Time flies swiftly. Naipasa na namin ang plate and it was graded the highest in our class. Sino ang mag-aakalang paparangalan itong the "Best Plate" sa batch namin. I thank Khalil for doing all the job. Kung hindi dahil sa kanya ay wala akong grades ngayon.
We have 2 weeks semester break kaya sa bahay lang ako pumipirmi.
It was so boring parang mas gusto ko pa na nasa school ako kesa dito sa bahay.
I called Mavy, I've missed that girl kahit kaka-kita lang namin kahapon.
"Napatawag ka beh?" si Mavy
"Gumala ka dito sa bahay, ang boring kasi"
"Otw!" masiglang saad niya
Humiga muna ako sa sofa sa living room habang hinihintay na dumating si Mavy.
And finally she's here.
"Eyyy! Hello Flow!!!" mas masigla pang saad ni Mavy. Hindi talaga siya nauubusan ng energy. Sobrang daldal parin!
"Hindi ka ba nawawalan ng energy?" I laughed. "Baka mamaya maubusan ka ng energy tapos dito ka tuloy matutulog." biro ko.
"Dito naman talaga ako matutulog" itinaas niya ang dalang paper bag na may lamang damit niya. "Wala ka nang magagawa." she smiled
I think it's a great idea that she'll stay here. Kahit ilang araw pa
I nodded at saka tumayo para kunin ang mga gamit niya. Napagtanto kong ang bigat bigat nung paper bag. Ba't ang bigat? Para namang isang buwan siyang mananatili rito. Baka may bato tong paper bag na to.
Iniakyat ko ang bag sa kwarto ko at tinabi iyon sa isang couch.
Sumagi ulit sa utak ko ang sinabi ni Khalil...
"Uhm... Sorry ladies, I already found someone."
Urgh! Ayokong pag-isipan yun! Hindi naman imposibleng magkaroon siya ng girlfriend. Sa gwapo niyang yun? Isa pa hindi ko naman siya type diba? Hahaha.
Bumaba na ako sa hagdan at nakita si Mavy na may hawak-hawak na strawberry biscuit. Galing yun sa akin, kabibigay ko lang kahapon.
"Ngayon mo lang kinain yan?" wala sa sariling tanong ko. Halata namang ngayon niya lang kakainin, ba't pa ba ako nagtatanong?
"Di ba halata?" sarkastiko niyang sagot.
Bahagya akong natawa at tinulak siya ng malakas.
"Hoy nanunulak ka pala ah! Eto sa yo!" sabay hablot ng isang unan at inihampas sa ulo ko.
"Ahhh! Sakit ha!" hinablot ko ang isa pang unan at hinampas hampas ko siya.
Walang tigil ang paghampasan at tawanan namin. Di na namin namalayan na kumalat na pala ang mga gamit sa paligid.
"Tama na...tama na!" saad ni Mavy na parang naghahabol ng hangin. Deserve di makahinga, jk.
Nagsitigil kami sa paghahampas at inayos ang mga kalat.
"Flow" mahinang saad ni Mavy na sapat para marinig ko.
"Yes?"
"Uuwi raw si Courtney pagkatapos ng graduation!" masaya niyang ani sabay tili. Gosh she's so excited.
Courtney Max Esperanza is our bestfriend who's currently studying at FZ State University and taking Tourism as her course. Masyado siyang malayo kaya halos isang taon na kaming hindi nagkikita simula nung nagtransfer siya.
I'm excited and finally magkikita kaming tatlo after graduation. Konting kembot nalang at matatapos na lahat!
"Beh?" si Mavy.
BINABASA MO ANG
15 Reasons To Love You (ONGOING)
RomanceMahirap magmahal lalo na at hindi mo alam ang dahilan kung bakit ba? Why do we have to love if it ends up to be a mess? Xylaire Flow Avanzano, an indecisive boyish gamer girl living her life to the fullest. Currently taking BS Architecture as her...