Chapter 26

5 1 0
                                    

Gabing kay saklap. Pangyayaring hindi ko alam kung ikatuwa ko bang nanumbalik ang ala-ala o ikalungkot dahil kapalit nun ay ang mapahamak ang minamahal ko.

Agad namang nagtungo si Mom, Dad, Mavy,  at Courney dito sa hospital ng mga Aldama. Alalang-alala sila dahil sa nangyari.

Mabuti naman ay may CCTV Footage doon sa kalsada kung saan siya nabangga. Hindi maaninag kung sino ang nasa loob nito ngunit alam nilang hindi rehistrado ang sasakyan.

Pinaghahanap na ng mga pulis ang suspect habang sila Mom naman ay naghire pa ng private investigator para matukoy kung sino-sino ba ang merong motibo sa pagkakabangga niya.

"Anak..." Dad uttered.

"O-opo?" takang tanong ko. Para parin akong maiiyak dahil hindi ko kakayanin kung may mangyari kay Khalil.

"Nakakaalala ka na?" tanong nito na may bahid ng pag-aalala sa mukha niya.

Tumango ako bilang sagot at niyakap niya ako ng mahigpit. Alam kong hindi ko siya tunay na ama pero napalapit na rin ako sa kanya. Pinaramdam niya sa akin ang pakiramdam na magkaroon ng ama kahit hindi kami magkadugo.

"K-kasalanan ko po Dad kung ba't siya nabundol." I cried so hard.  "Kung hindi ko lang siya napagsalitaan ng m-masakit, hindi sana siya tumakbo palayo."

"Walang may gusto sa nangyari at lalong wala kang kasalanan, Aira." pagpapagaan ni Dad sa pakiramdam ko.

Napag-isipan kong tawagan ang Mommy ni Khalil para malaman ang kondisyon niya. Nasa emergency room parin si Khalil sa ngayon dahil sadyang kritikal at masama ang pagkakabangga sa kanya.

Nagtungo ako sa counter kung saan may telepono. Saulo ko pa naman ang number ng mommy niya kahit ilang taon na ang nakalipas. Sana'y hindi pa siya nagpalit ng number.

Sumagot ito. "Sino po ito?"

"T-tita ako to si Flow." bago humagulgol sa pag-iyak.

"Mabuti naman at bumalik ka na! Oh ba't ka umiiyak?" saad ng Mommy niya sa kabilang linya.

"T-tita, si Khalil p-po..."

"Anong meron kay Khalil?" nagsimulang magkaroon ng pangamba sa boses ni Tita. Paano ko ba sasabihin sa kanya na nabundol ang anak niya?

"N-nabundol po siya, nandito p-po siya sa Aldama Hospital." biglang naputol ang tawag at mas lalong namuo ang luha sa mga mata ko. Parang paparating na ang delubyong kailangan kong harapin.

Ilang minuto ang lumipas, inilipat na sa isang hospital room si Khalil. We personally requested to switch him to the private room with comfortable bed and they agreed.

Pumasok ako sa kwarto niya at nakita kong tulog na tulog siya. Maaliwalas na ang mukha niya kahit merong bandage ang ulo at kamay niya.

Pinigilan kong pumatak ang luha ko at nagpakatatag bago magsalita. Alam ko namang tulog siya at di niya ako maririnig pero gusto kong kausapin siya. Umupo ako at hinawakan ang kamay niya.

"Khalil..." panimula ko.

"Sorry ha... Ngayon lang kita naalala. Masyado pala akong mapanakit sayo noh? Ba't mo pako hinanap, di sana nangyari to." mapait akong ngumiti.

"Alam mo, sa limang taon na wala ka sa tabi ko at wala akong maalala... Ramdam kong may kulang sakin... Ikaw... Ikaw yung kulang."

"Masyado akong naging matigas sayo, naghintay ka pa ng matagal, iniyakan mo pa talaga ako. Hindi ka ba napapagod?"

