Euphrasia.
"Geez, sobrang daming students dito," naririnig kong sabi ni Kiyoshi.
"Well, this is a magic games, inaabangan ng lahat, once a month lang ito kaya halos lahat ng students bumili ng tickets para dito," sagot ni Delythena sa kanya.
Inayos ko ang suot kong mask at itinuon ang atensyon sa malalaking television screen.
"How many participants will be joining in the magic games?" tanong ko.
"Around 200 students, I think," sagot ni Delythena na katabi ko.
"But mostly of the people reasons, because we are invited, kung tutuusin tayo lang naman ang dahilan kung bakit sobrang dami ng students ang nandito ngayon," paglilinaw niya.
Napairap naman ako, "Paano mo nasabi?"
Tinuro niya yung mga students na may dalang mga banners na may nakaukit na 'elites', halos lahat ng tao ay nakatingin sa direksyon namin. Bumalik ang tingin ko sa kanila at tinaasan niya naman ako ng kilay.
"See?"
Napailing-iling nalang ako sa sinabi niya.
Halos mabingi ang tenga ko dahil sa malakas na hiyawan ng lahat. Napasinghap ako nang maramdaman ko ang pamilyar na presensya, nanlaki naman ang mga mata ko.
"Si Storm, he's here..."
Napalingon silang lahat sa akin dahil sa sinabi ko. I'm sure of it! That was Storm's presence, and that's why the crowd went wild.
"Storm? Hindi pupunta 'yun," nagtataka si Alex.
"Anong hindi? Eh 'yun na nga oh!" turo ni Delythena sa kanila.
Kiyoshi and Alex looked at me with a strange look, "Alam mo, simula bata pa lang tayo, ikaw lang ang nakaramdam ng presensya niya."
"Storm's presence is hard to sense, because he's hiding it from everyone, but seems like you sense his presence immediately. That's really cool," nakangisi na komento ni Delythena.
Napairap naman ako. "Tumahimik ka nga."
"What? Totoo naman, even Zon and Aurora couldn't," dagdag niya pero hindi ko siya pinansin.
Napadako ang tingin ko sa direksyon ni Storm na naglalakad papunta sa amin. Why is he even here? Akala ko may importanteng meeting siya at hindi siya pupunta?
My eyes met with his cold ash grey orbs, seryoso siyang nakatingin sa akin na parang chinecheck niya ako kaya napakunot ang noo ko.
Mas lalong lumakas ang hiyawan ng buong students dahil sa pagdating niya. Girls started to scream loudly chanting his name.
"Storm, marry me!"
"Storm, ang pogi mo!"
"Storm, ang hot mo! Shit!"
"Waaa, daddy Storm is here!"
"Storm, buntisin mo ako!"
Nanlaki naman ang mata ko dahil sa narinig. Palihim akong natawa dahil doon. Buntisin talaga? Parang ewan eh.
Napasinghap ng tumabi si Storm sa akin kaya nasa amin ang atensyon ng buong paligid.
"Tarantado, grand magic games 'to, at hindi kami ang titignan dito kung hindi games!"
"Akala ko ba, may important meeting ka?" tanong ko sa kanya.
At isapa, he's not really fun of watching games. Ngayon palang siya unattended ng grand magic games. Dati kasi, lahat ng invitations sa kanya ay dinecline niya, kaya ako ang sumasalo nun.
YOU ARE READING
Echoes Of Vanth Academy
FantasyOnce a rough gangster school, Vanth Academy is now a haven for talented students. Corrine Narhiara, known for her beauty and extraordinary abilities, serves as the Academy's vice president. Surrounded by supportive friends and family who cherish her...