LIGHT - ALEX -ZON
ALEX"Then let's separate. Me and Zon will go to the right, kayo naman sa left," seryosong sabi ni Ling, kaya tumango naman kami.
Mas mabuti nga iyon, pag hiwalay mas mapapabilis ang paghahanap namin sa prinsesang iyon.
Pero sa tingin ko may binabalak ata ang malditang babaeng to.
"Let's go."
Nauna sila ni Zon na umalis. Napabuntong-hininga naman si Light. "You sense that too?" tanong niya at ngumisi naman ako.
"Of course, I have Nazuki's blood too"
"It's strange, The presence of the Princess of Azreth is here but the person who released the huge amount of energy earlier is on the other side, Anong binabalak nila?" aniya, kaya napaisip naman ako.
Oo nga no.
Kayanga, pinili ni Ling ang direksyon namin eh, pero napapaisip tuloy ako.
Bakit ang talas ng senses ni Ling?
Napahinto kami ni Light nang marinig namin ang sigaw ng babae kaya sumeryoso ang mukha ko. That voice-hindi kami nagkakamali, boses iyon ng Prinsesa.
"Bwisit!" napamura ako nang harangan kami ng mga Sadentia.
Kung minamalas ka nga naman.
"Ako na, Light," seryosong sabi ko habang akmang magpapalabas siya ng kapangyarihan.
Naramdaman kong nag-iba ang kulay ng mata ko at nag-ilaw ang palad ko. I sent them a sound shockwave, dahilan para mapaluhod sila sa akin. That shockwave will ruin your ears, hindi iyon basta-basta.
"Tara" seryosong sabi ni Light at iniwan namin doon ang mga walang silbing Sadentia. Psh.
Rinig na rinig dito ang malakas na kidlat at kulog sa labas. It's raining heavily, partida nasa underground kami pero naririnig pa rin naman. Nagwawala ata ang leader namin sa labas eh.
"Ahhhh, wag mo akong hawakan, hampaslupa! Nakakadiri ka!"
Narinig naming sumigaw ang babae kaya mas lalo naming binilisan ni Light ang pagtakbo, pero ang daming bwisit na humaharang sa amin.
Hindi kami nagdalawang-isip na patumbahin ang mga guards at patuloy sa pagtakbo.
Hingal-hingal kaming
nakarating ni Light sa pinakadulo. Nandoon ang Prinsesa na umiiyak, nakagapos at ang dumi at ang gulo na ng mahaba niyang buhok.
Kaninang umaga ay inis na inis ako sa kaniya, but now I felt a twinge of pity.
Madaling araw pa lamang ngayon pero ang kalangitan ay sobrang dilim na akala mo gabi pa. Hindi ko alam kung ilan ang pinadala ng mga Sadentia dito na mga tauhan, pero alam kong madami dahil hanggang ngayon ay nakiki-paglaban pa rin si Storm.
YOU ARE READING
Echoes Of Vanth Academy
FantasyOnce a rough gangster school, Vanth Academy is now a haven for talented students. Corrine Narhiara, known for her beauty and extraordinary abilities, serves as the Academy's vice president. Surrounded by supportive friends and family who cherish her...