36

790 25 2
                                    

Euphrasia.

"She what?!"

My eyes widened nang mabasa ko ang text niya sa akin. "Mireille requested to quit the training? Ibig sabihin hindi na siya magiging elite? Pero akala ko pangarap niya 'yun? Ang mapasama sa amin?"

Tumayo ako at inayos ang damit ko, nagpasiya akong pumunta sa kwarto ni Mireille.

Ilang beses akong kumatok dahil naka-lock ang pinto. Ilang segundo ang lumipas at kaagad naman itong nagbukas. Bumungad sa akin ang mukha ni Mireille na nakangiti.

"Bakit?"

I looked at her with a confused look. "Anong bakit? Mireille, what did you do?"

Bumuntong-hininga naman siya. "Pasok ka muna."

Kaagad naman akong tumango at pumasok sa kwarto niya.

"So? Explain yourself."

Umupo siya sa gilid ng kama niya habang ako naman ay nakaupo sa maliit na sofa niya na kulay pula. Inilibot ko ang tingin sa kwarto niya at maraming orange stickers, parang siya 'yung babaeng favorite character ko sa paborito kong libro, na mahilig din sa oranges.

"Naisipan ko na mag-quit na lang. Total, wala naman akong abilities at hindi ko rin naman kayo maabot. Malalakas kayong lahat eh," panimula niya.

"Magiging pabigat lang ako sa mission niyo at hindi rin kaya ng katawan ko ang training, 'di ba?" dagdag niya.

"Nawalan ka lang naman ng malay! sumuko ka na agad? Hindi ka naman nagka-injuries ah? Tapos kapag nagtre-training kayo, nalalampasan mo kahit gumagamit ng abilities si Rav," seryosong sabi ko.

Umiling-iling naman siya. "Hindi mo ako nauunawaan."

Napakunot ang noo ko. "Hindi maintindihan? Ipa-intindi mo kasi sa akin kung bakit ka susuko ng ganon lang."

"Ayoko na," pag-amin niya. "Hindi naman ito ang goal ko."

"Ano ba ang goal mo?"

"Ang magkaroon ng kaibigan, 'yun lang. Gusto ko pa rin naman kayo makasama kaya nakiusap ako na maging assistant na lang para at least makasama ko pa rin kayo kahit hindi ako member ng Elites," paliwanag niya.

"Sana maintindihan mo ang desisyon ko. Hindi rin naman para lang sa ikabubuti ko. May mga bagay na hindi ko pwedeng ipaliwanag, pero alam ko sa tamang panahon maiintindihan mo din ako. Salamat dahil tinaggap mo ako na maging isa sa inyo kahit wala akong kapangyarihan. Kaya gustong manatili dito, dahil gusto ko pang samahan at tulungan ka."

Bumuntong-hininga siya bago muling nagsalita. "Hindi na ako pwedeng masaktan ulit."

"Kung 'yan ang gusto mo, hindi rin naman kita mapipilit dahil may sariling pag-iisip ka at may sariling desisyon ka. Pero masaya ako na malaman na mananatili ka pa rin sa amin," paliwanag ko.

"Syempre naman, 'noh. Hindi kita iiwan," nakangiting sabi niya at lumapit sa akin.

"Hinding-hindi kita iiwan."

May kung anong tumusok sa dibdib ko sa salitang sinabi niya. She hugged me tightly kaya niyakap ko rin siya pabalik.

....

Mabilis akong lumabas ng kwarto ko dahil nandito si Manang at magluluto siya ng masarap na ulam. Baka kasi ubusin ng mga bansot na patay-gutom!

Nakita ko si Delythena at Raven na pababa ng hagdan. Mas binilisan ko pa ang kilos ko.

Tumakbo ako papunta sa hagdan at napasigaw na lang ako nang matapilok ako sa may hagdan. Naitulak ko si Delythena kaya pareho kaming nahulog.

Tangina! Pero siya nasalo siya ni Rav habang ako nagpagulong-gulong at sumalampak sa sahig.

Echoes Of Vanth AcademyWhere stories live. Discover now