Delythena.
Maaga akong nagising dahil sa panunuyo ng lalamunan ko kaya naisipan kong bumaba muna, kahit tinatamad pa talaga ako. Wala naman akong choice dahil parang wala nang boses ang lumalabas sa bibig ko.
Pagdating ko sa baba, bumungad sa akin na yung dalawa na kumakain sa may kitchen island. Napaawang ang labi ko habang pinagmamasdan sila.
My brother is freaking feeding her up while she's watching her phone. The way my older brother looks at Ling is different-it was soft and gentle. Sobrang kabaliktaran kung paano niya kami tinitingnan. Isang tingin lang niya sayo, matatakot ka na dahil sobrang lamig ng mga mata niya at napakaintimidating.
Napangiwi naman ako. He looks really calm when he's with her, na parang napapakalma talaga siya ng kaibigan ko. But how come? Mireille is supposed to be his mate, isn't she? I closed my eyes tightly.
Alam ko nang napansin na ni Kuya ang presensya ko dahil sumulyap siya kanina at ngumiti lang ako.
My vision went red. I scanned the both of them. Hindi pa talaga ako marunong dito. Sa mommy ko ito ang unang abilities niya na naging active. Ako naman ito ang hindi ko magawa ng tama.
My vision is still blurry pero sapat na iyon para makita ko. Mabilis akong napamulat dahil sa nakita ko.
Bakit ganito?
Tangina?!
Paano naging linked ang souls nila? Don't tell me...
My asshole older brother marked her?
"Dely?"
Muntik na akong mapatalon sa gulat ng may magsalita sa gilid ko. It was Mireille na kakagising lang, still wearing her pajamas. Napansin ko rin na nakatingin na sa amin sila Ling ngayon.
"Nandiyan ka pala?" Gulat na tanong ko. I didn't see her in my vision.
"Kanina pa. Bakit nakatingin ka lang sa kanila?" Seryosong tanong niya, kaya mas lalong kumunot ang noo ko.
So, she's here nung ginamit ko ang vision ko pero hindi ko nakita ang katawan niya na nasa gilid ko lang? Is that because I'm still not good at doing it?
My vision has an ability to see people's body inside. Nakita ko kung naka-connect ang soul nilang dalawa dahil sa kulay na straight line sa katawan nila. But I don't really see souls. That's not my abilities."
"Yo, aga niyo naman nagising," narinig namin ang boses ni Kiyoshi na papalapit dito.
He's still wearing a black shirt. At inaamin ko, kahit loko-loko siya, he's handsome and tall. Siraulo nga lang. Tumigil siya sa harapan ko, at nag-tama ang tingin namin.
Ngumisi siya saakin, "Wow, parang ang ganda mo ata ngayon? Ngayon lang."
Nanaliksik ang mata ko dahil sa sinabi niya. Akmang sasapakin ko na siya pero mabilis niyang nasalo ang kamay ko para pigilan iyon.
"Tanginamo, aga-aga ang init ng ulo mo," reklamo niya.
Napailing-iling naman si Mireille sa amin. "Ewan ko sa inyo, para kayong aso at pusa."
Sinamaan ko ng tingin si Kiyoshi at naglakad papunta sa kitchen para kumuha ng tubig.
"Hoy! Bakit kayo lang? Nasaan yung sa amin?" Narinig kong sigaw ni Kiyoshi.
"Putangina mo!" inis na sigaw ni Ling. Nanlaki naman ang mata ko. Gulat kong tinignan siya.
Ang init ata ng ulo ng babaeng ito?
"Aga-aga sumisigaw ka," reklamo niya.
"Aga-aga din ang init ng ulo mo!" sigaw ni Kiyoshi pabalik sakaniya.
YOU ARE READING
Echoes Of Vanth Academy
FantasyOnce a rough gangster school, Vanth Academy is now a haven for talented students. Corrine Narhiara, known for her beauty and extraordinary abilities, serves as the Academy's vice president. Surrounded by supportive friends and family who cherish her...