Mahaba-haba ang pila sa convention. Doon kasi ih-held ang gaming tournament sa nilalaro naming online game. Malaki-laki rin ang mapapanalunan.
I am wearing black t-shirt and cargo pants for today. Simple lang kase ayoko rin naman magmukhang over dressed. And I don't wanna wear something girly.
I am with Mavy today. She insisted to come with me kahit alam niyang minsan lang siyang papayagan ng Tita niya.
"Ang ineeett!" reklamo ni Mavy. "Parang ang lapit-lapit lang natin kay Satanas besh!"
I chuckled and hold her arms to be able to escape from the crowd. Sumingit ako para mas mapadali ang pagpasok ko sa convention. I don't wanna be late dahil isa ako sa mga manlalaro.
We successfully entered the convention at naupo na ako sa isang silya kung saan kami maglalaro. Nasa tabi ko lang si Mavy, allowed naman magdala ng kasama sa loob.
"And now let the game begin!" saad ng host na siyang nagpakaba sa akin.
You can do this, Flow
Hawak-hawak ni Mavy ang dulo ng tshirt ko. Kapag nakakapatay ako ng kalaban sa game, napapatili siya. Kapag ako ang namatay sa game, kinukurot niya ang tagiliran ko.
"Ouch!" inis na saad ko. "Just chill there! Di ako makafocus"
"Sorry excited lang!" bahagya siyang tumawa.
Malapit nang matapos ang game at sigurado akong mananalo ako.
"You can do this Flow! Go! Go! Go!" she cheers.
Biglang may bumulong sa buong sistema ko na pinag-igihan ko ang paglalaro. Sayang ang 5,000 kung matatalo ako rito.
Finally, I beat the game. Nakuha ko ang prize money at nabigyan pa nga ako ng trophy. It is the best day of my life!
Tuwang-tuwa naman ang gaga kase lilibrehan ko raw siya ng milktea.
"Beh milktea ko hihi" pabebe niyang ani.
Di ako makatanggi kaya bumili ako ng dalawang milktea. Isang okinawa milktea at isang wintermelon, ang favorite niya.
"Thank you besh! You're the best!" masayang sabi niya habang patalon-talon sa pag-inom.
I admit she's my favorite bestfriend kaya kung ano ang gusto niya, yun ang binibigay ko. I don't wanna see disappointment in her face once I turn her down. As much as possible, I'll give her anything even though she don't even ask for it. Kusa kong ibibigay ang feel kong magugustohan niya.
We sat in a nearby tree at nagpahangin. Pinikit ko ang mga mata ko para maipahinga ng ilang segundo.
"What if Flow" basag niya sa katahimikan.
"Ano?"
"What if sa future mag-away tayo bigla tapos di na mabalik yung closeness natin?" saad niya.
Kumurap ang mata ko at tinitigan siya. Hinihintay niya ang sagot ko.
"Bat mo ba tinatanong yan? Hahaha" I laughed bitterly.
Ayoko sa mga ganitong tanong kase takot akong mangyari yun samin. Ni minsan hindi yun pumasok sa isipan ko.
"Wala lang napatanong lang" ani niya.
"Gusto mo marinig sagot ko?"
"Oo"
"Kung mangyayari yan, ako ang mags-sorry kahit kasalanan mo pa yan o kasalanan ko" umiwas ako ng tingin at nagpatuloy sa pagsasalita. "Ayokong mawala ka sakin, Mavy. Ikaw na lang ang kaibigan ko. Kahit magkamali ka pa, papatawarin parin kita at di ako papayag na mawawasak tayong dalawa. Bestfriends tayo eh"
BINABASA MO ANG
15 Reasons To Love You (ONGOING)
RomanceMahirap magmahal lalo na at hindi mo alam ang dahilan kung bakit ba? Why do we have to love if it ends up to be a mess? Xylaire Flow Avanzano, an indecisive boyish gamer girl living her life to the fullest. Currently taking BS Architecture as her...