Euphrasia.
Iniyakan ko ito buong araw, halos namaga na ang mga mata ko kakaiyak at kakasumpa sa bwisit na si Storm.
Eurgh!
Hindi ako makakapunta bukas. I already asked the owner of Vanth Mall, pero hindi niya ako pinagbigyan dahil isa iyon sa mga rules, to be fair.
It's already 10 in the evening, ni hindi nga ako lumabas para kumain dahil sa galit ko kay Storm. Baka magwala pa ako pag nakita ko siya dahil sa inis.
Naramdaman ko na ang bulate sa tiyan ko na nagwawala kaya wala na akong magagawa pa, dahil gutom na gutom na talaga ako. At isa pa, for sure tulog na ang mga yun.
Kaagad kong binuksan ang pinto ng kwarto ko. Napakunot ang noo ko nang makita ang isang kahon sa labas ng kwarto ko. It's a red box na may nakaukit na NVX-no way!
That brand...
Kaagad kong kinuha ito at pumasok sa kwarto ko. I frowned, Sino naman ang naglagay nito?
Kaagad kong binuksan iyon at laking gulat ko nang makita ang kuwintas na matagal ko nang gustong makuha. Oh my god!
Napasigaw ako sa tuwa dahil doon. Who the hell gave this to me? Kung sino man siya, isang malaking "I love you" para sa kanya.
The necklace is a stunning piece of jewelry, crafted with a delicate chain of white gold that sparkles under any light.
Oo, umiilaw din ito pag madilim.
At ang sentro nito ay may nakasabit na napakagandang rose pendant, meticulously designed with petals made of pink sapphires that glimmer like morning dew.
Each petal is outlined with tiny diamonds. Oh, perfect!
The pendant is small enough to be subtle but big enough to catch your eye. It gives off a feeling of timeless beauty and class, perfect for any occasion. Only three of these necklaces exist, making it highly sought after.
A rose necklace, and a thunder bracelet na may letter A?
Teka nga...
Si Delythena lang naman ang pinagsabihan ko nito, at si Storm.
Wait...
Thunder....
Storm?
Pff? The hell, impossible!
Agad akong tumayo at pumunta sa kwarto ni Delythena, kaagad ko na iyong binuksan dahil hindi naman na lock. Mabilis siyang napabangon sa pag-kakahiga ng makita ako.
"Oh? Ano nanaman ang problema mo-What is that?" Turo niya sa dala kong box. "Anong 'what is that'?" tanong ko, na nalilito.
"Pinagloloko mo ba ako?" Tanong ko, "Hoy, baliw ka. I'm asking what is that, mukhang expensive eh," malditang sabi niya, lalo pang nagpakunot ng noo ko.
"So, hindi ikaw ang nagbigay ng necklace na 'to?" Tanong ko sa kanya habang kinukuha ang rose necklace.
Napakunot ang noo niya. "Baliw ka? Why would I give you that, ano ka, gold?"
Napairap ako sa sinabi niya, "Kung hindi ikaw, sino?!"
"Aba, malay ko?" Sabi niya sabay irap.
"Baka naman may iba kang sinabihan bukod sa akin." Nakataas niyang kilay. "Ops, hindi ko pa nga nakausap si Kuya, tinatamad pa ako," dagdag niya.
"Pero mukhang hindi na yun kailangan, nakuha mo na eh" Bored na sabi niya.
Mas lalo akong napatingin sa kanya, "Shit, sinabi ko kay Storm." Nanlaki naman ang mata niya sa sinabi ko.
YOU ARE READING
Echoes Of Vanth Academy
FantasyOnce a rough gangster school, Vanth Academy is now a haven for talented students. Corrine Narhiara, known for her beauty and extraordinary abilities, serves as the Academy's vice president. Surrounded by supportive friends and family who cherish her...