Ilang araw na nanatili si Mavy sa bahay. Naisipan naming lumabas muna para magpahangin. Siguro sa mall nalang? Park? Saan ba?
"Beh milktea tayo" aya ni Mavy sabay hawak sa kamay ko. I was getting chills right now hindi ko dapat maramdaman to.
"S-sge, let's go" utal-utal kong ani at saka nagpatuloy sa paglalakad.
Nasa taas ng building ang milktea shop kaya kailangan naming umakyat patungo roon. Balita namin masarap raw ang milktea doon at maganda ang background, coffee shop vibes ikanga.
Hinigit ni Mavy ang isang pintuan, ito na siguro ang milktea shop.
Nakita ko na may logo ng gunting sa labas ng pinto. Teka? Hindi to milktea shop ahh?
Naknam pucha! Barbershop to, hindi milktea shop!
Biglang lumabas si Mavy at parang nahihiya. Inambahan niya ako ng hampas sa likod.
"Gaga! Barbershop pala to hahaha" ani ni Mavy at saka humalakhak ng malakas.
Napahalakhak na rin ako. Nakakahiya siya! Di ko kilala tong kasama ko. Ito na yata ang pinaka-nakakaloka na ginawa niya. Kung ako yung gumawa nun, labis talaga kahihiyan ko. Buti nalang makapal-kapal mukha ng kaibigan kong to.
"Beh di kita kilala, alis!" sarkastiko kong saad habang tumatawa.
"Nakakahiya nga! Nagsitinginan nga yung mga lalaki dun, akala siguro nila magpapagupit ako." saad niya at hindi parin tumigil sa kakatawa.
Nasa tabi lang pala ng barbershop ang milktea shop na hinahanap namin. Napagkamalan pa talaga!
Pumasok na kami sa milktea shop. Siya na mismo nagorder, inabot ko lang ang bayad ko sa kanya.
"Dalawang okinawa milktea po please" magiliw na saad ni Mavy sa cashier.
Tumingin siya sa akin. Nags-selfie pa ako ngunit nagtama ang mga mata namin, sinamaan ko siya ng tingin.
Nang makuha na ang milktea, iniabot niya sa akin ang sukli pati na rin ang inumin ko. I'm so happy today, kasama ko kasi ang bestfriend ko and sobrang memorable nito sakin.
"Beh, dun tayo sa 7-11 bili tayo snacks" saad niya.
"Okay." tipid kong sagot.
Hindi talaga ako masyadong nagsasalita. Siya talaga ang madaldal sa amin. Kung may pagdedesisyonan, sa kanya ko iniaatas yun kase indecisive ako.
Pagkapasok namin sa 7-11 kumuha siya ng isang snack. Chocolate ata yun na ano basta yung matigas na parang basta.
Kumuha rin ako ng sweet corn snack saka pumunta sa counter para magbayad. Iniabot niya sakin ang bayad niya syempre KKB kami.
Nagbayad ako sa counter. Pansin ko ang pagtagilid ng panga ng cashier. Tinaas ko ang kilay ko at biglang may kumuha ng hinahawakan ko... Yung snacks.
"Beh ang lutang mo" humagikhik siya sabay lagay nung mga snacks sa counter. "Nagbayad ka pero di mo nilagay yung babayaran mo"
Shuxx mas nauna pa akong nagbayad kesa ilagay ang babayaran.
"Ayy sorry, lutang lang" I chuckled awkwardly.
Matapos magbayad, umupo muna kami sa labas ng 7-11. Syempre kakainin yung snacks na pinamili namin.
"Mallory Vixen Suertez." ani ko
"Wow ha full name talaga" she chuckled. "Bakit?"
"Gusto ko lagi tayong magkasama." wala sa sariling saad ko. Ewan ko ba bakit ko nasabi yun.
BINABASA MO ANG
15 Reasons To Love You (ONGOING)
RomanceMahirap magmahal lalo na at hindi mo alam ang dahilan kung bakit ba? Why do we have to love if it ends up to be a mess? Xylaire Flow Avanzano, an indecisive boyish gamer girl living her life to the fullest. Currently taking BS Architecture as her...