Khalil Nathan Salazar's POV
It's almost 5 years since Flow was gone. Grumaduate akong mag-isa. I even witnessed the downfall of her family business.
They went bankcrupt matapos maging 'missing' si Flow. Balak kasi nilang i-engage si Flow sa anak ng may-ari ng Camino Corps at nung mabalitaang wala na siya, kinuha lahat ng shares sa kompanya nila.
Usap-usapan rin sa campus noon ang bankcruptcy pati narin ang pagkakakilanlan ni Flow that she's an... adopted.
Before they move out, I pleaded her mom that I want to get all of her things including her trophies. Sumang-ayon rin naman siya, balak rin kasi nilang itapon lahat nang yon.
Inilipat ko ang mga gamit niya sa pad ko and even put all of her picture frames to it's designated place.
Nandito parin ako, hinahanap siya sa kung saan. I even hired a private investigator para mahanap siya but there's no traces afterall. I'll never lose hope. I know I can find her even if it takes many years until I see her again. Kahit saang sulok pa ng mundo ka naroon, hahanapin kita.
I'm a licensed professional architect and I earn millions every year kaya nakapagpatayo narin ako ng sariling pad at isang maliit na kompanya. Nag-aaral rin ako ng law as of now dahil hindi naman talaga pagiging arkitekto ang nais ko.
Nasa loob ako ngayon ng isang mall dito sa Makati. Nagbakasyon lang ako saglit at uuwi rin ng Maynila ngayong linggo.
Pumasok ako sa Jollibee at umorder ng hot fudge sundae at jolli-spaghetti, yung inoorder niya lagi noon. Kung nandito lang siya, siguro matagal kaming lumabas dito.
Habang kumakain pansin kong may isang babae na may napakahabang buhok, suot ay isang mini skirt at puting puff sleeves na pinares niya sa long white boots niya. May kasama siyang yaya na hawak-hawak ang mga gamit na pinamili niya. Hindi ko nalang pinansin iyon at nagpatuloy sa pagkain.
Malapit lang naman ang inuupuan ko sa cashier kaya madali ko lang marinig ang inoorder nila.
"Isang hot fudge sundae po tsaka jolli-spaghetti." saad ng babae. Why her voice sounds familiar?
Sinubukan kong tingnan ang mukha nito pero masyado siyang malikot kaya di ko makita.
"Dine in or takeout?" tanong nung cashier.
"Takeout po." she answered.
Parang kumakawala ang dibdib ko na hindi ko maintindihan. It seems like I'm yearning for that voice all over the years.
She took her order and went out. Lumabas rin ako at sinundan siya. I didn't mind about the food I left at the restaurant. Kinukutuban akong si Flow iyon, my long lost girlfriend.
Hindi nagsusuot ng girly na damit si Flow at mas lalong hindi yun sanay mag-order ng pagkain para sa sarili niya. Kahit imposibleng maging si Flow yun, malakas ang kutob ko.
Nasa di kalayuan akong nagmamasid. To my surprise, she looked exactly like my girlfriend, Flow.
"Yaya uwi na po tayo." rinig kong saad niya sa yaya niya.
"Masusunod Señorita Aira." sagot nito. Aira?
Lumabas ako sa pagkakatago at nagtungo sa kinaroroonan niya. I've missed her so bad.
"Flow!" I exclaimed with excitement in my eyes.
"Huh?" bakas sa mukha niya ang pagiging blangko at parang walang alam sa nangyayari na tila ba hindi niya ako kilala.
Niyakap ko siya ng mahigpit. Finally after so many years, dito lang pala sa Makati kita mahahanap.
Isang malakas na sapak sa likod ang naramdaman ko... Yung yaya niya.
BINABASA MO ANG
15 Reasons To Love You (ONGOING)
RomanceMahirap magmahal lalo na at hindi mo alam ang dahilan kung bakit ba? Why do we have to love if it ends up to be a mess? Xylaire Flow Avanzano, an indecisive boyish gamer girl living her life to the fullest. Currently taking BS Architecture as her...