Euphrasia.
Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko. Bumungad sa akin ang hindi pamilyar na kwarto na gawa sa kahoy. Nasaan ako?
I passed out...
Napahawak ako sa ulo ko. Na-trigger ang phobia ko at wala akong nagawa kundi umiyak. Andoon si Storm, pinakalma niya ako at pagkatapos ay nawalan ako ng malay. Yun ang huling naaalala ko.
Shit-anong ginawa ko?!
"Ling!" Halos mapatalon ako sa gulat nang bigla na lang sumigaw si Kiyoshi.
"You're awake?!"
Napairap naman ako. "Hindi, Kiyoshi. Tulog pa ako. Kita mo namang nakabukas ang mata ko, magtatanong ka pa." Iritadong sabi ko.
Napanguso naman siya. "Eh nagtatanong lang naman, eh bakit ka galit?"
I rolled my eyes at him. Tinignan ko yung benda niya sa ulo. "Nauntog ka?" tanong ko.
Tumango naman siya kaya tumawa ako ng malakas. "Nauntog ka? For real, deserve."
Sinamaan niya ako ng tingin dahil sa sinabi ko. "Bastos ka talaga! Kahit kailan, maldita! Nyenye-aray!"
For the second time, nauntog na naman siya dahil binuksan ni Mirielle yung pinto kung saan siya nakatayo.
Nanlaki ang mata nito nang makita ako at mabilis na tumakbo papalapit sa akin at niyakap ako ng mahigpit.
"Ling! Ling! You're awake!" Masayang sabi nito.
Napangiwi naman ako-tangina! Hindi ako makahinga...
"M-Mirielle, you're choking me!" Reklamo ko kaya mabilis itong kumalas mula sa pagkakayakap sa akin.
"Sorry, nadala lang. Alalang-alala ako sa'yo," aniya at ngumiti lang ako.
Napasulyap naman ako kay Kiyoshi na hawak-hawak ang ulo niya at parang namimilipit sa sakit kaya natawa ako.
"Ayan kasi, tanga," natatawang sabi ko at sinamaan niya ako ng tingin.
"Buwisit ka, Malui!" Inis na turan nito. "Ha? Inaano ba kita?" nakakunot ang noong tanong ni Mirielle na walang kaalam-alam sa ginawa niya kanina.
"Nauntog ulit ako kasi binuksan mo yung pinto, buwisit ka!" singhal nito.
"Sino bang nag-utos sa'yo na tumayo ka diyan?" natatawang sabi ko. "Ayan, deserve mo yan."
"Ling?"
Pumasok si Zon at si Light, kasunod si Rav na may benda sa braso niya.
"What the hell happened to you?" tanong ko sa kanya at umiling-iling naman siya.
"Tch, wala 'to," parang ewan na sagot ni Rav.
Bumaling ako kay Light. "Ikaw, napano ka?"
"Nadapa 'yan. Hahaha, deserve," pang-eepal ni Kiyoshi.
"At least hindi ako nauntog."
Napabuntong-hininga na lang ako. "Is everything alright? I mean, yung mission? Nasaan tayo?" tanong ko.
"We're here at Azreth's rest house. Dinala tayo ng prinsesa dito. Ahmm, Azreth is gone," seryosong sabi ni Zon. Napakunot naman ang noo ko.
"Azreth is gone?"
"Yeah, Storm erased the Village of Azreth," napaawang naman ang labi ko sa sinabi niya. "He did what?"
"He did," Light chuckles.
"He did?" pag-uulit ko.
"Yeah, he did."
Lumapit si Light sa akin at umupo sa gilid ng kama. "How are you, Ling? Hmm?"
YOU ARE READING
Echoes Of Vanth Academy
FantasyOnce a rough gangster school, Vanth Academy is now a haven for talented students. Corrine Narhiara, known for her beauty and extraordinary abilities, serves as the Academy's vice president. Surrounded by supportive friends and family who cherish her...