Euphrasia.
Napabuntong-hininga ako habang naglalakad sa buong hallway. Kakatapos lang ng klase ko, at hanggang ngayon ay naghahanap pa rin ako ng taong dadalhin para sa party bukas. Kung pwede lang sana i-invite ang kaklase ko, pero invited na sila kaagad. Basta may kaklase kang isang Elite sa isang classroom, invited ka na agad sa mga party gathering kaya tuwang-tuwa ang mga asungot na kaklase ko.
I bit my lip. Sino bang gustong lumapit sa akin sa itsura kong ito? Naka-full mask at uniform, di ba ang baduy? Kung hindi lang talaga ako kasali sa Elites, baka na-bully na ako dahil sa ka-weirdohan ko.
Tche, subukan lang nilang i-bully ako. Hindi ako magkakamaling tanggalin ito.
Napasinghap ako nang makita ang isang lalaking patakbo sa direksyon ko. Napakunot ang noo ko nang makita siya. Nanlaki ang mata ko at napasigaw nang bigla niya akong mabangga dahil sa pagmamadali niya, dahilan para tumalsik ako at madapa.
Napapikit ako nang maramdaman ang sakit sa puwetan ko sa pagtama sa semento. Bwesit! Yung mask ko-
"Miss? Are you oka-" hindi siya natapos sa pagsasalita nang makita ako, at kita ko ang gulat sa mukha nito. Naramdaman ko ang paghina ng enerhiya niya sa katawan na hindi ko din alam kung saan ko nakuha ang abilidad na ito.
"Ang ganda mo," bulalas niya.
My ability is affecting him and making him weaker. Ngayon ko lang siya nakita at mukhang baguhan pa lamang siya, pero hindi siya naging bato?
Inis ko siyang tinignan. "Mukha ba akong okay?"
Napakamot siya sa ulo niya at tinulungan akong tumayo. "Pasensya na, may humahabol kasi sa akin kanina," pagpaumanhin niya.
Napakunot naman ang noo ko. "Humahabol?" I chuckled. "Sino naman ang humahabol sa'yo?"
"Ah, mga bullies. Newcomer kasi ako pero napansin kong umalis sila nang mabangga kita," aniya.
Of course, as they should. Baka nga naihi na 'yun sa takot dahil muntik na nilang makita ang mukha ko.
"Ah," yun lang ang lumabas sa bibig ko. I glanced at him from head to toe, napansin kong cutie pala itong lalaking nakabangga sa akin.
"Sorry talaga, pero salamat. Niligtas mo ako," nakangiting sabi niya, pero sinamaan ko lang siya ng tingin at inayos ang mask ko.
"You're the Vice President, right? The only princess of Narhiara?" tanong niya. Tumango naman ako.
"I'm Worth," pakilala niya. Napakunot ang noo ko, gusto kong matawa sa narinig ko.
"Worth? Your name is Worth?"
Tumango-tango naman siya. "Worthless Akie Sovesha."
Humagalpak ako ng tawa kaya mabilis itong nag-iwas ng tingin.
"Sorry about that," I said seriously. "Hindi ko mapigilang matawa, your name is such a cutie."
"S-salamat, pero sa tingin ko ay tigilan mo na iyan dahil nanghihina na ako sa ginagawa mo," seryosong sabi niya.
"You know how to control your affection or did you control your energy nang makita ako?" tanong ko. Umiling-iling naman siya.
"My ability is emotion. I could feel people's emotions and able to control my own emotions too, pero masyadong makapangyarihan ang abilidad mo at nanghihina na ako ngayon pa lang," paliwanag niya kaya napaisip ako.
Hmm, but still I can turn him into stone dahil nasa ilalim na siya ng kapangyarihan ko.
"Uhm, Worth..."
YOU ARE READING
Echoes Of Vanth Academy
FantasyOnce a rough gangster school, Vanth Academy is now a haven for talented students. Corrine Narhiara, known for her beauty and extraordinary abilities, serves as the Academy's vice president. Surrounded by supportive friends and family who cherish her...