Chapter 29

5 1 0
                                    

Pangalawang araw bago ang hiwalayan. I asked him for a date yesterday. Safe naman kaming nakauwi kahapon kahit nagbike lang.

Sila Mavy at Courtney naman ay nagpaalam kani-kanina lang na uuwi na raw sila ng Maynila. Napagtanto kong may sari-sarili pala kaming buhay so I let them.

Now I'm alone here in this mansion. Meron naman si Butler Nando, Yaya Esther, Yaya Vicky, at iba pang mga kasambahay pero it hits different when your bestfriends were right beside you.

Naghanda ulit ako. Suot ko ngayon ay isang pink dress at takong na hindi naman masyadong mataas. Nagsuot na rin ako ng necklace at kinuha ang pink designer bag ko. Gaya parin kahapon, naghintay lang ako sa living room.

And now I hear a honk of a car. It's him!

Dali-dali akong lumabas ng pinto at tumakbo patungo sa gate. Nandoon siya, nag-aabang sa loob ng sasakyan niya.

Lumabas siya sa sasakyan. He's wearing a blue long sleeve and black slacks with his shiny leather shoes. Pinagbuksan niya ako ng pinto sa passenger seat at pumasok na ako roon.

Katabi ko siya, tahimik na nagmamaneho habang ang kanang kamay niya ay nakahawak sa kamay ko. Looking at him at this kind of angle is already a blessing for me.

"Anong gusto mong gawin natin ngayon?" tanong nito. Ano kaya?

"Hmmm... Arcade!" masiglang saad ko na nagpatawa sa kanya.

Mabilis na humarurot sa pagtakbo ang kotse at sa isang iglap, nasa underground na kami ng isang mall kung saan ipinapark ang mga sasakyan.

Lumabas siya at binuksan muli ang pinto para sakin. He's such a gentleman.

Hawak-hawak ko parin ang kamay niya papasok sa mall. Like couples usually do.

"Gusto mo kumain muna?" eh? Kakarating lang namin, kain agad?

"Jollibee tayo." dagdag pa niya.

"Sige na nga, alam mo talaga pano ako kunin, e." saad ko habang inilagay ang ulo sa braso niya.

Naglakad kami patungo sa Jollibee. Weakness ko talaga si Jollibee, e.

"Hot fudge sundae, spaghetti, fries, tapos burger." saad niya sa cashier.

"Dine in or take out?" tanong nito.

"Dine in po." magalang na sagot nito.

Hinintay naming makuha ang order at nang makuha na iyon ay naghanap kami ng mauupuan.

Wala nang bakante pero may four seater table roon sa unahan pero may magkasintahan ang nakaupo.

"I'll gently ask them if pwede ba tayo makiupo." saad ni Khalil.

Nagtungo kami roon and to my surprise... It's Austin!

"Ms. Avanzano? Bakit ka nandito?" takang tanong nito.

"Ikaw ang dapat tinatanong ko nyan, anong ginagawa mo dito?" masayang saad ko at nakipagshake hands.

"Long time no see, Flow." saad nito. "Yan ba yung boyfriend mo?"

"Ah oo, ito si Khalil." pagpapakilala ko kay Khalil, nakipagshake hands rin siya.  

"Yang kasama mo, girlfriend mo ba?" dagdag ko pa.

Nailuwa nung babae ang kinain niya dahil sa sinabi ko.

"Ah sorry." pagpapaumanhin ko. "Pwede ba kaming makiupo dito?"

"Sure sure walang problema." sagot ni Austin.

Lumipat ng upuan si Austin at tinabihan yung babaeng kasama niya. Feel ko talaga may something sila eh.

15 Reasons To Love You (ONGOING) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon