43

1.1K 32 3
                                    

Euphrasia.

Nandito kaming lahat ngayon sa living room, pati yung mga pinsan ko nandito na rin. I saw Storm walking papunta dito sa amin. Nakapagpalit na siya ng damit; he's wearing a fitted v-neck black shirt that clings to his toned chest. Ang holy shit, his biceps are on full display, and he seems to be flexing them almost unconsciously.

His hair is still damp from a recent shower, droplets of water glistening as they cling to the strands. I noticed how many of my cousins couldn't take their eyes off him. Lahat sila parang mga aso na naglalaway. It was as if they were undressing him with their eyes-yung mga titig nila parang they are tearing his shirt off right then and there.

Napataas ang kilay ko dahil malaki ang ngiti ni Demoria na lumapit sa kanya. She's holding a golden plate with a chocolate cake; sobrang ganda nito tignan at mukhang masarap. Everyone is looking at them right now.

Wala dito si Mommy at Daddy dahil may pinag-uusapan sila sa labas along with my other older relatives. Tanging mga pinsan ko lang na kaedad ko at ang mga kaibigan ko ang nandito.

Malandi niyang tinignan si Storm, kaya naikuyom ko ang kamao ko. This bitch! How dare her? Nilalandi niya ba ang boyfriend ko sa harapan ko-wait? Boyfriend?!

Hindi ko siya boyfriend!

"Hi Storm, I made this chocolate moist cake for you. This is my specialty, a recipe passed down from my grandmother. It took hours to perfect every detail, from carefully measuring the ingredients to ensuring the cake was baked to perfection. The batter is rich with high-quality cocoa powder and melted dark chocolate, giving it an intense, deep flavor. I added a hint of espresso to enhance the chocolate-"

"I don't eat sweets, except from your cousin's sweet mouth," he cut her off.

Nalaglag ang panga ko sa sinabi niya. Napasinghap naman sila Delythena at binigyan ako ng mapang-asar na tingin. Parang nanuyo yung lalamunan ko dahil sa narinig.

Demoria looked at me with jealousy in her eyes, na parang any moment ay mangingiyak na siya. My other cousins stood up to cheer her up, habang nakatingin pa rin siya sa akin.

Imbes na maawa sa itsura niya dahil mukha siyang napahiya, my lips slightly rose, giving her a playful look.

Nakita ko ang pagkuyom ng kamao niya habang nakatingin sa akin. Padabog siyang umalis dala-dala ang cake at sinundan naman siya ng mga alepores niyang mga pinsan.

Napalunok ako habang nakatingin sa lalaking naglalakad papalapit sa akin ngayon. Kung matitig siya, parang gusto niyang ako'y kainin ng buhay.

Naalala ko yung ginawa niyang pag-iwan sa akin kanina at yung pananakot niya. Akala niya ba nakakatuwa iyon?

Tumabi siya sa akin kaya umusog ako papalayo. Sinamaan niya ako ng tingin. Hindi ko siya pinansin at itinuon ang atensyon sa malaking television na nasa harapan namin.

Hanggang ngayon, hindi ko pa rin kinakausap sila Rav dahil baka tutuhanin niya ang sinabi niya. I know him! Hindi siya yung tipo ng tao na magjo-joke!

Yung totoo, para lang kaming nagbabakasyon dahil halos si Storm na ang trumabaho sa lahat. Walang ambag ang mga kasama ko.

Pati ako!

Napangiwi ako dahil nakita ko si Kiyoshi na tumatakbo papunta dito, habang kumakain ng chocolates niya. Para siyang bata na takam na takam habang kinakain iyon. Bumaling naman siya sa amin.

"Mhmm! Ling, ang sarap ng pocky mo!"

My head tilted. Bahagyang napaawang ang labi ko habang nakatingin sa kanya.

Echoes Of Vanth AcademyWhere stories live. Discover now