I thought death was about to get me. I opened my eyes and found myself inside a white room...a hospital room.
Why am I here? Where am I?
The nurse beside me came out of the room to call the doctor. Gulat na gulat ang mukha niya nang nakita niya akong gising. Pagkabalik niya ay kasama niya na ang doctor.
"It's nice that you're awake. You've been comatose for almost 2 years!" he exclaimed.
Two years of coma? Ganyan ba katagal ang tulog ko?!
"Sino po kayo?" I asked nicely.
"I'm Dr. Yuhan Vicenzo. You got into a car accident 2 years ago and your family took you here."
Family? May pamilya ako?
"May p-pamilya p-po ako?" I innocently asked.
"Yeah of course!" natigilan siya na parang may napansing kakaiba. "May naaalala ka ba?"
I shooked my head as an answer.
"What's your name then?"
"I-I don't know..." biglang sumikip ang dibdib ko dahil wala akong maalala sa nakaraan o kung sino ako. Who am I?
"Goodness you're having an amnesia. We'll check you later to be able to know if it's a long term or short term." he said while pinching the bridge of his nose.
Saktong may pumasok na mag-asawa siguro at may hawak na isang basket ng prutas.
"Anak!" tawag nung babae sa akin.
Akma na sana siyang yayakap sa akin nang agad kong ibinalot ang sarili sa kumot.
"Ahh... Sorry hindi mo pa ako nakilala. I'm your biological mother, Charline De Valle." she bit her upper and lower lip while saying those.
"I'm just a minor noong pinanganak kita..." she cried. "Iniwan kita sa ampunan para kahit doon maaalagaan ka. Mahirap lang tayo nun."
"Sorry nak ah, ngayon lang ang Mommy. Pabalik-balik ako sa ampunan nun pero may nag-adopt na pala sayo... Nagtrabaho ako hanggang sa napromote at hanggang sa nakapagpatayo ng malaking kompanya." she added.
Tahimik parin akong nakikinig. Naantig ang puso ko sa sinabi niya na para bang kahit siguro ginawa niya yun sa akin noon, wala sa wisyo ko ang magalit.
"At binayaran ko ang ampunan. Dahil sa pera, hinanap ka nila... Papunta na sana kami nun nang biglang nakasagasa kami ng isang babae..." bumuntong hininga muna siya bago magsalita ulit. "Ikaw...ikaw ang anak namin."
Niyakap niya ako ng mahigpit. Kahit hindi ko siya kilala, parang magaan ang loob ko sa kanya.
Lumingon siya sa likoran niya at pinakilala ang lalaki na sa tingin ko ay tatay ko.
"Siya, siya ang stepfather mo. Siya ang tumulong sa akin na hanapin ka kahit hindi ka naman niya anak."
Lumapit sa akin ang 'stepfather' ko at niyakap rin ako.
"Sino po ako?" tanong ko sa kanila.
Gulat na gulat sila sa tanong ko na para bang nakakita sila ng multo. Tinanong nila ang doctor kung ano ang nangyayari at ipinaliwanag naman niya iyon.
Nagsitinginan silang lahat sa akin. Para bang nag-iisip o kung ano.
"Ikaw si Aira Vivory De Valle. You're our daughter." saad ni Mommy at niyakap ako ulit.
Lumabas na ang mga doktor para icheck kung ano nga ba talaga ang nangyayari sakin habang si Mom at Dad naman ay nasa tabi ko.
Tinanong ko sila tungkol sa buong pagkatao ko pero wala silang masyadong masagot dahil hindi naman daw ako lumaki sa kanila. Ang tanging alam lang nila ay ang eksaktong petsa ng kapanganakan ko, totoong pangalan, at kung saan ako pinanganak.
BINABASA MO ANG
15 Reasons To Love You (ONGOING)
RomanceMahirap magmahal lalo na at hindi mo alam ang dahilan kung bakit ba? Why do we have to love if it ends up to be a mess? Xylaire Flow Avanzano, an indecisive boyish gamer girl living her life to the fullest. Currently taking BS Architecture as her...