Euphrasia.
Malakas akong napabutong hininga habang pinagmamasdan ang invitation sa card.
Magic duel games na naman? This time, lahat kami pupunta. Ito pala yung event na inaasikaso nina Love at Dely.
"Ayoko na manood," mahinang bulong ko.
"Parang kailan lang nagpupumilit kang sumama sa akin tapos ngayon ayaw mo na?" nakangisi na tanong ni Zon.
Inirapan ko naman siya. Hindi ko rin alam e, bigla na lang akong napapagod. Hindi naman ako nag-training o nagpuyat, pero parang binugbog yung buong katawan ko.
"You're the Vice President, for sure hindi sasama si Storm, kaya ikaw ang papalit sa kaniya," seryosong sabi ni Delythena.
Napanguso naman ako. Oo nga pala, hindi pala sumasama si Storm sa mga ganitong events, baka dumugin siya ng kaniyang mga fans doon.
"Teka..."
Napatingin ako kay Delythena nang bigla siyang magsalita. Napakunot ang noo ko habang tinitignan siya, napangiwi ito na parang nagtataka.
"Namumutla ka!"
Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya, pati si Zon ay napatigil sa pagbabasa ng libro niya. Mabilis na lumapit sina Alex at Kiyoshi sa akin.
"Shit! Ling, anong nangyari sa iyo?" Nagpa-panic na tanong ni Alex.
Umiling-iling naman ako, "W-wala!"
"Wala bang nangyari sa iyo nung nasa mission kayo ni Kuya?" Nag-aalalang tanong ni Delythena.
Umiling-iling naman ako, "Wala naman."
"Anong nararamdaman mo?" Nilapitan ako ni Lore, napakagat labi naman ako habang pinagmamasdan silang lahat na nakatitig sa akin.
"What's happening here- Ling? Shit, ano na naman ang nangyari?" Nag-panic na sabi ni Rav.
"Teka nga- Tabi!"
Sita ni Lovereign sakanila, kaya mabilis silang umalis sa harapan ko.
She held her palm in front of my face, her brow furrowing as she scrutinized me. I saw her eyes turn emerald, and a green light emanated from her palm.
"What the hell? Rav, your powers are messing with her body," bulalas ni Lovereign.
Nagulat ako sa sinabi niya, pati silang lahat ay nagulat rin sa sinabi ni Lovereign. What? Paano nangyari iyon?
"What?" Kunot-noong tanong ni Rav.
"Eh ikaw naman pala eh, tarantado ka!" nanlaki ang mata ko ng kwenilyohan ni Lore kay Rav.
"Baliw ka na ba? Do you fucking think that I'll fucking hurt her? I'd rather die!" Sigaw ni Rav sa kanya.
"Then why are your stupid fucking abilities on her body?! May balak ka bang patayin siya?" Galit na sabi ni Lore sa kanya.
"Ano ba! Tama na nga 'yan," pang-aawat ni Delythena sa kanila.
Nagpalipat-lipat ako ng tingin sa kanilang dalawa. Gusto kong sigawan sila. Gusto kong pag sasapakin at suntukin ang mga mukha nila, mga tarantado, nag-away pa talaga!
If only I could, pero nanghihina ako at hindi ko alam kung bakit! Parang naubos ang lahat ng dugo ko.
Bwesit!
"Mag-isip ka nga! I was in the fucking training room with Mireille at Light the whole time. At sa tingin mo talaga magagawa ko 'yun sa kanya?!" Inis na sigaw ni Rav.
Mga tarantado, ang sarap nilang sapakin.
"Stop it, both of you," pang-aawat ni Zon sa kanila.
"Ling was on a mission yesterday, so there's no way Rav could have done that. Besides, he can't hurt her. And Rav, calm down. Lore's just concerned! you're all acting like children." pangangaral nito.
YOU ARE READING
Echoes Of Vanth Academy
FantasyOnce a rough gangster school, Vanth Academy is now a haven for talented students. Corrine Narhiara, known for her beauty and extraordinary abilities, serves as the Academy's vice president. Surrounded by supportive friends and family who cherish her...