12

819 22 0
                                    

Euphrasia.

Three weeks have passed, and I think Malui is getting used to her surroundings. Hanggang ngayon, wala pa rin siyang kakaibang ginagawa, inosente lang talaga siya at medyo weirdo dahil sa kakaiba ang pananalita niya minsan na hindi ko maintindihan.

Zon is still keeping an eye on her, though, and I can't blame him, he's is just protecting the whole elite group.

Ofcourse, ayaw niya ng may mawala ulit..

Classes ended early today dahil abala ang lahat ng mga guro ngayon sa kanilang mga meetings, including the headmaster. Mabuti na lang at walang ibinigay na mga paperworks sa amin ngayon dahil gusto kong magpahinga.

At speaking of pahinga, umuulan na naman. Hindi ko alam kung ano ang nangyayari sa isla na ito, puro reklamo na ang mga estudyante at wala na silang magawa kundi mag-kulong at maglaro ng kanilang mga cell phone dahil hindi sila makagala sa labas dahil sa lakas ng ulan.

Alas dose na ng tanghali pero sobrang lamig pa rin. Pagpasok ko sa base, agad kong tinanggal ang mask na suot ko. Nakita ko sina Light at Zon sa kusina na nagkakape. Si Light ay nagbabasa na naman ng kanyang libro habang busy naman si Zon sa kanyang laptop.

"Malakas pa ba ang ulan sa labas?" tanong ni Zon nang makalapit ako sa kanila.

"Oo," tipid kong sagot habang binubuksan ang ref. "Anong niluto ni Manang?" tanong ko.

"Spicy chicken barbecue, hindi ka pa ba kumakain?" tanong ni Light. Umiling lang ako.

"Hindi pa, saan ba dito?" tanong ko habang tinitingnan ang ref na puno ng Tupperware, sa sobrang dami hindi ko na mahanap, ano bang nilalagay ng mga chanak nato sa ref?.

"Yung kulay yellow," sagot ni Light. Kinuha ko agad ito at inilagay sa mesa, kaya napakunot ang noo niya at bumaling sa akin.

"Painitin mo yan, magbibihis lang ako," utos ko, na ikinasama ng timpla ng mukha niya.

Nagtaas ako ng kilay sa kanya, kaya napabutong hininga na lang siya at isinara ang libro niya. "Fine," pagsuko niya.

I heard Zon chuckled na mukhang tuwang-tuwa sa ginawa ko, kahit na nakaharap pa din siya sa laptop niya.

"Daanan mo si Storm sa Training room, ayain mong kumain," utos ni Zon na ikinairap ko.

Nautusan panga.

"Teka..." napahinto ako nang mapansin ko na wala si Malui dito.

Napatingin silang dalawa sa akin."Si Malui? Hindi pa ba nakauwi?"

Umiling-iling naman si Zon, habang ibinalik ni Light ang kanyang atensyon sa kawali.

"She's sleeping, wag ka mag-aalala, pinakain na siya ni Light," nakangiti niyang sabi at sinipsip ang kanyang kape.

"Ulol!"

Napailing-iling na lang ako at iniwan sila doon. Pag-akyat ko sa taas, para akong estatwa nang maramdaman ko ulit ang kakaibang enerhiya. What the hell is that?.

Si Malui...

Agad kong binuksan ang kwarto niya, dahil parang nararamdaman ko ito. I saw her sleeping peacefully, yakap-yakap ang unan niya.

Pumasok ako ng kwarto at mahinang binuksan ang glass door para pumunta sa balcony niya. Mabilis tumibok ang puso ko habang pinagmamasdan ang paligid, pero wala namang nahagilap ang mata ko.

Tanging ingay lang ng ulan ang naririnig ko. Nawala na rin ang enerhiya na naramdaman ko. What is it this time?

Sadentia?

Echoes Of Vanth AcademyWhere stories live. Discover now