25

799 20 41
                                    

Euphrasia.

"Worth!"

I called him, kaya napalingon siya sa akin, pati yung babaeng kasama niya ay napatingin din sa akin at parang gulat pa ito ng makita ako.

"Ling, ikaw pala. Tinext kita, bakit hindi ka nag-reply?" tanong niya.

"Sorry, naiwan ko kasi yung phone ko sa kwarto. Umalis kami ni Dely," pag-amin ko. Tumango naman siya.

"Omaygosh! Magkakilala kayo? Euphrasia, the Blessed Rose?" nagulat ako nang tumili yung babaeng kasama niya.

Eh?

"Hi, omg! Nice to meet you, I'm Yna!" parang kinikilig na sabi nito.

I awkwardly smiled at her. "H-hi Yna."

"Ah, sorry Ling. Hindi ko siya naikwento sa'yo. Ngayon ko lang din nalaman na invited din pala siya sa party at yung mga ibang friends ko," paliwanag niya.

Natigilan naman ako sa sinabi niya. "Ahhh, so?"

Umiling-iling naman si Worth. "Hindi, sasamahan pa din naman kita, dahil-"

"She's with me."

Nanigas ang buong katawan ko nang marinig ang malamig na boses sa likuran ko.

Kumabog ang dibdib ko at humarap sa kanya. Napaawang naman ang labi ko at tinaasan siya ng kilay.

"Ah? Eh ako yung ininvite niya eh," seryosong sabi ni Worth.

"Get lost."

Pinalakihan ko ng mata si Storm. "Hey, don't say that... he's my friend-"

"Ops, Elites is for Elites only," nakangising sabi ni Kiyoshi. I looked at him. Kumakain siya ng marshmallows na may chocolate.

"What the hell," I murmured.

Hinigit ni Storm ang braso ko habang si Worth naman at ang kaibigan niya ay nakakunot ang noo.

I looked at Worth na nakakunot pa din ang noo. I gave him an apologetic look, at bumaling kay Storm na hinila ako.

"Storm, bitawan mo ako."

"Storm- Ano ba!"

"Shut up," malamig na sabi niya at hinila ako.

"Look, Storm! I invited him, okay? Hindi ko siya pwedeng iwan," inis na sabi ko.

Nakita ko ang pag-igting ng panga niya at mukhang hindi nagustuhan ang sinabi ko. Napahinto siya sa paglalakad dahil doon.

"You just invited him. You don't have to be with him," mariin niyang sabi.

Hindi ko siya makapaniwalang tiningnan. "And why not? For what? Para mag-iisa ulit ako sa party na 'to? Who should I be with?!"

"With me."

Napaawang ang mga labi ko sa sinabi niya. Napakurap-kurap ako habang nire-rehistro ang sinabi niya. Hinila niya na lang ako kung saan at hindi man lang ako nagprotesta sa hindi ko malaman na dahilan.

"Storm, saan tayo pupunta?"

Hindi niya sinagot ang tanong ko kaya napabuntong-hininga na lang ako.

I saw Delythena and the others sa isang table. Nandoon silang lahat, pati si Kiyoshi na kumakain pa rin ng marshmallows.

"Oh? I thought you're going to be with new friend?" Nakangisi na sabi ni Delythena saakin ng makarating kami.

I shot her with a glare, binatawan ni Storm ang kamay ko kaya lumayo ako sakaniya, pero hinila niya ako paupo sa tabi niya kaya napamura ako.

Echoes Of Vanth AcademyWhere stories live. Discover now