile picture mo ah," nakangisi na sabi niya.
Napatingin naman ako sa profile picture ko. The warm, golden light of the setting sun framed my face perfectly, casting a soft glow on my skin. My long, black hair cascaded down my shoulders, catching the light just right.
My eyes, a deep shade of hazel, were accentuated by the careful application of eyeliner, making them appear larger and more captivating. The slight tilt of my head exposed the elegant curve of my neck, adorned with a delicate silver necklace that glinted subtly in the sunlight with a seductive smile.
I wore a fitted black dress that hugged my curves in all the right places, one hand resting casually on my hip, the other playfully tousling my hair.
Napakunot naman ang noo ko ng may lumabas na notification sa taas ng screen ng phone ko.
⛈️: Office.
"Office? Ano 'to?"
"Ano nanaman bang kailangan niya sa akin?" Inis na bulong ko na alam kung narinig ng katabi ko.
"Sino? Si kuya?"
Napangisi naman siya nung tumango ako, "Need niya ng 'Lam.'"
Napakunot ang noo ko sa sinabi niya, "Anong 'Lam'?"
Ngumisi ulit siya, "Lambing, duh."
Napa-irap naman ako at binato siya ng unan, "Umalis ka dito sa kwarto ko, may sariling kwarto ka naman."
"Dito muna ako, sarap kasi ng hangin dito," aniya.
Umiling-iling lang ako at tumayo para magpalit ng damit. Ano nanaman bang kailangan niya sa akin? Pagkatapos niyang sirain itong base at muntik nang masira lahat ng collections ko, hahanap-hanapin niya ako. May sira ba utak ni Storm?
"Punta lang ako sa office ng kuya mo, wag na wag mong pakikialaman ang gamit ko, Delythena," seryosong sabi ko na may halong pagbabanta.
Inirapan niya lang ako. Bumuntong-hininga naman ako at umalis.
As always, busy pa rin siya, nakaharap sa laptop niya at hindi man lang ako tinapunan ng tingin. He's wearing glasses this time with messy hair, nakabutton-down pa yung tatlong pares ng butones niya.
Nag-iwas naman ako ng tingin, "I'm here, anong kailangan mo sa akin?"
Hindi niya ako sinagot kaya mas lalong akong naiirita. I took a deep breath before talking, dahil nauubos na ang pasensya ko sa lalaking 'to.
"Hoy! Hindi porket president ka dito ay vice president lang ako, gaganyanin mo lang ako? Pinatawag mo ako tapos hindi ka mag-sasalita?" Inis na sabi ko.
"Kung wala ka din namang sasabihin, aalis na lang-" naputol ang pagsasalita ko ng dumako ang atensyon ko sa may sofa.
Nagliwanag ang buong mata ko ng makita ang isang box na kulay pink doon.
"Strawberries!"
Parang nawala ang lahat ng inis ko sa katawan ng makita ang strawberry cakes na nasa sofa. Hindi ko na pinansin si Storm at natutuwa akong binuksan ito.
Napangiti naman ako. Talagang binili niya lahat ng ni-request ko.
Inuna ko muna ang pagbukas ng box ng strawberry cake, napaawang ang labi ko ng makita ang mga brands nito.
YOU ARE READING
Echoes Of Vanth Academy
FantasyOnce a rough gangster school, Vanth Academy is now a haven for talented students. Corrine Narhiara, known for her beauty and extraordinary abilities, serves as the Academy's vice president. Surrounded by supportive friends and family who cherish her...