47

737 23 6
                                    

Euphrasia.

"Ang programang ito ay hatid sainyo ng cobra energy drink lakas ng tama ko sayo kaso iba ang gusto mo!" malakas na hiyaw ni Alex, habang naka hawak ng mic.

"Ey, ey! Yo! Yo!"

"Ako'y nasa Malate, alas-siete ng gabi," pag-kanta ni Kiyoshi.

Napatakip ako sa tenga ko dahil sa ingay dito sa sala. Hindi ko tuloy magawa ng maayos ang mga trabaho ko dahil sa bwisit na mga kupal na kanina pa nagso-sound trip sa harapan ko.

"Nakilala ko tuloy itong magandang babae," this time si Alex na naman ang humirit.

"Na nakabibighani sa aking mga mata! Ang 'di ko lang alam ay manloloko lang pala!" malakas na sigaw ni Light.

Inis ko silang pinanood na kumakanta at ang mga gago ay feel na feel pa nila dahil sinasabayan pa nila ng pagsayaw. Hindi ko alam kung saang lupalop ng mundo nila napulot ang kanta nilang 'yan, pero nahihilo na ako dahil kanina pa nila inuulit!

"Bumanat siya sa 'kin, bilmoko n'yan, bilmoko n'on. Nagtuturo na siya, hindi pa kami on," pag-kanta ni Kiyoshi kasabay ng pagsakay at nakahawak pa ng mic.

"Upang 'di mahalata, siya ay nagpayabang. Nagme-meneshatoua daw siya sa Alaba-" Hindi natapos sa pagsasalita dahil tumilapon ang speaker sa direksyon nila.

Nanlaki ang mata ko sa gulat. "Putangina mo, Kiyoshi! Kanina ka pa! Nag-aaral nga ako sa taas, puro kayo Malate. Putangina, gusto niyo bang tanggalin ko yang mga nguso niyo?"

Napapikit ako dahil sa sigaw ni Delythena. Mabilis naman nagsitakbuhan ang mga kupal dahil papalapit si Delythena sa amin.

"Ayan, mag 'When the Night' ka pa!" sigaw ko.

Nag-sitakbuhan silang lahat palabas ng base dahil ayaw nilang matamaan ulit ng speaker. Gulat ako na tinignan si Delythena, at hindi ako makapaniwalang tinapon niya 'yung speaker na parang wala lang 'yon! Galing pa 'yon sa ibang bansa at hindi basta-basta.

"Ano 'yung sumabog?" narinig kong tanong ni Zon na kakarating lang.

"Tumahimik ka kung ayaw mong sumabog 'yang mukha mo!" gigil na sabi ni Delythena at nilagpasan siya.

Napakunot ang noo niya habang pinoproseso ang pangyayari. Bakas sa mukha ni Zon ang gulat at pagtataka dahil sa inasal ng pinsan niya.

"Napano 'yun?" tanong niya sa akin. Gusto ko matawa sa mukha niya pero pinigilan ko dahil baka magalit na naman 'yung babaeng 'yon-hindi pa naman 'yon nakakalayo.

"Ewan ko, tanungin mo kaya para mabasag 'yang mukha mo?" nakangiting suhestiyon ko.

Napahilamos na lang siya sa mukha niya at inis na umalis sa harapan ko.

Napailing-iling na lang ako at bumalik sa ginagawa ko. Then, just when I signed the papers, I remembered na may gagawin kaming group project today.

Shocks! Paano ako makakalabas kung masakit ang paa ko?

Nahulog na naman kasi ako sa stairs kagabi, at mabuti na lang wala dito ang masungit na president namin dahil malilintikan na naman ako sa parusa niya. 'Yung tipong nahulog ka na nga, tapos paparusahan at pahihirapan ka pa.

Wala talagang tawad, eh.

"At bakit nakalukot 'yang mukha mo?" Muntikan na akong mapatalon sa gulat dahil may nagsalita sa harapan ko.

Gulat kong tinignan si Mireille na nakataas ang kilay habang naka-cross ang mga braso. Napabuntong-hininga ako habang tinignan siya.

"Hindi kasi ako makalakad, tapos may group project kami today. Anong gagawin ko? Malayo pa naman 'yung meet-up place namin," problemado kong sabi.

Echoes Of Vanth AcademyWhere stories live. Discover now