23

877 20 27
                                    

Euphrasia.

Nandito kami sa sala dahil sa sobrang bored. Naisipan namin manood na lang ng movies dahil lowbat ang laptop at cellphone ko. Dead bat lahat dahil tinambakan ako ni Storm ng paperworks.

"Mireille, may tatlong joke ako," nakangiting sabi ni Kiyoshi.

Nag-angat naman ng tingin si Mireille at nakakunot ang noo habang nakatingin kay Kiyoshi. "Ano yun?"

"Joke, Joke, Joke," sabi ni Kiyoshi.

Nanlaki ang mata ko nang muntik na ibuga ni Alex ang juice niya dahil sa narinig. "Tangina, wala bang mas korni pa diyan?" reklamo niya.

Si Mireille naman ay nakatunganga na parang may iniisip. "So, ano yung tatlong joke mo?"

Napabuntong-hininga na lang ako sa tanong niya. Bwesit! Bakit ang daming may damaged sa utak sa bahay na 'to? Wala na bang mas matinong elites dito?

Napakamot si Kiyoshi sa ulo niya. "Joke, Joke, Joke nga, ina neto."

"Ha? Saan nga yung tatlong joke mo? Ano, bilis! Puro ka jok jok jok!" inosenteng tanong ni Malui.

"Ay, depota ka talaga! 'Joke, joke, joke' yun na yung tatlong joke na sinasabi ko sa'yo-teka nga? Bakit ba ako nag-e-explain?" reklamo niya.

"Ah, yun pala yun," tanging nasabi ni Malui habang awkward na ngumiti.

Napairap naman ako. "Wag ka nang mag-joke, Kiyoshi. Wala namang nakakatawa."

"Jokes are supposed to be funny," dagdag ko.

"Jokes are supposed to be funny, ampota! Kasalanan ko bang hindi kayo natawa, gago!" depensa niya, nanlaki ang mata ko dahil ang lutong ng mura niya.

Tumawa si Alex at sabi, "Okay, eto na lang, may joke din ako. Bakit hindi pwedeng magtanim ng mga joke sa garden?"

Napatingin kami lahat sa kanya. "Bakit?" tanong ni Mireille.

"Kasi baka tumubo at maging corny!"

I rolled my eyes, "Isa kapa, tumahimik ka" Reklamo ko.
"Nga pala, hindi ko ata nakita si Lore at Lovereign?" tanong ni Alex habang nililingon ang paligid.

"Eh diba kayo magkasama papunta sa West wing kahapon? Bakit sa amin ka nagtatanong?" tugon ni Kiyoshi, nakangiwi.

"Aba, kahapon yun! Iba na ngayon, malay ko ba sa dalawang yun," ani Alex, medyo iritado.

"Lovereign is in the healing center," seryosong sabi ni Light na nakaupo sa single sofa, abala sa pagbabasa ng libro.

Napabangon ako mula sa pagkakahiga sa carpet nang marinig ang sinabi niya. Napakunot ang noo ko, "Ano? Healing center? Anong ginagawa niya dun?"

Bumaling si Light sa akin, "She used the Purification Zone at the swimming pool to prevent any disturbances later. That drained her energy quickly and she almost fainted."

The Purification Zone is a barrier that only Lovereign can create. However, it extracts a substantial amount of energy from her. Ang Purification Zone ay hindi pumipigil sa paggamit ng abilities, pero pinipigilan nito ang epekto ng abilities ng tao sa iba.

"Purification Zone? Is that even necessary? I mean-" Tanong ni Alex habang tumingin sa akin.

Tumango ako, "Yeah, bakit siya gumawa ng Purification Zone? Hindi naman kailangan yun."

"May pa-activities si Tito mamaya, lahat ng matatalo makakatikim ng punishments," seryosong sabi ni Light.

Nanlaki ang mga mata ko, "What? For real?"

Echoes Of Vanth AcademyWhere stories live. Discover now