Euphrasia.
Napatingin ako kay Delythena dahil kanina pa siya lakad ng lakad sa harapan ko. Anong problema ng babaeng to?
"Tigilan mo nga yan, ako yung nahihilo sa pinanggagawa mo," reklamo ko.
She took a deep breath at seryosong tumingin sa akin. "Alam mo, ang weird talaga eh."
"Weird?"
"Kahapon, I was just supposed to ask and warned you about your new friends, pero parang alam mo 'yun, sumagi sa isip ko 'yung past na away natin, like? Nag vent nalang ako about sa past natin then boom that was just a misunderstanding," pagliwanag niya.
Napakunot naman ang noo ko. "Huh?"
Inis niya akong tinignan. "Boba, basta! 'Yung parang gusto ko lang naman inisin ka pero parang may humatak sa akin."
Napailing-iling naman ako. "Baka nabaliw ka na," pangaasar ko.
Sinamaan niya ako ng tingin. "Ah basta, ang weird."
"Si Mireille? Nasa training room pa ba?" tanong ko, tumango-tango naman siya.
"Yeah, busy na busy sila sa training habang tayo tinambakan ng paper works," reklamo niya.
"Pagsabihan mo 'yung kuya mong gago," natatawa kong sabi, tumaas naman ang kilay niya.
"Kahit pa umiyak ako sa harapan nun, hindi ako papansinin nun."
Napangiwi naman ako, hindi papansin nga 'yung kapatid mo eh, sarap tirisin.
I shook my head at kinuha ang phone ko ng bigla itong tumunog. Ano na naman ba 'to? Who is this pokemon?
Hudas!
Alagad ni hudas: Report to my office immediately. We are going on a mission.
Napakunot naman ang noo ko. Mission?
"Ano 'yan?" Taas-kilay na tanong ni Delythena.
"Mission daw," bulalas ko.
Napakunot ang noo niya. "Mission?"
"Aba, malay ko," sabi ko.
Hindi siya makapaniwala at tumingin sa akin. "Anong malay mo?"
Umiling-iling ako. "Basta, babalik ako. Punta muna ako sa office ng kuya mo," paalam ko.
Tumango lang siya at binigyan ako ng weird look. Nginitian ko lang siya at umalis.
Mabilis kong binuksan ang pinto ng office ni Storm. As always, he is facing his laptop again and didn't even bother to glance at me.
"Anong mission? kailan mo pa ako sinama sa isang mission?" Bungad na tanong ko.
Pero wala akong narinig na sagot. Nakatalikod pa rin siya sa laptop niya, para bang walang tao sa harapan niya.
"Are you listening?"
Nakaramdam ako ng inis nang hindi pa rin siya kumikibo. Pinaglalaruan ba niya ako?
"Storm?"
"Hm?" Yun lang ang narinig ko sa kanya kaya hindi ako makapaniwala na tinignan niya ako na busy pa rin sa laptop niya. Inaasar niya ba ako o ano?
I gritted my teeth. "Aeschylus Rouge!"
Natigilan siya sa pagsigaw ko at bumaling sa akin.
"Yes, baby?"
Nag-init ang pisngi ko sa sinabi niya. Para akong natameme at napalunok habang tinitigan siya.
Shutacca, ang pogi talaga!
YOU ARE READING
Echoes Of Vanth Academy
FantasyOnce a rough gangster school, Vanth Academy is now a haven for talented students. Corrine Narhiara, known for her beauty and extraordinary abilities, serves as the Academy's vice president. Surrounded by supportive friends and family who cherish her...