08

835 16 3
                                    

A/N: I apologize to everyone reading this before I update this chapter. You might have been confused by the previous chapters regarding Keon. Sobrang sabog ko nun habang sinusulat ang chapters na yun, I didn't notice that they had switched roles— which is it  should have been for Lurk all along. Anyways, I've edited everything, so no worries. I'm sorry again. Happy Reading.

-PAST-
BAZAAR SAINT NOIRE TRAINING FACILITY
(Mansion, where the elite lives)
Euphrasia.

Dalawang linggo na ang lumipas at sa wakas ay magaling na ang paa ko. Nakakalakad na ako ng maayos at bumalik na rin ako sa original na schedule ko. Nakakatamad pala mag home class dahil sobrang boring dahil wala kang makausap maliban sa tutor mo.

"Hoy!" Narinig kong boses ni Kiyoshi sa likod ko kaya napalingon ako sa kanya. "Ano?" tanong ko na medyo naiinis. Kumunot ang noo niya.

"Ebarg ka, hindi pa kita inaasar naiinis ka na agad. Partida, sinabi ko lang 'Hoy', galit ka na agad" reklamo niya.

"Hindi ako galit, okay? At hindi kita maintindihan, anong sinabi mo? Ebag?" Kunot-noong tanong ko na ikinatawa niya.

"Huh?" Siya naman ngayon ang nagtataka, tinaasan ko siya ng kilay.

"Anong ebag teh? Ang sabi ko, ebarg! E-barg!" Aniya, binigyang-diin pa niya ang ebarg. "Ano yung ebarg?" awkward na tanong ko.

"Tanga ka talaga, ebarg ay grabe na binaliktad," nakapamewang na sabi niya. Napatango-tango na lang ako. Bakit kailangan pang baliktarin?.

Seriously, hindi ko talaga sila maintindihan why do people loves to create weird languages.

"Teka..." Napahinto ako nang mahagilap ng mata ko si Zon na parang galit at may susugurin.

"Si Zon yun ah..." Siya na ang nagtuloy ng sasabihin ko, nanlaki ang mga mata naming dalawa at nagkatinginan. Mabilis kaming tumakbo papunta sa pinasukan na room ni Zon, Bawal kasi kaming gumamit ng abilities dito.

Teka nga.... Diba room yun ni Rav?

"Hahaha ano na Rav? Totoo naman talaga hindi ka totoong Sylvesteir."

Sumilip kaming dalawa ni Kiyoshi sa labas ng kwarto. Hindi kasi masyadong nakasara yung pinto pero parang nakaramdam ako ng inis sa narinig ko.

"Say that again, and I'll fucking break your bones" banta ni Zon. Ib-break mo na ngayon din!.

"Come on, Zon! Alam naman natin ang totoo, he's just a fake Sylvesteir. Hindi mo nga deserve maging isa sa elites eh" kinuyom ko ang kamao ko. How dare him bully Rav? Ang kapal naman ng mukha niya mas makapal pa sa encyclopedia.

"Hahaha" nagtawanan sila.

"Fake! Fake! Fake!"

Mama mo fake! Ulol.

"Zon!" Rav shouted, nanlaki ang mata ko nang suntukin ni Zon yung batang lalaki na parang bad boy na adik. Yeah, he's ugly! Like ew, deserve niya masuntok.

"Zon, stop it! Let him be. You won't gain anything from him" Narinig kong sabi ni Rav. Minsan, nakakainis din itong si Rav eh, ayaw na ayaw niya talaga sa gulo, kaya yung mga pangit na bully niya ayaw siya tantanan dahil akala nila mahina lang si Rav, but I can't blame him. He grew up in Switzerland, a peaceful country with disciplined people.

The bully seemed to get angry. I saw one of them grab a bat without Zon noticing. My eyes widened and Kiyoshi and I quickly pushed the door open.

"Stop!" I shouted. Akmang ipapalo niya iyon kay Zon pero mabilis na pinigilan ni Kiyoshi iyon, using his abilities. Kusang naglakad ang paa ko papunta sa lider nila. Alam kong nagulat sila kung bakit kami nandito. "Hoy!" I shouted at him.

Echoes Of Vanth AcademyWhere stories live. Discover now