21

821 18 7
                                    

Euphrasia.

Unti-unti kong minulat ang mga mata ko. Mabilis akong napabangon nang maramdaman ko ang pananakit ng tiyan at ulo ko.

Shit, kung minamalas ka nga naman, nilagnat na naman ako dahil sa sobrang pagod. Hindi na nakakapagtaka, expected ko na na mangyayari ito.

Gabi na nang makarating kami dito, hindi na nga ako nakapagpalit ng damit dala ng sobrang pagod.

Inis akong napilitang pumunta sa closet at magpalit ng damit. Napahawak ako sa ulo ko nang maramdaman ang pananakit nito. Eurgh! Ang malas talaga.

Kaagad kong kinuha ang phone ko at tinext si Kiyoshi para bumili ng gamot.

To: Bansot

Ibili mo nga ako ng paracetamol, bilisan mo.

Kaagad naman akong nakatanggap ng reply sa kanya kaya inis akong napamura nang makita ang mensahe niya.

From: Bansot

Hahaha, nilagnat ka? Deserve.

To: Bansot

Isusumbong kita kay Zon, tanginaka.

From: Bansot

Joke, ito na bibili na.

This is the reason why Tito Lurk never allowed me to do combat and physical trainings. Since I was a kid, mahina na talaga ang katawan ko. Kapag napagod ako nang husto, magkakaroon ako ng headache and fever.

I get tired easily but it doesn't matter. Kahit sobrang hina ng katawan ko, iba naman ang kapangyarihan ko. Dahil overpowered, ika nga nila. Having a weak body doesn't mean magpapa-api ako.

Hell no!

Never!

Kay Storm nga ayoko magpatalo, sa iba pa kaya?

Minutes later, I heard knocks on my door. Alam kong si Kiyoshi kaya mabilis akong tumayo at binuksan iyon.

Hingal-hingal niyang inabot sa akin yung cellophane at isang mineral water.

"Thanks," tinatamad na sabi ko.

"Okay ka lang? You look so pale," aniya habang naghahabol ng hininga.

"Gusto mo bang dalhin na lang kita sa clinic?" tanong niya. Umiling-iling naman ako.

"It's just a fever dahil sa sobrang pagod. You know me," seryosong sabi ko. "Don't worry, gagaling ako bukas," dagdag ko.

Napabuntong-hininga naman siya. "Yung pool party?"

Oh, shoot! I almost forgot about the pool party. Dahil sobrang OA ni Tito Lurk at gusto niyang magpa-party, kailangan may ma-invite kami na hindi kasali sa elites. Dahil kapag hindi, punishment ang matatanggap.

Paano ko gagawin yun, eh halos hindi na nga ako lumalabas sa base. Wala akong kaibigan, putcha!

"Oh, about that..." Yun lang ang lumabas sa bibig ko at pilit na ngumiti. "Sasama pa din naman ako dahil gagaling na ako bukas," seryosong sabi ko.

"Sure ka bang okay ka lang talaga?" tanong niya. Tumango naman ako.

"Yup, sige na. Alam kong may training ka pa, shoo! Alis na," pagtataboy ko sa kanya kaya napilitan siyang umalis.

"Basta, just call us kapag hindi mo na kaya ha," ginulo niya ang buhok ko.

I nod. "Right, alis na!"

Nang makaalis na ito, malalim akong napabuntong-hininga at hinawakan ang noo ko. Halos mapamura ako nang maramdaman ang init sa noo ko kaya mabilis akong uminom ng gamot.

Echoes Of Vanth AcademyWhere stories live. Discover now