"Pagod na siya nang dahil sayo!" bulyaw ng isang boses sa likod ko. Ang mommy niya.

"Tita." mahinang saad ko bago tumayo.

"Wag mokong tawaging tita! Nang dahil sayo, nagkaganito ang anak ko." inis na saad niya bago inialis ang kamay ko sa pagkakahawak sa kamay ng anak niya.

"Sorry po, hindi ko naman po ginusto ang nangyari."

"Well you should feel bad! Kaya siya hindi umuwi ng Maynila nang dahil sayo! Gusto niyang bumalik ang letseng memoryang yan! Eh eto tayo ngayon... nasa hospital siya nagpapahinga nang dahil sayo!" buong lakas na sigaw niya.

Tanggap ko naman na mali ako pero ewan... Hindi ko kayang ipagtanggol ang sarili ko sa Mommy niya. Kilala na ako ng Mommy niya nung mga bata pa kami, mabait siya sa akin. Parang ngayon gusto kong baguhin ang pananaw ko sa kanya pero mahirap.

"Kapag nadischarge na ang anak ko, hinding-hindi mo na siya makikita." diin na saad niya. Bakas parin ang galit at poot sa mukha niya.

Ano? Hindi maaari, mahal ko ang anak niyo.

"P-pero."

"Walang pero-pero! Malaki na ang anak ko pero sa ngayon ako parin ang magdedesisyon para sa kanya."

Natahimik ako habang parang tangang nakatayo lang sa gilid. Hindi ko alam ang gagawin dahil galit na galit ang Mommy niya sakin.

Kasalanan ko lahat nang to. If I didn't exist, maybe he'll find another woman that'll never make him suffer.

"When he wakes up, break up with him." she added.

"Ayoko po tita please..." I cried in front of her.

Lumuhod ako sa harapan niya at humingi ng kapatawaran. Masyadong matigas ang puso ni Tita. Kahit siguro anong luhod o halik sa paa pa ang gawin mo, hindi na mababago ang isip niya.

"Do it... Please. This is for my son." may halong pag-aalala na saad ni Tita, nawala ang galit at kunot ng noo niya.
Gusto niya talagang putulin ko ang koneksyon sa pagitan namin ni Khalil.

"Kung mahal mo ang anak ko...papakawalan mo siya." dagdag pa niya.

Tama siya. Masyado nang masakit ang pinagdaanan ni Khalil sakin. Matagal niya akong hinintay, matagal na siyang nagtiis sa ugali kong to. Panahon na siguro para bumitaw.

Lumabas na ako sa silid niya at naupo nalang sa bench. Kahit gusto kong umiyak, wala na akong luhang pwede iiyak dahil lahat nang iyon ay naubos na.

Bakit hindi sang-ayon ang panahon para sa aming dalawa? Bakit kailangan ko pang bumitaw para lang sa Mommy niya?

"Beh tubig oh." ani Mavy sabay abot ng tubig sa akin.

"Flow... Nakakaalala kana?" takang tanong ni Courtney. I nodded as an answer and she hugged me tight.

"I'll break up with him." malamig kong saad habang inaayos ang mukha ko dahil basa pa iyon ng luha.

"Huh?  Bakit?" tanong ni Mavy.

"Please don't tell Khalil about this. Promise me." seryosong ani ko at tumango-tango sila.

"His Mommy told me to break up with him. Alam kong nasasaktan na si Khalil nang dahil sa akin. I don't want to be a burden to him anymore." malamyos kong saad.

"I'm speechless but do you think you can do that? Do you think magiging masaya ka pagkatapos mong gawin yan? " Mavy said with worries in her eyes. Ngayon lang siya naging seryoso.

"I don't know but I must do it...for his Mommy."

He didn't give up on me but I have to give up on him. Should I give up on you, Khalil?

15 Reasons To Love You (ONGOING) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon