Euphrasia.
"Pew pew pew, bogsh ratatae ey~"
Napatakip ako ng tenga dahil sa ingay ni Kiyoshi, kanina niya pa inuulit yan ratatae ampota, natatae ba siya?
"Did you enjoy my gift? You cannot imagine how much I desired to see you in tears. Consider this a stern warning, Storm belongs to me, and I will not tolerate your interference any longer. Princess Narhiara, I will end you myself" Pagbasa ni Delythena sa maliit na papel.
Tumawa siya ng malakas, she's been repeating it for a couple of times, and she's making fun of me, this bitch!
"Fun fact na nakakatakot nga siya, Ling, lagot ka," natatawang sabi ni Kiyoshi.
Napairap naman ako, "Fun fact that you're a puta."
Nagulat naman siya sa sinabi ko at parang hindi makapaniwala, tumingin sa akin.
"Another obsessive evil admirer of Storm, this is a problem right? I mean, she'll go after Ling," Zon said seriously.
Delythena laughed, "Problem? Nakalimutan mo na ba? Ling is the little devil incarnate herself."
Napataas naman ang kilay ko sa sinabi niya, she gave me an innocent look. "What?"
"I'm right naman ah, she's no threat! I bet she can't even get near you," dagdag nito.
Nakakainis, how dare her send me those gifts? Kung gusto niya si Storm, isaksak niya sa panty niya, gago!
"Pero you know, obsessive girls can be dangerous too, they will do everything just to get what they wanted, hindi ba delikado yun? Hindi pa natin alam kung sino siya, eh baka kung anong gawin niya kay Ling eh," mahabang sabi ni Kiyoshi na katabi si Delythena sa sofa.
Delythena rolled her eyes, "Dami mong say, dun ka nga sa far away, sho!"
Pagtataboy nito kay Kiyoshi na ikinatawa ko, ginaya naman siya ni Kiyoshi kaya binato siya ng unan ni Delythena at natamaan siya sa mukha.
"Manang Ruth!" Masayang sigaw ni Kiyoshi ng pumasok si Manang Ruth sa base.
"Oh? Umagang-umaga ay napakulit mo na, Kiyoshi. Kamusta kayo?" Nakangiting sabi ni Manang.
Napangiti naman ako, "Hi Manang, we're good naman po. How's the vacation?"
"Ay naku, ang ganda doon sa Isla la vista. Sa susunod dadalhin ko kayo doon," nakangiting na sabi ni Manang kaya napangiti ako.
"Nakapag-almusal na ba kayo?" Tanong ni Manang.
"Yes, Nanay Ruth," seryosong sagot ni Zon.
"The others are busy on the training area. Si Lovereign naman busy siya sa paperwork niya para sa upcoming event po, pero nakakain na yun," nakangiting sabi ko.
"Aba mabuti, magluluto na lang ako ng ulam para sa lunch niyo," nakangiting sabi ni Manang.
"I'm planning to make cupcakes nga po eh," nakangiting sabi ko.
Tumango naman siya, "Magba-bake ka? Gusto mo tulungan muna kita? Mamaya pa naman ako uuwi eh."
Napangiti naman ako, "Talaga po?"
"Ling, damihan mo ng chocolates ha," sigaw ni Kiyoshi kaya napa-irap ako.
"Sino nag-sabi na bibigyan kita?"
He shot me with a glare, "Shibal!"
Nanlaki naman ang mata ko, "Shibal you too, gago!"
Seryosong, ilang mikmik ba ang hinigop ng gagong ito at kung ano-ano lumalabas sa utak, parang kulang ata 'to sa turok nung sanggol siya.
YOU ARE READING
Echoes Of Vanth Academy
FantasyOnce a rough gangster school, Vanth Academy is now a haven for talented students. Corrine Narhiara, known for her beauty and extraordinary abilities, serves as the Academy's vice president. Surrounded by supportive friends and family who cherish her...