46

1K 21 20
                                    

Euphrasia.

"Ling, is everything alright?"

Mabilis naman akong nag-angat ng tingin nang magsalita si Light sa harapan ko.

Alright?

Shouldn't I be happy? I finally did it-I managed to control the emotions of the people around me. Before, just one look from me could break their spirits, and I was always terrified of hurting them because of who I was. But now, here I am, standing among them, speaking freely-no longer worried about what might happen to them.

Shouldn't I feel joy, knowing that I am finally free? That at last, I've crossed the boundaries I once thought I could never overcome? Over those walls, I am free.

Shouldn't I be relieved that I can finally control myself? That I no longer have to hide behind masks, no longer need to conceal the parts of myself I once feared? I should be happy that I've managed to do it-that I can face them without fear, without hesitation.

You're free...

You're free from the chains of your cursed abilities.

Inilibot ko ang tingin ko sa buong paligid ko. Everyone is busy; even my parents are talking with the other guests. Kanina pa ako wala sa sarili dahil hindi mawala sa isipan ko ang nangyari kanina.

"I'm okay," nakatinging sagot ko sa kanya at sumulyap sa gawi ni Storm.

Halos magkadikit na ang dalawang kilay nito habang kausap ang ibang bisita. Alam kong kanina pa siya naiinis dahil sa mga kausap niya, pero wala siyang magagawa.

"Okay? Eh kanina pa kaya wala sa sarili, tapos sasabihin mong okay ka? Yung totoo?" narinig ko ang boses ni Delythena sa likuran ko.

Inilapag niya ang ilang dessert sa table habang si Kiyoshi at ang iba naman ay lumalalamon sa may chocolates area.

"Okay nga lang ako. May iniisip lang," seryosong sabi ko.

"Iniisip?" taas-kilay na tanong niya. "Ano naman ang iniisip mo?"

Umiling-iling naman ako. "Basta!"

Napabutong hininga na lang siya at umupo sa tabi ko. "Alam mo, it's your chance to enjoy dahil after this, babalik na ulit tayo sa Academy. At isa pa, hindi ka magugulo ng kapatid ko ngayon dahil sa business matter na pinag-uusapan nila, so you're free. Have some fun."

"Sobrang busy niya naman ata at hindi niya man lang ako kinausap," mahinang bulong ko na narinig nilang lahat.

Mahina namang nagtawanan si Light at Zon, kaya sinamaan ko sila ng tingin.

"Gusto lang pala magpalambing, eh," pang-aasar ng bruhang Delythena.

"Palambing? What the hell? Hindi noh!" depensa ko. "Bahala siya sa buhay niya!" dagdag ko.

"Talaga lang, huh?" nakangisi na sabi ni Dely. "Look oh, there's a lot of girls na nakapalibot sa kanya."

Tumaas naman ang kilay ko. "Ano naman?"

"I'm not threatened," dagdag ko. "Because why would I? They can pay attention to him all they want."

Hindi maipinta ang mukha ni Delythena sa sinabi ko. "Unbothered daw? Pero yung mukha halata naman na nagse-selos, diba?" tanong niya pa kila Light.

"Anong selos? Of course not! Bakit naman ako magse-selos?" depensa ko.

"Ay pota, gwapo," Delythena mouthed, kaya napakunot ang noo ko. Hindi siya sa akin nakatingin kundi nasa likuran ko.

"Ano?"

"Ling, may poging papalapit sa atin, omg!" kinikilig na sabi niya pa.

"Anak ka ng pating, gwapo ba 'yan? Mukha nga yang espasol," narinig kong bulong ni Lovereign.

Echoes Of Vanth AcademyWhere stories live. Discover now