42

903 25 7
                                    

Euphrasia.

Gusto kong maiyak dahil hindi ako kinakausap ni Storm. Gabi na nang makarating kami dito kaya diretso pahinga na kaagad kami. Napangiti ako habang pinagmamasdan ang kwarto ko. I miss this room!

Napatayo ako mula sa pagkakahiga nang biglang may kumatok sa pinto.

"Your Highness, it's breakfast time. Please join them in the dining hall for a meal to start the day," narinig kong sinabi ng kung sino. Hindi ko alam kung kaninong boses iyon, pero ang alam ko ay isa siya sa mga tauhan ni Daddy. Bata pa ako nung nandito ako kaya hindi ko kilala ang mga bagong tauhan ni Daddy.

"Coming!" I shouted.

Tumayo naman ako kaagad at inayos ang sarili ko. Tinignan ko ang suot kong damit: oversized t-shirt and shorts. Wala na akong balak magpalit dahil tinatamad ako. Ano naman kung ganito ang suot ko? Bahay namin ito kaya ako ang masusunod.

Mabilis akong lumabas ng kwarto ko, pero napilitan naman agad ng kaba ang nararamdaman ko nang madatnan ko si Storm palabas ng kwarto niya. Nagdilim ang mukha niya habang nakatingin sa akin.

"What on earth are you wearing? Do you really think I'll allow you to flaunt yourself like that in front of everyone? Turn around and get back to your room before I lose my patience!"

Parang umurong paatras ang dalawang paa ko dahil sa sinabi niya. Ilang beses akong napalunok at walang pasabi akong tumakbo pabalik sa kwarto ko.

Kainis naman, bahay ko ito pero siya pa rin yung boss!

Inis kong hinubad ang oversized t-shirt ko. Baka gusto niya mag-pajama na lang ako?

Tanging shorts at bra ko na lang ang natira. Napadako ang tingin ko sa dibdib ko. Ito ba yung sinasabi niyang maliit? Ang laki nga nito. Sira ba mata niya? Tsk!

Hindi na ako pumunta sa closet room. Kinuha ko yung red dress na naka-hanger sa gilid dahil tinatamad ako. Napakunot ang noo ko dahil biglang bumukas ang pinto at iniluwa nito si Storm na nakakunot ang noo.

Dumako ang tingin niya sa dibdib ko kaya mabilis ko itong tinakpan. Mabuti na lang talaga may bra ako. Nakita ko pa ang pag-lunok niya. Tinaasan ko siya ng kilay.

"What are you looking at? Gusto mo ba dumede?" Nakangisi kong tanong.

Narinig kong ilang beses siyang napamura at mabilis na lumabas, sinira ang pinto. Pero bago siya umalis, sinamaan niya muna ako ng tingin.

Napabutong hininga naman ako at mabilis na sinuot ang red fitted dress ko na hanggang tuhod.

I fixed my hair at lumabas ng kwarto. I sensed some familiar presence in the balcony kaya napakunot ang noo ko. Hindi ba siya kakain?

"Storm?"

Pagpasok ko sa may balcony ay bumungad sa akin si Storm. He was holding a cigarette, leaning casually against the railing. My eyes immediately drank in the sight of him, every detail etching itself into my mind. The cigarette dangled between his fingers, a trail of smoke curling up into the air. His hair was tousled from the wind. I couldn't help but swallow hard and bite my lip as I stared at him.

"You smoke?" mahinang tanong ko.

Pinagmasdan ko siya ulit. His black shirt was unbuttoned, revealing the sculpted lines of his chest and abs. Each muscle seemed to invite my touch. Now, his eyes were fixed on me, dark and smoldering with desire, like a predator eyeing its prey.

"Sometimes, when I'm stressed."

Napakunot naman ang noo ko. "Stress? Stress ka ba?"

He looked at me with a cold gaze. I sighed. He's still mad at me after all.

Echoes Of Vanth AcademyWhere stories live. Discover now