24

753 18 18
                                    

Author's Note: This chapter was supposed to be updated yesterday, but I had difficulty describing their swimsuits. Nonetheless, here it is >>

Natagalan ako dahil sa bug, bigla nalang nagkapalit yung mga chaps.

Euphrasia.

Napapikit ako dahil sa ingay sa pool area. Partida, nasa loob pa ako ng hotel, pero rinig na rinig ko na yung ingay sa labas. I sighed and opened my phone. I received a chat from Worth, and he said papunta na daw siya.

Bumangon ako mula sa pagkakahiga at pumunta sa balcony kung saan makikita ko mula dito ang mga unggoy na nagpaparty sa labas. Sobrang aga pa pero nag-sasaya na agad sila.

As always, pinalilibutan nanaman ng babae yung mga pangit na unggoy, lalo na yung president namin. Isama mo pa ang bwesit na si Alex at Kiyoshi na tuwang-tuwa pa.

Napairap naman ako at pumasok sa loob. I sighed at hinalungkat sa bag ko ang susuutin ko.

Tinignan ko ito. The swimsuit is an elegant black design with long sleeves and high-waisted shorts seamlessly connected to the top. It boasts alluring slits on both the left and right sides of the waist. The center of the waist forms a sleek V-shape without any slits.

I guess this is better, better than wearing those panty and bra-like swimsuits. Okay naman talaga yun kaso hindi ako sanay, and I don't want to be uncomfortable. At isa pa, I think this one is nice too. Kung tutuusin, sexy din naman ito. Kitang-kita ang hita ko dito, and I think it's perfect.

"Ling! Buksan mo 'to," I heard Delythena's voice outside kaya mabilis kung binalik sa bag ang swimsuit.

Kaagad ko itong binuksan at bumungad ang mukha ni Delythena sa harapan ko. I looked at her head to toe.

Napataas ang kilay ko. "Wow," I murmured, pero inirapan niya lang ako.

Her swimsuit is a sky blue one-piece with a plunging neckline. It features a halter tie and an open back. The sides have mesh panels. The bottom is high-cut, elongating the legs and creating a sleek silhouette.

"Okay ba? Bagay ba sakin?" Nakangiting tanong niya, at tumango lang ako.

She rolled her eyes and groaned. "Can you stop doing that? I need a freaking answer!"

"Okay."

"Anong okay?! Bwesit ka talagang babae ka," inis na sabi niya na ikinatawa ko.

"Maganda. Sky blue is really your color. Bagay na bagay sayo," seryosong sabi ko.

Tumaas naman ang kilay niya, na parang ini-examine ako mula ulo hanggang paa.

"Why are you wearing a dress? Nasaan ang swimsuit mo?" tanong niya.

Hindi ako sumagot. Nanlaki ang mata niya at tinakpan ang bibig niya na parang nagugulat kaya napakunot ang noo ko.

"Don't tell me, mag-mamanang outfit ka?"

I shot her a glare at bumalik sa loob. Umupo ako sa kama ko at hindi siya pinansin, alam ko namang sumunod siya.

"So? Mag-mamanang outfit ka nga?" pang-aasar niya.

"What the hell? Of course not," depensa ko. "Nahihiya ako," dagdag ko.

Malakas naman siyang tumawa kaya nag-init ang pisngi ko.

"Nahihiya ka? Kanino?" She laughed like a crazy woman.

"Anong kanino? Nahihiya nga ako mag-suot ng swimsuit," iritadong sabi ko.

Hindi siya makapaniwalang tumingin saakin. "The hell? Ikaw pa talaga may ganang mahiya?"

"Can you see those bitches wearing almost nothing? Hindi naman kagandahan ang mukha nila at mas lalong hindi kagandahan ang katawan nila pero nagsuot pa din sila ng mga swimsuit na halos kulang nalang mag-hubad sila, at nakikipaglandian pa kahit sino," aniya.

Echoes Of Vanth AcademyWhere stories live. Discover now