Euphrasia.
Ibinaba ko ang tingin sa menu habang iniisip kung ano bang masarap na orderin. Nagugutom na talaga ako. Sa malayong dako ng fair, kitang-kita ko ang iba't ibang ilaw na kumukutitap, may mga taong naglalaro, nagtatawanan, at nagsasaya. Sobrang lamig din ng simoy ng hangin at mukhang maling desisyon ko ata na hindi ako nagsuot ng jacket, but I'm wearing Storm's jacket instead, na kulay black.
Like what Delythena said, pinagalitan niya nga ako kanina dahil sa suot ko, pero dahil wala ako sa mood ay hindi ko siya pinansin. Bakit kasi hindi ko naisip na malamig pala dito?
Naglilibot ako sa food area dahil gusto kong tikman yung iba't ibang foods na hinanda nila, but since I forgot my cards, kay Storm din ang ginamit ko. Kanina pa siya nakabuntot sa akin at sobrang sama ng tingin niya sa mga taong nakatingin sa amin ngayon, kaya natatakot ang iba na sumulyap man lang. Kanina pa siya nagmumura sa hindi ko malaman na dahilan.
Nahihiya tuloy at natatakot ang mga students na bumabati sa amin dahil sinasamaan niya ng tingin kahit wala namang ginagawa.
Tiningnan ko ang mga prices sa food stall na pinili ko at halos lumaglag ang panga ko dahil sa prices. What the fuck? 1000 points for a freaking ramen? Eh, 1,500 na lang natitira sa points ko! Syempre, kahit kay Storm ang points na 'to, babayaran ko pa rin 'to.
Napalingon ulit ako sa kanya, at nahuli ko siyang nakatingin na naman sa akin. Bakit ba ang seryoso ng mukha niya? Kulang na lang ay sumabog siya sa galit. Huminga ako nang malalim at pilit na pinakalma ang sarili.
"Storm..." I called him, kahit labag sa loob ko.
"Yes, baby?"
Palihim akong napakagat-labi dahil sa narinig ko. What the freak? Pakiramdam ko tuloy ay nag-iinit ang pisngi ko, pero hindi dahil sa hiya. Mabilis ang tibok ng puso ko, at hindi ko maipaliwanag kung bakit. Nakakainis! Bakit ganoon ang epekto niya sa akin?
Nagkibit-balikat ako at tiningnan ulit ang menu, parang gusto ko nang tapusin ang awkward na sitwasyon na 'to. "Uhm... Ilan ba yung current points na nasa card mo? Para mabayaran ko lahat ng bibilhin ko dito."
"Wow, may pera ka, Corrine?"
"I didn't ask you to pay, just pick whatever you want," aniya, kaya napairap ako.
"Eh? What if bilihin ko lahat ng pagkain dito sa buong stall?" Nakangising hamon ko.
"Go ahead, I won't mind," walang pakealam na sabi niya. Napairap na lang ako sa kawalan. I forgot that this man is freaking rich. He probably has billions of points in his cards. Pero ako? I spend points all the time kaya wala akong naiipon.
"Mas gusto ko pa rin magpalibre kay Zon," I joked, pero parang gusto kong bawiin ang sinabi ko nang bumaling ako sa kanya.
Napasinghap ako nang makita ko ang expression ni Storm. Nagdilim ang mukha niya at nakita ko ang paggalaw ng panga niya. Ang sama ng tingin niya sa akin na parang kakainin niya ako ng buhay kaya kumalabog ang dibdib ko. I laughed awkwardly. "I-I'm just kidding."
Lumapit siya sa akin. Nagulat ako dahil pumulupot ang bisig niya sa bewang ko. "Baby," bulong niya, at naramdaman ko ang mainit niyang hininga sa leeg ko. "Don't even think about mentioning another man in front of me." His hand slid down possessively. "You know I don't share... and definitely not with Zon."
My lips parted at napansin ko na nakatingin na ang mga students sa amin, at parang walang pakealam si Storm sa paligid niya.
"Calm down, I'm just joking," kinakabahan na sabi ko. "People are already looking at us, please. I'm sorry, nagjo-joke lang naman ako," pakiusap ko.
YOU ARE READING
Echoes Of Vanth Academy
FantasyOnce a rough gangster school, Vanth Academy is now a haven for talented students. Corrine Narhiara, known for her beauty and extraordinary abilities, serves as the Academy's vice president. Surrounded by supportive friends and family who cherish her...