Mireille
Red curly hair, with emerald eyes.
KIYOSHI"Kiyoshi!" Napahinto ako sa pagtakbo nang marinig ko ang malakas na sigaw ni Lovereign. Napakunot ang noo ko at bumaling sa kanya.
Itinuro niya ang langit kaya mas lalo akong nagtaka. "Look up! Look up!" sigaw niya kaya napatingala ako.
Halos mahulog ang panga ko. Ano 'yan?! Holy-shit, purple lightning at purple clouds? Anak ng pating! Anong gagawin ni Storm?
Is he going to strike that lightning sa buong Azreth?
Mabuti na lang at napalikas na namin lahat ng tao at nailigtas pa si Cadi na siya ang dahilan kung bakit nagising kaming lahat. Kung hindi, baka nabihag na kami ng mga unggoy na Sadentia.
"Guys! Help us here!" Sigaw si Mireille habang sakay ng guardian ni Light papalapit sa amin.
Kanina ko pa sila hinahanap ni Delythena dahil pareho silang nawala. Hindi man lang kami tinulungan dito, bwesit talaga-nauubos na ang energy ko, hindi man lang ako nakapagpahinga.
"Nakita namin ni Dely yung mga babaeng nakidnap at yung mga bata," hingal na sabi niya.
"What?" Lumapit sa amin si Lore at Lovereign.
"That's why I'm asking for help. Ang daming injured sa kanila. Help us!" nangingiyak na sabi nito.
Nagkatinginan kami ni Lore at Lovereign dahil sa sinabi niya. Oh crap! Akala ko makakapagpahinga na ako pero hindi pala. Pambihira naman oh!
Paubos na nga ang energy ko, hindi pa pala tapos. Akala ko ito ang pinakamadaling mission pero mukhang nagkakamali ako, tch!
Nanghihina na ako sa sobrang dami ng abilities na ginamit ko, isama mo pa yung mga unggoy na Sadentia na ngayon lang namin naubos.
Ang dami pala talaga nila. Sobrang hirap ilikas ang mga tao dahil umeepal sila. Ang dami ding nasaktan dahil sa pinaggagawa nila. Nasira na lahat ng mga bahay dahil sa kidlat ni Storm na tumatama kahit saan kaya mas lalo kaming nahirapan.
Bwesit talaga yang si Storm!
Is he really planning to kill us here? Haist!
This is a big problem. Kaya pa ba namin ilikas ang mga 'yun? Storm is going to strike a massive lightning!
Yung apat hanggang ngayon ay hindi pa rin nakakabalik. Kasama nila ang prinsesa. Apat na sila pero bakit ang tagal naman ata? Nakakapagtaka lang, malalakas silang lahat na nandoon, pero bakit parang ang tagal naman?
What the hell is happening there?
Sobrang lakas ng kulog. I hope Ling is alright...
She will be crying like a baby for sure, pero hindi na ako dapat mag-alala. Alex is with them. I'm sure he won't let Ling cry. Ayaw na ayaw namin na umiiyak siya.
YOU ARE READING
Echoes Of Vanth Academy
FantasyOnce a rough gangster school, Vanth Academy is now a haven for talented students. Corrine Narhiara, known for her beauty and extraordinary abilities, serves as the Academy's vice president. Surrounded by supportive friends and family who cherish her...